Chapter Forty Eight

365 5 0
                                    

Comatose parin si Mela. Dalawang linggo ng nakararaan ng maaksidente ito. Pabalik-balik si Jeth sa ospital para bantayan si Mela. Andon din ang mga kaibigan ni Mela para magbantay at dumalaw dito.

Jeth is now on the ICU. Nakaupo siya sa upuan at nakatunghay kay Mela habang hawak ang kamay nito.

“Mela” sabi ni Jeth

“I’m sorry. I’m sorry for hurting you. I still love you Mela. Sana naririnig mo ako. Hindi naman nawala o nabura yong pagmamahal ko sayo. Please gumising kana. Kahit saktan mo ako at itaboy paggising mo, okay lang basta alam kong okay kana. I don’t want to lose you please gumising ka na” sabi niya at hinalikan ang likod ng kamay nito.

His eyes were teary. For the first time umiyak siya ng ganito. Matapang siya pagdating sa ibang bagay pero pagdating kay Mela nawawala lahat ng tapang niya.

Tinabing niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ni Mela. And he saw a drop of tears. Naririnig kaya siya nito?

Puti ang lahat ng nasa paligid ni Mela. Nagtatanong siya bakit ganun ang nasa paligid niya. Hanggang sa maalala niya ang nangyari.

Galing sa park si mela at nagpasya ng umuwi gamit ang sasakyang niregalo ng ama.

Luhaan parin siya habang nagmamaneho ng biglang may sumulpot na sasakyan sa harap niya umiwas siya at sa pagiwas niya ay bumangga ang sasakyan niya sa isang malaking puno.

Dahil hindi nakaseat bealt ay sumalpok siya sa manibela at doon ay nawalan na siya ng malay.

“Patay na ba ako?” tanong niya sa sarili.

“Hindi ka pa patay mela” sabi ng isang tinig.

Nang tumingin siya sa harap niya ay nakita niya ang lalaking papalapit sa kanya.

Ang namatay nyang Lolo ang nakita niya.

“Lolo?”

“Ako nga ito apo.”

“Anong ginagawa ko po dito kung hindi pa ako patay?” sabi naman niya.

“Dito ka mamimili kung sasama ka sa akin o pipiliting mong mabuhay?”

Hindi ba iyon ang gusto niya ang makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

“S-sasama na ako sa inyo” sabi niya.

“Sigurado ka ba dyan?” tanong nito.

“’Lo, gusto ko na pong sumama sa inyo. Nahihirapan at nasasaktan na po ako”

“pano na ang mga taong nagmamahal sayo? Iiwan mo na sila?”

Natahimik siya.

Saka siya nakarinig ng isang tinig. “Mela”

Si Jeth ba iyon? Alam nyang boses nito iyon.

“I’m sorry. I’m sorry for hurting you. I still love you Mela. Sana naririnig mo ako. Hindi naman nawala o nabura yong pagmamahal ko sayo. Please gumising kana. Kahit saktan mo ako at itaboy paggising mo, okay lang basta alam kong okay kana. I don’t want to lose you please gumising ka na”

Napaluha siya ng marinig ang mga iyon.

Mahal pa siya nio.

“Iiwan mo ba ang lalaking yon?” tanong ng lolo niya.

Umiling siya. kahit sobra syang nasasaktan dahil dito ay hindi niya magawang iwan si Jeth lalo na at sinabi nitong mahal parin siya nito.

Saka biglang nawala ang lolo niya at ang puti sa paligid niya.

Napansin ni Jeth sa patient monitor na biglang bumagal ang heart beat ni Mela. Hanggang sa nag-flat iyon

Kinabihan na siya, lumabas siya ng ICU.

Nasa labas ang mga magulang ni mela tinawag niya ang mga ito at saka siya tumawag ng doctor.

“123” sabi ng Doktor at saka pinump ang defibrilattors kay Mela.

Mela please… Don’t leave me Please! Mahinang usal ni Jeth.

Iyak ng iyak ang mama ni Mela ng makitang di parin bumabalik sa normal ang heartbeat nito.

Susuko na sana ang doctor ng biglang umangat ang heartbeat nito at naging stable na.

“She’s okay now” sabi ng doctor.

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng doctor.

Napatingin siya kay Mela. Saka niya napansing nagmulat na ito ng mga mata.

“She’s awake” sabi niya.

Sinuri ito ng doctor kung may masakit dito bago sila nito iniwan. Ang mama ni Mela ang kumausap rito. Iniwan niya muna nga mga ito.

Sa labas ay tinawaga niya ang mga kaibigan ni mela pati na rin si Drei. May karapatan si Drei na malaman na gising ni Mela ito parin ang boyfriend ni Mela at hindi siya.

Dali-daling sumugod ang mga kaibigan ni mela sa ospital. Hindi nakapunta si Drei dahil nasa Maynila na ito.

“Jeth asan na si mela.” Tanong nina Shel at GIne.

“Nasa loob. Kasama niya ang parents niya.”

“Thank God at gising na siya.” sabi naman ni Joy.

“Jeth, sana magkaayos na kayo. Mahal ka parin niya.” Sabi ni mayly.

Sana nga…

Bukas pa daw nila pwedeng kausapin si mela dahil kelangan pa nito ng lakas. Naiintindihan iyon ni Jeth. He could wait.

And he hope that tomorrow magkaayos na sila ni Mela.

Kinabukasan ay dumalaw sina Jeth kasama ang mga kaibigan ni Mela.

Pinayagan na silang pumasok sa loob. Gising na raw ito. Iniwan sila ng parents ni Mela dahil kakain daw ang mga ito ng lunch.

Umupo si Jeth sa sofa ng private room. Nakalibot ang mga kaibigan ni Mela sa kama kahit papaano ay nakikita parin niya ito.

“Kamusta ka na mela?” tanong ni Shel rito.

“Okay na ako.” sagot ni Mela at saka ngumiti.

He missed her smile.

Narinig niya ang pagtawa nito dahil sa mga sinabi nina Mayly at Shel.

Hearing her laugh makes his heart beats faster.

“Nga pala may kasama pa kami” sabi ni Joy.

“Sino?”tanong ni Mela.

Gumilid ang mga ito para bigyan siya ng way para makita ni mela.

Dala ang isang bouquet ng flowers ay lumapit siya rito.

“Hi. Para sayo” sabi niya.

Tinignan lamang siya nito. Nagtatanong ang mga mata.

“Sino ka?” tanong nito.

Sino ka?! Nag-ka selected amnesia ba ito?

Pati ang mga kaibigan nito ay nagulat din sa sinabi ni Mela.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon