Hey, girls did you see what I see” narining ni Chloe na sabi ng kaibigan nyang si Denise.
“Diba si Jeth yon?” sabi naman ni Sophia.
“What? Where?” tanong niya rito.
“Ayun oh” sabi nito sabay turo sa isang deriksyon.
Nakita niya si Jeth at may kasama itong mga babae.
“Bakit niya kasama ang mga yon Chloe?” tanong ni Denise.
“Akala ko ba busy si Jeth kaya di mo siya kasama ngayon? Don’t tell me hindi niya tinggap ang alok mong maging date niya?” sabi naman ni Sophia.
Isa siya sa mga kinaiinggitang babae sa campus at halos lahat ng lalaki ay gustong maka-date siya. Pero si Jeth! Gosh hindi man lang ito na attract sa kagandahan niya.
“I don’t know. But I will do anything para siya ang maging date ko” sabi niya.
Hindi siya makakapayag na maagaw lamang ng iba si Jeth sa kanya. Mula high school pa lamang sila ay gusto na niya si Jeth pero alam niya rin na hanggang ngayon si Jane ang mahal nito. Dahil wala si Jane na panira ng mga plano niya ay gagawin niya ang lahat para mahalin siya ni Jeth.
Sa Jollibee. Masayang kumain silang magkakaibigan. Di niya napigilan si Jeth ng yayain nito ang mga kaibigan niya na kumain sa labas, At ang mga kaibigan naman niya. Hayun at pumayag sa imbitasyon ni Jeth.
“Sabihin mo nga Jeth. Nililigawan mo ba si Mela?” tanong ni Mayly ng maupo sila ni Jeth pagkatapos umorder.
Sinipa niya si Mayly sa ilalim ng mesa. Nang tumingin ito sa kanya ay tinignan niya iton ng masama.
“Uy,wag mo ng pansinin yan, ganyan lang yan pagnililibre hehehe” birongsabi niya kahit ang totoo’y kinakabahan siya sa tanong ni Mayly kay Jeth.
Napatingin siya kay Jeth bakit parang hindi ito natawa sa joke niya.
Seryoso kasi ang mukha nito eh.
“Kain na nga tayo” sabi na lang niya. Habang kumakain sila ay panay ang sulyap niya kay Jeth na nasa harap niya.
Nagulat siya ng mapatingin ito sa kanya. “Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?” sabi nito.
“Ha???? Ah w-wala.” Sabi niya.
“Uy, Jeth pwedeng magtanong?” sabi ni Gine kay Jeth.
“Sige” sagot nito.
“Close na ba kayo ni Mela?”
Muntik na syang mapaubo don ah. Nga naman close na bang matatawag yon???
Hinintay niya ang sagot ni Jeth.
“I guess” sagot ni Jeth.
Hindi malaman ni Jeth kanina ng tanungin siya ni Mayly kung nililigawan ba niya si Mela.
Sa totoo lang nauumid ang dila niya na sabihin ang nararamdaman niya rito.
Oo nakumpirma na nga nyang mahal na niya si Mela. Sa lahat ng babaeng dumating sa buhay niya ito lang ang bukod tanging babae na hindi niya masasabi ang tunay nyang nararamdaman.
Nato-torpe siya na aminin ang nararamdaman niya rito. Samantalang kay Jane ang babaeng una nyang minahal ay hindi naman siya ganon. Niligawan pa nga niya ito eh.
Pero hindi naman siya sinagot nito. At ngayon si Mela, malayong malayo ang nararamdaman niya para kay Jane sa nararamdaman niya ngayon kay Mela.
Napaaangat siya ng tingin ng makitang nakatingin rin sa kanya si Mela. Kanina pa niya napapansing tingin ng tingin ito sa kanya.
“Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?” tanong niya rito ng di na siya makatiis sa tingin nito.
“Ha??? Ah- wala” sagot nito.
“Uy, Jeth pwedeng magtanong?” tanong ni Gine sa kanya.
“Sige” sagot nya
“Close na ba kayo ni Mela?”
“I guess” sagot niya.
Siguro close na nga sila ni Mela. Di na sila nag-aaway ngayon. Truce na nga sila eh.
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
Storie d'amorePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...