Chapter Thirty Eight

358 5 0
                                    

Isang linggo matapos ang aksidenteng nangyari kay Mela ay nagbalik eskwelahan na siya. First day of school nila ngayon. Nasa tambayan silang magkakaibigan dahil hindi pa masyadong maayos ang kanilang schedule.

“Oh ano kamusta ang sembreak?” tanong sa kanila ni Jade.

“Hay naku! Dios me. Mapapanot na yata ako sa kakautos ng Kingkong na yon. Kundi lang talaga kelangan kong maging katulong non eh” sabi ni Mayly.

“Bakit ilang weeks ka na ba sa kanya?” tanong naman ni Gine.

“Mga 2 weeks pa lang. Haist wala pa akong isang buwan sa kanya na-i-stress na beauty ko. Hay naku talaga!”

“Eh ikaw Mela kamusta naman ang sembreak kasama ang labiduds mo?” tanong ni Gine sa kanya. Napatingin tuloy ang tatlo sa kanya.

“Ayon maraming nangyari kakaiba”

“What do you mean kakaiba?” tanong ni Jade.

“Pano kasi dumating si Jane yong dating nililigawan ni Jeth. Tas ipakilala ba naman ako ni Jeth pinsan niya? Hay naku nakakaloka talaga at ito pa ha dumating si Drei”

“Ha? Alam ni Drei kung nasan ka? Ano namang ginagawa niya roon?” tanong ni Shel.

“Nililigawan niya ako. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya na hindi ko siya pwedeng sagutin”

“Kung ako ikaw ha sabihin mo na sa parents mo yong tungkol kay Jeth. Alam ko naman na matatanggap din nila ang relasyon nyo lalo na at mahal nyo ang isa’t isa.” Sabi ni Gine.

Tama nga si Gine. Kelangan na nga nyang sabihin ang tungkol sa kanila ni Jeth. Dalawang linggo na lamang at uuwi na ang magulang niya.

“Mela nasabi mo na ba kay Jeth yong nangyari 3 years ago?” tanong ni Gine habang nag-aayos sila ng mga upuan sa isang vacant room kung saan sila nag-practice ng kanta.

“H-hindi pa eh” sabi niya rito.

“Ano? Sabihin mo na kaya sa kanya. Pano kung malaman niya sa iba yon di mas malaki pang magulo yon”

“Natatakot ako Gine pano kung hindi niya ako tanggapin? Na ako, si Mela at yong babaeng nerd na obsess sa kanya nong high school ay iisa”

“Mela kung mahal ka talaga ni Jeth tatanggpin ka niya kahit maging sino ka pa. Anong kinakatakot mo?”

Natatakot siya na baka layuan siya ni Jeth at di siya tanggapin.

Paalis na sana si Chloe nang marinig ang usapan sa loob ng classroom na dinadaanan niya.

“Natatakot ako Gine pano kung hindi niya ako tanggapin? Na ako, si Mela at yong babaeng nerd na obsess sa kanya nong high school ay iisa” boses yon ni Mela.

Napa-“oh” siya ng marinig ang sinabi nito. Sino ba namang mag-aakalang si Mela at ang dating binubully bully nila nong high school ay iisa.

I think its gonna be an awesome revelation! Sabi niya sa kanyang isipan at naglakad na palayo.

3 years ago…

“Sino yong number 22 Gine?” tanong ni Mela kay Gine ng makabalik na sila sa classroom matapos ang try-out sa varsity team.

“Hindi ko alam eh. Teka ha. Tanungin ko si Rave”sabi nito at saka nagpaalam na tatanungin nito si Rave.

“Alam ko na!” narinig nyang sabi ni Gine matapos ang ilang minuto.

“Sino?” excited na sabi niya.

“Si Jeth yong mvp sa second section”

So  Jeth pala ang name niya.

After nyang malaman na Jeth ang pangalan ni Mr. 22 ay agad niya itong napapansin sa campus.

Habang tumatagal ay mas lalong nahuhulog ang loob niya rito.

Isang araw habang papunta siya ng canteen ay nadaanan niya ang Gym nila kung saan nakita niya si Jeth na naglalaro ng basketball. 6 pm na yon at katatapos lamang ng praktis nila sa choir para sa gaganaping mass bukas. Halos nagsi-uwian na ang mga estudyante dahil kaninang 5pm ang uwian nila.

Huminto siya at saka tinignan ito habang nagdri-dribble. Ngayon lang niya napansin na naka-sando lang ang pantaas nito at dahil pawisan na ito ay bakat na bakat ang matipunong katawan nito.

So may purpose pala ang late na pag-uwi namin hay… Thank you Lord at pinagbigyan mo akong makakita ng isang machong anghel hay!!!! Sabi niya sa kanyang isipan habang nakatingin parin kay Jeth.

Napahiya siya ng makitang nakatingin ito sa kanya. Naka-kunot noo ito. Na parang sinasabi nitong bakit niya ito pinapanood? Dahil sa sobrang hiya ay umalis na siya at dumeritsyo na sa canteen.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon