Naglalakad si Mela sa Hallway ng makita niya si Mayly, nakangiti ito sa kanya.
“Hoy, babae baka naman langgamin ka na sa sobrang tamis ng ngiti mo ha” sabi niya rito.
Tinapik siya nito sa balikat. “Uy, Mela magsabi ka nga ng totoo ha. Ikaw yong kasama ni Jeth kanina noh”
Napakunot-noo siya.
“Hoy, bawal magsinungaling”
“Mamaya ko na sasagutin yan. May klase pa ako”
“Aysus, Umiiwas ohh. Sabihin mo na. Ikaw yon”
“Alam mo may pagka-chikadora ka rin noh. Mas mabuting mag-mass comm. Ka na lang kesa mag-BSBA mas bagay ka don”
“Ikaw yon noh, Ikaw yong babaeng kasama ni Jeth kanina”
“Shhhh wag ka ngang maingay. Oo na aaminin ko na ako nga yun.”
“Trulalooooo Sabi na ba at ikaw yun ehhhhhhhh HAHAHAHA!”
“Ayyy ganun kelangang isigaw…? Wag ka ngang maingay may makarinig sa atin eh”
“Okay.. Yan na ha. I sealed my mouth” sabi nito.
<Fast forward>
Lunch time…. Nasa cafeteria sina Mela, Jade, Mayly, Gine at Shel.
“Ano tong sinasabi ni Mayly ha Mela?” sabi ni Gine.
Napatigil tuloy siya sa pagsubo at tinignan ito.
“Wala yon” sabi niya.
“Wala raw. Eh kanina inamin na.” sabi ni Mayly.
“Ito na nga oh… kwe-kwento na.” sabi niya.
Kinwento niya mula ng dinala siya ng ina niya sa bahay ni Jeth hanggang kaninang umaga.
“Nakikitira ka sa kanila… Gosh” sabi ni Shel.
Tumawa si Gine. “Akalain mo yon, Tol. Si Jeth na kaaway mo kasama mo sa bahay… Tskkk”
Tinignan niya ito ng masama. “Wag ka ngang maingay. Walang nakakatawa”
“Hay naku Mela, Mela, Mela… Kasalanan mo rin naman ba’t siya ganun sayo” sabi ni Jade.
“Tskk. Di mo ba narinig yong sinabi ko. Inaasar niya ako Jade. Alangan namang hayaan kong ganunin niya ako noh” sabi niya.
Katatapos lamang ng last subject ni Mela ngayong araw. Naglalakad siya sa hallway ng makita si Jeth.
“Halika na.” sabi nito.
“Di ako sasabay sayo. Magco-commute na lang ako”
“Bakit? Teka wag mong sabihing natatakot ka?”
Tumaas ang isang kilay niya. “Ako??? Ano namang kinakatakutan ko ha?”
“Malay ko sayo. Sakay na.”
“Ayoko nga. Magco-commute na lang ako”
“Sakay na. Mamaya isipin ni Ate na minamaltrato kita dahil di kita sinabay” sabi nito.
“Sasakay ka ba o Bubuhatin pa kita. Aba! Abuso na yan ha”
“Oo na sasakay na. Pangit to!”
Pagkapasok pa lang ni Jeth ng Big bike sa garahe ay agad na nilang napansin na wala roon ang kotse ng ate nito.
Mukhang di pa ito nakakauwi.
Binuksan nito ang pinto at pumasok na sila sa loob.
Mag-a-ala sais na pero wala parin ang ate nito.
Kaya nagpasya na syang magluto ng dinner nila ni Jeth.
Pagkatapos maluto ang adobo.
“Hoy, Jeth kakain na” sabi niya.
Mukhang di yata siya nito narinig.
Bahala kang magutom!
Kumuha siya ng plato at saka na nagsalin ng kanin at ulam. Umupo na siya at handa na sa pagkain.
Habang nagbibihis ay agad na nakatanggap ng tawag si Jeth.
Sinagot niya ang tawag.
Ate Jill calling….
“Hello, Ate”
“Jeth di ako makakauwi ngayon. Maraming trabaho dito sa ospital eh. Busy kami.
Magluto na kayo ni Mela ng pagkain dyan ha”
“Ok.”
“Hoy, Jeth pag wala ako wag na wag mong aasarin si Mela ha!”
“Ate naman… Ako? Eh siya nga tong nauuna eh.”
“Basta ha Jeth … tandaan mo bisita natin si Mela”
“Fine”
Pinatay na niya ang kanyang cellphone at saka lumabas ng kanyang kwarto.
Kinatok niya ito sa kwarto nito subalit wlang sumasagot kaya pinihit niya ang seradura.
Dahil bukas iyon ay pumasok siya sa loob.
Hmmm wala dito ang amasona? San kaya siya?
Pinuntahan niya sa sala si Mela pero wala ito roon.
Narinig nyang may tumutunog na bagay sa kusina kaya pumunta siya roon.
“Hoy di raw uuwi si Ate ngayon marami raw silang gagawin sa os---“
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...