Chapter Thirty One

380 5 0
                                    

Nasa Mall na sila at kasama si Jane. Para tuloy siya ang chaperon ng dalawa. Lagi kasing nakadikit si Jane kay Jeth na pinababayaan naman ng huli. Nang pumasok sila sa supermarket ay agad kinuha ni Jane ang isa sa mga basket roon. Inunahan siya nitong kumuha. Hinayaan na lamang niya ito.

Ito na rin ang nag-grocery para sa kanila ni Jeth. Hindi niya alam kung umeepal lang ito kay Jeth o ano.

Nagpaalam sa kanila si Jeth na mag-si-CR lamang ito.

“May girl friend na ba ang pinsan ?” napalingon siya kay Jane.

“Sinong pinsan?” nakakunot-noong tanong niya.

“Si Jeth” sabi nito.

Oo nga pala. Pinsan na pala niya si Jeth ngayon. Ano ba Mela.

“Siya may Girlfriend? W-wala” sabi niya sabay iwas ng tingin dito.

Nais na nyang sabihin na siya ang girlfriend ni Jeth! Pero hindi pwede dahil sa paningin nito pinsan lamang siya ni Jeth.

“Then, that’s nice”

“Akala ko nga girlfriend ka ni Jeth” sabi niya. Gusto nyang malaman sino ba talaga si Jane sa buhay ni Jeth.

Tumawa ito. “Talaga? So talagang bagay kami ni Jeth. But don’t worry cousin-in-law malapit na” sabi nito at saka siya iniwan para pumila sa counter.

But don’t worry cousin-in-law malapit na umalingawngaw iyon sa kanyang pandinig.

Huh?! What does it mean? Grabe ako ang girl friend niya!!! Ngali-ngali nyang isigaw ang mga katagang iyon dito.

Sinundan na niya ito sa counter. Siya ang nagbayad ng ginrocery nila. Akmang kukunin niya rito ang plastic bag.

“Ako na Mela. I can handle” sabi nito.

“Naku hindi ako na. Nakakahiya naman sayo eh”

Kinuha niya iyon. Pero inagaw nito iyon sa kanya.

Kukunin na sana niya iyon ng dumating si Jeth.

“Ako na magdadala nyan. Jane” sabi nito.

“Thanks Jeth ha” sabi ni Jane at saka sumunod na kay Jeth.

Sinundan na lamang niya ng tingin ang dalawa.

Dahil sa paanyaya ni Jane na kumain sa labas kaya nasa Goldilocks sila. Sagot ni Jane ang pagkain nila ni Jeth.

Asikasong-asikaso ni Jane si Jeth ng mahain na sa kanila ang orders nila. Nakatingin lamang siya sa dalawa.

Parang wala kayong kasama ah! himutok niya sa kanyang isipan. Isipin mo yon nasa harap niya ang boyfriend niya at inaasikaso ng ibang babae? tssk bad trip!

“Hey, Mela kain ka lang dyan” napatingin siya kay Jane.

Ngumiti lang siya rito. Tinignan niya si Jeth at saka tinaasan ito ng kilay. Humanda talaga ang hudas na ito mamaya makikita niya.

“Thanks Mela, Jeth I really enjoy your company. Salamat sa pagsama nyo sa akin ha” sabi nito ng ihatid nila ito ni Jeth sa bahay nito.

Ngumiti lamang siya kahit ang totoo naiinis na siya.

“Bye! Papasok na ako” sabi nito.

Pagkapasok ni Jane ay saka na siya pumasok sa sasakyan ni Jeth. Iniwan niya ito roon sa labas.

“Mela”

Hindi niya ito pinansin. Pinaandar na nito ang sasakyan.

Pagkapasok nito sa garahe ng sasakyan ay agad syang bumaba at pumasok sa loob ng bahay.

“Mela, let’s talk” sabi ni Jeth na nakapasok na pala sa loob.

“Talagang mag-uusap tayo Jeth. Ba’t mo sinabi na pinsan mo ako sa harap ni Jane?”

“Kung sasabihin kung hindi kita kaanu-ano baka may isipin siya at kumalat pa sa ibang tao”

“Sana naman sinabi mo agad ng hindi ako naging tanga diba?”

“Hindi ko alam na andito na pala siya. Bakit ba napakalaking isyu si Jane sa atin?” malakas na sabi nito

“Bakit hindi? Anong gusto mo maging masaya ako dahil dumating siya? Hoy! Jeth boyfriend kita. Anong gusto mo matuwa ako na lagi syang nakadikit sayo. Tapos ikaw pa ang galit ngayon”

Nilapitan siya nito at saka niyakap. “I’m sorry, I really don’t know na darating siya”

Unti-unting nawala ang galit ni Mela dahil sa yakap ni Jeth.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon