Chapter Twenty Seven

386 6 0
                                    

Nakita ni Jeth sa gilid ng kanyang mata ang pag-alis ni Mela. San siya pupunta?

Inanunsyo na na panalo sila.

Napatingin siya kay Chloe na abala sa pagco-cold compress sa kanya.

“Tama na” sabi niya rito.

“What? Pero di pa ako tapos sa pag-gamot ng pasa mo. May konting galos ka pa oh” sabi nito.

“Ako na ang bahala. I will go to the clinic” sabi niya at saka tumayo.

“Ok. I’ll go with you” akmang tatayo rin ito ng pigilan niya.

“I’m fine. Kaya ko na to” sabi niya at saka naglakad palapit kay Mayly.

“Where’s Mela?” tanong niya rito.

“Sabi niya bibili lang siya ng drinks eh. Baka nasa University Canteen” sabi nito.

Hinanap niya si Mela. Wala ito sa University Canteen. Wala sa student’s plaza.

Nasan kana ba Mela? Tanong niya sa kanyang isipan.

Nahagip ng paningin niya ang chapel. Pumunta siya sa likuran ng chapel and there he saw Mela. Nakayuko ito.

“Mela”

Napaangat ng tingin si Mela ng may tumawag sa pangalan niya.

“Jeth”

“Ba’t ka umalis? Di mo pa pinatapos ang laro. We won. Why are you crying?” nakakunot-noong tanong nito. Pinahid nito ang luha sa kanyang mukha.

Umupo ito sa tabi niya.

“I’m tired Jeth”

“Of what?” nakakunot-noong sabi nito.

“Sa-sa relasyon na to. I-I know n-na ako ang nagsabi sayo na itago muna natin ito. Pero Jeth nahihirapan na ako. Yong feeling ko wala akong kwentang girl friend kasi di ko man lang kayang gawin yung ginagawa sayo ni Chloe kanina. Alam mo ba naiinggit ako sa kanya. Sana ako yong nasa posisyon niya. Pati pag-cheer sayo hindi ko magawa, hanggang text lang ako. Jeth a-akala ko kaya ko. P-pero hindi pala”

Ginaganap nito ang kamay niya. “Don’t say that. Mela naman. Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon nating dalawa ako rin. Akala mo ba madali na sa tuwing nakikita kita di kita malapitan, na pag nginingitian mo ako pinipigilan ko lang ang sarili kong lapitan ka at yakapin ka. This is not also easy for me Mela pero nagtitiis ako dahil mahal kita. I love you Mela. Don’t give up on us please”

Napakagat-labi siya para wag tumulo uli ang luha sa mga mata niya.

Kinabig siya nito.

“I’m sorry Jeth. Sorry kung madali akong sumuko.”

“Kaya natin to ok. 5 months na lang naman diba?”

“Oo 5 months na lang”

Narinig niya ang mahinang pag-aray ni Jeth. Kumalas siya sa pagkakayakap mula rito.

“S-sorry. Ok ka lang ba? Punta tayo sa clinic” sabi niya rito.

Di ito tumanggi ng hilahin niya ito papunta sa clinic.

“Buti na lang at hindi malakas ang pagkakabagsak mo hay naku! Kung hindi na-dislocate or na-fracture na yang kaliwang braso mo” saad ni Mela.

Kalalabas lamang nila sa Clinic.

“I’m ok. Wag ka ng mag-alala. Please Mela. Wag kang susuko sa atin ok?”

Nginitian niya ito.

“Mela!” Napatingin siya sa tumawag sa kanya.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon