Chapter Thirty Four

366 3 0
                                    

“Drei” sabi ni Mela ng makita kung sino ang lalaking nakatayo sa labas ng gate.

Dali-dali syang lumapit dito.”Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalamang andito ako?”

“I wanna see you so pumunta ako dito. Sinabi sa akin ni Tita Anne nang tawagan ko siya andito ka raw”

Drei Benitez, kaibigan na ni Mela since second year high school siya. Nakilala niya ito dahil anak ito ng kaibigan ng papa niya.

“Nag-abala ka pa na pumunta rito. Siya nga pala kakauwi mo lang galing manila?”

“Kahapon pa. Pumunta nga ako sa inyo kaso sarado kaya naisipan kong tawagan si Tita Anne para alamin kung nasan ka”

“Pasok ka Drei.” Pinapasok niya ito.

Nakitingin lang sa kanila si Jane. “Nga pala. Jane si Drei. Drei si Jane”

“Hi” bati ni Jane.

“ahm Mela, I’ll go ahead ha. Thanks sa girl talk natin. Sa uulitin” sabi nito at saka na umalis.

Nakahinga ng malalim si Mela ng hindi na siya nito kinulit na tulungan niya ito kay Jeth.

“Sino yon?” tanong nito.

“Kapit bahay. Halika upo ka”

“Sinong kasama mo dito?”

“Ah sina Ate Jill at Jeth. Wala si Ate Jill kaya kami lang ni Jeth ang andito”

“Nasan siya?” tanong nito.

“Ahm nasa—“

“Mela” napatingin si Mela rito. Si Jeth na nasa harap nila at may dalang isang gallon ng ice cream.

“Ah Jeth si Drei. Drei si Jeth” napatayo siya.

“Hi pare” sabi ni Drei at saka inilahad ang kamay dito.

Tumango lang si Jeth at saka tuloy tuloy na pumasok sa loob.

Anong meron doon? Tanong niya sa kanyang isipan.

“Wag mo ng pagpapansinin yon” sabi niya kay Drei.

“Are you sure you’re okay here? Pwede kang tumira sa amin.”

“Drei okay lang ako rito. You don’t have to worry about me.”

“Are you sure?”

“Yeah. I’m very sure”

“Ah I forgot something. May dala pala ako para sayo.” Sabi nito at saka dali-daling lumabas at pumunta sa sasakyan nito.

“Ano yon?” tanong niya ng sundan niya ito.

“Here” sabi nito. Inabot nito ang isang bugkos ng bulaklak at chocolates.

Nagtatanong ang mga mata na kinuha ang mga iyon.

“Ano to? Drei?”

“I don’t give up easily Mela. I still want to court you. Alam ko na bawal kang magka-boyfriend until you’re not eighteen but I can wait”

Napakagat labi siya. She didn’t know Drei felt something for her. Alam niya ay special siya rito pero hindi niya aakalain na itutuloy nito ang panliligaw nito akala niya kasi niloloko lang siya nito ng sabihin nitong gusto siya nitong ligawa nong 4th year high school siya.

“Drei…”

“Wala naman akong hinihinging sagot mula sayo Mela. I just want you to know that I’m still here. I can wait until your eighteen”

“Drei thank you.Thank you dito ha. Thanks for being there for me”

“It’s ok. I gotta go. May usapan kasi kami ni Dad na may pupuntahan kami”

“Paki-kumusta na lang ako kila Tito”

“Sure. Bye”

“Bye. Ingat” sabi niya.

Pagpasok ni Mela sa loob ng bahay ay nakita nyang nakaupo si Jeth sa sofa at nakahalukipkip.

“Anong ginagawa mo dyan?”

“So may pa-flowers flowers at pa-chocolate chocolate pa syang dala sayo” sabi nito at saka tinignan ng masama ang dala nyang chocolates at bouquet.

“Ano na namang drama yan ha, Jeth?”

Tumayo ito at pumunta ng kusina.

“Hoy” sabi niya. Inilapag niya ang kanyang dala dala sa mesa at saka sinundan ito.

“Hoy jeth grabe naman harapin mo nga ako. Ano bang problema mo?”

“I’m jealous Mela. Don’t you get it?” naiinis na sabi nito.

Tumawa siya.

“Why are you laughing? Wala naman nakakatawa sa sinabi ko ah”

“Nagseselos ka talaga? Hahahaha Bagay mong magselos” sabi niya at saka tumawa ng tumawa.

“Mela I’m serious. I’m jealous at saka wag mo na syang papupuntahin dito”

Natigil siya sa pagtawa. “Jeth?! Kaibigan ko si Drei. I cannot do that.”

“Kaibigan ba yong binibigyan ka ng bulaklak at tsokolate?”

“Fine. He’s my suitor”

“See. He likes you. And I cannot take to see you smiling him like that”

Napamaang siya sa sinabi nito.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon