3 years ago…
“Mela ang dami mo namang pinamili” sabi ni Gine.
“Gagawa ako ng chocolate chips para kay Jeth. Malapit na ang valentines day eh!”
“Are you sure about that? Mela” sabi naman ni Mayly.
“Oo naman. Once in a blue moon lang ako ma-in love ng ganito eh” sabi niya.
“Hay naku! Kahit anong pigil naman namin sayo di mo kami pakikinggan” sabi naman ni Joy.
Araw ng Valentines Day. Hapon noon. Mamayang gabi na ang prom nila.
Pumunta siya sa classroom ni Jeth pero wala ito roon. Hinanap niya ito sa canteen pero wala ito roon bagkus ay sina Chloe at mga kaibigan nito ang naroon.
“Oh hi! Mela! What’s that?” tanong ni Chloe, nakatingin ito sa box na hawak niya.
“Ha? Ito? Chocolate chips” sabi niya.
“Oh its for Jeth right? I know where he is” sabi nito.
Natuwa siya. “Talaga? Asan siya?” tanong naman niya.
“He’s in the gym.”sabi nito.
“Salamat” sabi niya at saka na umalis.
Hindi niya alam bakit siya tinulungan nito eh dati naaalibadbaran ito sa kanya.
Natagpuan nga niya si Jeth sa gym kasama ang dalawang kaibigan nito nakaupo ang mga ito sa bench.
Lumapit siya rito. “Hi Jeth” bati niya.
Tumingala ito sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito.
“A-ano pa-para sayo pala. Happy Valentines day” sabi niya at saka inabot ang box ng chocolate chips.
“Para saan to?” tanong nito ng di man lang kunin ang box.
“Para sayo. Gusto ko lang ibigay sayo dahil g-gusto kita!”
“Will you please stay away from me. I don’t like you okay. I don’t like you a bit. Hindi ko type ang mga katulad mo” naiinis na sabi nito.
Nasaktan siya sa sinabi. Oo alam naman niya na hindi siya ang tipo ng babaeng maguustuhan ni Jeth.
“S-sorry” sabi niya. Iniwan niya ang box sa bench at nagtatakbo palayo.
Nanghihina na napaupo si Mela sa bench. Kanina pa siya takbo ng takbo at doon siya napadpad. Iyak siya ng iyak.
Paulit-ulit na rumirehistro sa isip niya ang sinabi nito.
“I don’t like you a bit. Hindi ko type ang mga katulad mo”
Doon siya nadatnan ng mga kaibigan niya. “Mela are you okay?” tanong sa kanya ni Joy.
“Uy, ba’t ka umiiyak?” tanong naman ni Gine.
“Ang sakit sakit eh!” sabi niya at saka humagulgul.
Her first love is her first heart ache also.
Gulong-gulo ang isip ni Mela. Gusto nyang malaman bat nagbago si Jeth? What’s wrong with him? It has been 2 days. Lagi siya nitong iniiwasan.
Pumunta siya ng CR. Isa sa mga cubicle.
Tapos na syang mag-cr at akmang bubuksan ang pinto ng marinig ang pamiliar na boses.
“So Chloe kamusta ang pag-uusap nyo ni Jeth?”
Si Chloe?! “Okay lang naman. He believes in all those things I’ve said. Sigurado akong wala na sila ni Mela”
“Oh my gosh Chloe. Ano bang sinabi mo sa kanya?”
“Na lahat ng ginagawa ni Mela ay part ng kanyang revenge”
Doon na siya lumabas. “Sinungaling!”
Nagulat ito ng makita siya pero agad ding napalitan iyon ng ngisi.
“I’m not liar! Ikaw ang sinungaling. Pabor na nga sayo yon eh. Sinabi ko kung anong hindi mo kayang sabihin”
“Pero bakit mo sinabi na pinaghihigantihan ko si Jeth?”
“Oh that? Totoo naman diba? Yon ang plano mo kaya mo sinekreto ang lahat. Oh c’mon girl I know you. Grabe ang galit mo sa kanya dati. So who knows that you’re making a plan to make even with him?”
Sinampal niya ito. “Kahit kelan Chloe hindi ko binalak na gantihan si Jeth”
“How dare you! Mataas ang pride ni Jeth. At kahit anong gawin mo hindi ka niya pakikinggan” sabi nito.
Tinalikuran niya ito. Wala syang panahon para kausapin pa ito. Kelangan nyang puntahan si Jeth.
“Hindi ka na niya babalikan Mela. Wag ka ng umasa” sabi pa nito.
Hindi na niya ito pinansin. Iniwan na lang niya ito.
Nakaupo siya sa sofa nang dumating si Jeth. Tumayo siya. Talagang inabangan niya ito para kausapin. She has only one week to go before her parents back to the country.
“Jeth, alam mo na ang totoo diba? Jeth please harapin mo naman ako oh. Magalit ka kung gusto mo. Sumbatan mo ako ng sinungaling pero kahit kelan hindi ko binalak na paghigantihan ka”
Hindi ito umimik.
“Jeth” tawag niya rito at saka hinawakan ang kamay nito.
“I don’t wanna hear anything from you Mela” sabi nito at saka tinanggal ang kamay niya na nakahawak dito.
Jeth!!! Ang sakit na yong taong mahal mo hindi man lang nagtitiwala sayo. Oo siya ang nagkamali. Nagsinungaling siya pero dahil yon sa mahal niya si Jeth. Mahal na mahal niya si Jeth and she don’t want to lose him like that.
I have one week to go. Sana pakinggan na niya ako. hiling niya.
One week had passed. Hindi parin siya pinansin at kinausap ni Jeth. He avoided her. Ngayon ang araw kung saan aalis na siya sa bahay ni Jeth at sa buhay nito.
Wala si Jeth ng araw na aalis na siya. She just wrote a letter to him. At saka sinuksuk sa pinto ng kwarto nito.
“Jill thank you ha sa pagtingin tingin mo rito kay Mela.” Sabi ng mama niya. Nasa labas na sila ng gate.
“Walang anuman po yon Tita”
“Ate Jill, thank you po ulit” sabi niya rito.
“Balik ka ulit dito ha. I’m gonna miss you” sabi nito. Niyakap niya ito.
Sana nga ate Jill. Sana makabalik ako uli rito at sa buhay ni Jeth sabi niya sa kanyang isipan.
“Oh siya aalis na kami.” Sabi ni Mama.
“Sige po Bye” sabi ni Ate Jill.
Tinignan niya ang bahay ni Jeth. Ang bahay kung saan nakasama niya ang taong pinakamamahal niya. Siguro hanggang doon na lamang sila ni Jeth.
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...