Chapter Twenty Five

400 6 0
                                    

Napangiti si Mela ng magtext sa kanya si Jeth. Wala na silang klase kaya malaya silang gawin ang gusto nilang gawin basta nasa loob ng classroom di pa kasi sila dini-dismiss ng professor nila eh.

Hi. My precious. What time uwian mo?

Pagkatapos ng klase nila ay uwian na niya.

Mayamaya bakit? Text niya rito.

Nagtext uli ito. Nothing. Just want to know. Ingat sa pag-uwi okay. I have a class until 4:00

Kinilig siya. Minsan kapag di siya nito masusundo pauwi ay tinetext siya nito.

Okay Jsagot niya.

Nagvibrate uli ang cp niya. Akala niya di na uli tio magtetext.

I Love you, my precious

Napangiti ulit siya. Buti na lamang at busy ang mga kaklase niya sa kanya-kanyang gawain ng mga ito kung hindi paniguradong napagkamalan na syang baliw.

Yeah.  I Love you too babe text niya rito. Saka na niya sinilid ang cp niya sa kanyang bag.

Alas tres ng makauwi si Mela bahay nila Jeth. Mahigit isang buwan na siya sa bahay na iyon kaya pinagkatiwala na sa kanya ni Ate Jill ang susi ng bahay. Masyadong magulo ang schedule ng pasok nito sa hospital na pinapasukan nito.

Dahil tamad syang mag-lunch ay gagawa na lang siya ng egg sandwich tutal ay namalengke naman sila ni Ate Jill kahapon at bumili sila ng tasty bread at itlog. Pagkatapos nyang malaga ang itlong ay hinalo niya ito sa mayonnaise. Habang nag-hahalo ng itlog at mayonnaise ay bigla syang nagulat ng may yumakap sa likuran niya.

Hindi siya magtataka sino ang nangahas na yumakap sa kanya dahil memoryado na niya ang panlalaking amoy nito. Nang bumaling siya kanan ay napasinghap siya ng halikan siya nito sa labi. Mukhang lahat ng cells niya sa katawan pati sa buhok ay kinilig sa ginawa nito.

“Miss me?” sabi nito at may nakapaskil an nakakalokong ngiti sa labi nito.

“Huh? Asa ka. Kakakita lang natin kanina ah at sasabihin mong na-miss kita tsk” pero sa totoo lang ay na-miss niya ito kaso ayaw niya lang aminin rito at baka asarin siya nito.

“Aminin mo na kasi” sabi nito.

“Anong ginagawa mo rito? Diba sabi mo may pasok ka pa?” pagi-iba niya ng usapan.

“Uwian na namin. Di pumasok si prof eh” sabi nito di parin bumibitiw sa pagkakayakap sa kanya. “Anong ginagawa mo?”

“Egg sandwich. Gusto mo?” alok niya rito.

“Sige. Bihis mo na ako ha” sabi nito at saka siya hinalikan sa pisngi. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.

“Ah wait” narinig nyang sabi nito. Lumingon siya rito.

“Ano gawin na natin yon ngayon?” sabi nito at saka kumindat sa kanya.

Nanlaki ang mata niya. Anong ibig sabihin ito? Na gagawin nila ‘iyon’?

Nayakap tuloy niya ang kanyang sarili.

Tumawa ito ng makita ang reaksyon niya.

“Hey, Wag ka ngang mag-isip ng masama dyan”

“Ano sa tingin mo ang iisipin ko ha? Eh ikaw kaya dyan”

“Wala akong iniisip na masama noh. I’m just talking about playing basketball with you later. Oh baka gusto mong gawin natin ang iniisip mo? It’s okay with me.” Sabi nito at saka uli siya kinidatan.

“Hahaha. Thanks but no thanks Mr. Ferrer di ko kelangan ng katawan mo noh!” nakataas ang kilay na sabi niya.

“Okay sabi mo eh. But if you want my body just ask for it and I will give it to you” nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito bago ito umalis ng kusina.

“Hmp! Asa!” sabi niya. Narinig pa niya itong tumawa.

Sa basketball court siya nito dinala. Dala rin nito ang Spalding ball nito. Walang katao-tao sa court dahil may pasok ang mga estudyante. Walang ring mga tambay sa araw na iyon. Umupo siya sa bleachers. Samantalang si Jeth ay nakatayo at nakatingin lamang sa kanya.

“Hey I thought you want to play basketball” sabi nito.

Umiling siya. “Hindi ko alam eh” sagot niya. Totoo iyon di siya marunong mag-laro ng basketball all she knew is to watch and cheer.

“Don’t worry I will teach you” sabi nito at saka hinila siya patayo.

“Wag na. Baka mahirapan ka pa sa pagtuturo sa akin eh” tutol niya.

“It’s Okey” sabi nito.

“Okay na sa aking mag-cheer sayo noh. Di ko na kelangang matutunang maglaro noh” saad niya rito at saka bumalik sa pagkakaupo sa bleachers.

“Ayaw mo talaga?”tanong nito.

Tumango siya. “Ikaw na lang maglaro. Papanoorin na lang kita”

“Sure, my precious” sabi nito.

He dribbles the ball. At saka ito nag-dunk sa ring at shinoot iyon.

Paulit-ulit iyon hanggang sa pagpawisan ito. Paulit-ulit niya rin itong chini-cheer.

Kahit pawisan na ang mokong na to. Ang gwapo niya parin saad ng isip niya.

Umupo ito sa tabi niya. Inabutan niya ito ng tubig.

“Thanks” sabi nito at saka ininum ang tubig.

“Oh” sabi niya at saka inabot rito ang towellete. Kinuha nito iyon at saka pinunas sa mukha nito.

“Paki punas naman likod ko oh” sabi nito at saka tinanggal ang sout na shirt nito.

Woa. That sexy body. Nang-init ang mga pisngi niya. Ano ba Mela, ha. Tumigil ka dyan sabi ng kontrabidang utak niya.

“Uy” sabi ni Jeth sakanya. “Natulala kana dyan ah. Nakakatulala ba talaga ang katawan ko”

“Ha? Uy, asa ka. Hindi may iniisip lang ako” sabi niya at saka iniwas ang mga mata sa mala-adonis na abs nito.

Shit! That abs…. Ano ba yan? Mind ha. Umayos ka. Kukutusan kita eh. Sabi niya sa kanyang napakalaswang utak.

“Ah a-ano t-tumalikod ka na nga. Diba nga p-punasan ko yang likod mo?” sabi niya rito.

Tumalikod naman ito. Pinusan niya ang likod nito kahit nanginginig ang kamay niya.

“Ayan tapos na” sabi niya rito.

Humarap ito. “Sa harap” sabi nito.

“Ha?” naka-kunot noong sabi niya.

“Sa harap naman paki-punasan na rin”

“Uy, Jeth, sumusobra ka na. Ikaw na yan” sabi niya at saka ibinibigay ang towellete rito.

“Sige na please” sabi nito with puppy eyes pa.

Kunti na lang at mapapasunod na siya nito sa sobrang cute nito pag naka-puppy eyes ito.

“Ayoko nga.” Sabi niya.

Inilapit nito ang katawan nito sa kanya.

“Jeth! Ano ba! Are you seducing me?”

“Ako? Bakit sini-seduce ba kita?” painosenteng tanong nito.

“Ewan ko sayo” sabi niya at saka tumayo. Hinila siya nito at napa-upo ulit.siya sa tabi nito.

“Di ka naman mabiro” sabi nito at saka pinisil ang pisngi niya.

“Balik na tayo sa bahay” Baka mamaya di ko mapigilan ang sarili ko at mapagsamantalahan kita dugtong niya sa kanyang isipan.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon