Chapter Thrity Six

355 3 0
                                    

Paglabas niya suot ang dress na pinahiram ni Jane ay agad siya nitong sinuyod ng tingin. Sinuot niya ang wedge sandals niya.

“Sabi na eh, You look pretty in that dress. Halika na paniguradong mababaliw ang date mo” sabi nito. Paglabas nila ay nakita nyang nakaupo si Jeth at si Drei naman ay nakatayo.

“Hey, guys, Mela is here. She looks pretty right?” sabi ni Jane.

Napatingin sa kanya si Jeth halos magdikit na ang kilay nito sa pagkakakunot noo nito. Paniguradong galit ito sa pagsusuot niya ng damit ni Jane.

Samantalang si Drei naman ay humahanga ang pagkakatingin nito sa kanya.

“Wow! You look like a goddess” sabi nito.

Ngee goddess talaga? Nasabi niya sa sarili.

Ngumiti siya. “Thanks. Masyado naman mo yata akong binobola”

“Who said that I’m joking?” sabi naman nito.

“Hay naku! Let’s go na guys. Maya na yang ka-sweet-an nyo” sabi ni Jane.

Inalalayan siya ni Drei na pumasok sa sasakyan nito. Nauna na sila sa place kung saan sila mag-do-double date.

Una nilang ginawa ay manood ng sine. Isang romantic-comedy ang pinanood nila dahil iyon ang kagustuhan ni Jane. Katabi niya sa kaliwa si Drei at sa kanan si Jeth. Kumbaga ginawa syang sandwich ng dalawa.

Halos isang oras na silang nanood at nakakaramdam na siya ng lamig.

“Are you cold?” tanong ni Drei sa kanya dahil napansin nito ang pagyakap niya sa kanyang sarili.

“May I?” tanong nito sa kanya..

Kinabig siya nito at isinandal ang ulo niya sa balikat nito habang ang kamay naman nito ay nakaakbay sa kanya.

Napatingin tuloy sa kanilang dalawa sina Jeth at Jane.

Ano ba tong nangyayari sa akin. Pumapayag akong akbayan sa harap ng boyfriend ko?! Sabi ng kanyang isipan. For the contrary he’s not your boyfriend Mela, baka nakakalimutan mong pinsan. Pinsan kayo sa paningin ni Jane sabi ng kotrabidang utak niya.

Narinig nyang nagsalita si Jane.”My, its cold here” parinig nito kay Jeth.

Hindi ito pinansin ni Jeth naka-focus lang kasi ang atensyon nito sa palabas. Dahil doon hinilig na lamang ni Jane ang ulo nito sa balikat ni Jeth. At ang damuhong Jeth na yon?! hindi man lang nag-react!!!!

Pagkatapos nilang mag-sine ay agad silang naglunch. After lunch ay niyaya niya ang mga ito sa world’s of fun. Ayaw sanang pumayag ni Jane pero pumayag sina Jeth at Drei.

“Kanta tayo dali!!!” excited na sabi niya.

Isa-isa nilang tinignan kung may nakaukupa na sa limang videoke room. Nanghinayang siya ng walang bakante.

“Let’s go. Wala ng vacant” sabi ni Jane at hinila si Jeth.

Nakita niya ang isang videoke kung saan hindi ito nasa loob ng room.

“Ayun oh!” sabi niya rito.

Pumunta sila doon. Si Drei ang bumili ng token para sa pagkanta nila.Pagbalik nito.

“Who gonna sing first?” tanong ni Jane.

Tumayo si Drei at saka pumindot.

Kinuha nito ang mic.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon