Napabalik sa kasalukuyan ang isipan ni Mela ng kalabitin siya ni Mayly.
“Hoy. Nawala na sa earth ang isip mo dyan” saad nito.
“Ha. Ano nga uli yong sinasabi mo?” tanong niya rito.
“Ang sabi ko san ka pumunta at nawala ka nong gabi ng acquaintance party” saad nito.
“Ha. Ah yun. Ano kasi. Ah- sumakit bigla ulo ko kaya umuwi na lang ako”
Kahit sa mga kaibigan niya ay di niya pwedeng sabihin ang lihim na relasyon nila ni Jeth. Hindi sa di niya pinagkakatiwalaan ang mga ito bagkus ay gusto nyang sila lamang muna ni Jeth ang nakakaalam.
“Ano? Ba’t di mo man lang sinabi sa amin ng maihatid ka namin. Alalang-alala sayo si Jo” sabi naman ni Shel.
Na-guilty siya ng makita ang pag-aalala ng mga ito sa kanya.
“Ok naman. Safe naman akong nakauwi eh. Don’t worry kakausapin ko si Jo mamaya”
“Jo sorry kung di ko nakapagpaalam ah” sabi niya kay Jo ng makita niya ito. Sinabi niya rito ang sinabi niya kina Mayly kanina.
“It’s ok Mela. I understand. Next time dapat magsabi ka okay?” sabi nito sa kanya.
“Ok. Sige aalis na ako ha” paalam niya rito.
Nakalabas na si Mela sa University ng may tumawag sa kanya. Si Jeth.
“Uuwi kana?” sabi nito sa kanya. Maaga ngayon ang uwian niya dahil Monday. Hanggang 2:00 lamang siya.
“Oo. Ikaw?” tumingin siya sa paligid. Buti na lang at walang tao na makikita silang magkasama.
Hinila siya nito palapit sa big bike nito na di niya napansin na naroon pala sa gilid ng kalsada at nakapark.
“San tayo pupunta Jeth? Wala ka bang klase?” tanong niya rito.
“Wala. Halika na” sabi nito at saka umangkas sa big bike nito at inalalayan syang umangkas din.
“Oh my Gosh. Chloe. Do you see what I see? Sabi ni Denise.
“What?” sabi naman ni Chloe rito.
“Ayon oh. Jeth is with that girl again. My Gosh Chloe. Mukha yatang napapalapit na siya sa babaeng yon” sabi nito.
“Sino ba ang babaeng yon?” tanong naman ni Sofia.
“I don’t know Sofy. But I need to know who is that girl” sabi niya sa mga ito.
“So anong plan mo?” tanong ni Sofia.
“Imbestigahan nyo siya. I want to know who is that Girl” sabi niya sa mga ito.
Dinala siya ni Jeth sa River Cruise. Iyon ay isa sa mga dinadayo sa Pangasinan ng mga dayo.
“Wow. Jeth. Thanks for bringing me here. Last time na nakapunta ako dito di ako nakasakay sa boat” saad niya rito ng makasakay na sila sa boat.
Halos walang tao roon ngayon dahil kadalasan ay sa umaga nagpupunta ang mga dayo.
Nagpicture-an sila habang nakasakay sa Bangka.
Pagkababa nila sa Bangka ay napansin niya ang babaeng kasakayan nila na nakatingin ng nakakaakit kay Jeth at saka siya tinignan mula ulo hanggang paa na nakataas pa ang isang kilay nito. Siguro ang nasa isip nito. Bakit pumapatol ang gwapong lalaking ito sa isang katulad niya?
“Hey, bakit parang makikipag-away yang hitsura mo?” tanong ni Jeth sa kanya.
“Ha” napatingin siya rito. “Wala, halika na. alis na tayo dito” sabi niya at saka hinila ito palayo.
Next destination nila ay sa Mcdonalds.
Si Jeth ang pumipila at mag-o-order ng pagkain nila. Samantalang siya ay nakaupo.
“Girls, See that guy. Yong pumipila doon oh. He’s cute” narinig nyang sabi ng isang babae--- na naka-bangs---katapat nilang table.
Aba talagang cute yan noh! Ngali-ngali nyang sabihin rito.
“Well, yeah. Cute nga siya. Sa tingin nyo may girl friend na siya?” sabi naman ng isang kasama nito na parang clown sa kakapalan ng make-up.
Oo ako girl friend nyan noh… so Back off!!! Gusto sana nyang sabihin.
“Well, I think he’s with someone na” sabi naman ng isa.
Nakita nyang nakangiti si Jeth at palapit sa kanya.
Binaba nito ang tray sa mesa nila pagkalapit nito.
“Ang bilis mo ah” sabi niya rito pagka-upo nito.
“Siya ang girl friend??”narinig nyangsinabi ng naka-bangs sa mga kasama nito.
Hilahin ko kaya yang bangs mo…
“Di sila bagay” saad naman ng isa.
Malamang na di talaga kami bagay kasi tao kami…
Ginagap ni Jeth ang kamay niya.
“For me, you are the most beautiful girl. Don’t forget that” sabi nito at hinalikan ang likod ng kamay niya.
Kinilig yata lahat ng cells niya sa katawan. Gosh!
Nakita niya sa gilid ng mata niya na nakanganga ang mga ito sa ginawa ni Jeth.
Ano kayo ngayon.???
“Kain na tayo” sabi niya rito. Tumingin siya sa kabilang mesa nila at inirapan ang mga babae doon.
Kumuha siya ng French fries at isinawsaw niya iyon sa ice cream sa coke float.
“Ang sarap” saad niya pagkasubo non. “Gusto mo?” sabi niya kay Jeth.
“Sure” sabi nito. Kumuha siya ng fries at isinawasaw iyon sa ice cream at isinubo niya kay Jeth.
“Oo nga, masarap nga” sabi nito.
“See, sabi na eh” sabi niya at saka sumubo uli.
Kumuha si Jeth ng tissue at pinahid sa gilid ng labi niya. “May ice cream ka sa gilid ng labi mo. Kalat mo talagang kumain” sabi nito.
She pout her lips. “Hindi ah...”
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...