Chapter Thirteen

550 3 0
                                    

Nanghihina na napaupo si Mela sa bench. Kanina pa siya takbo ng takbo at doon siya napadpad. Iyak siya ng iyak.

 Paulit-ulit na rumirehistro sa isip niya ang sinabi nito.

“I don’t like you a bit. Hindi ko type ang mga katulad mo”

Naiinis na pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata.

Napabalikwas ng bangon si Mela. Hingal na hingal siya at parang basang-basa ang mukha niya.

Pinunasan niya ang kanyang mukha. Ba’t siya umiiyak?

Naalala niya ang panaginip niya. Shit! Ano bang nangyayari sa akin? Ba’t ko siya naaalala?

Napatingin siya sa cellphone niya. Shit ba’t di ko narinig na nag-alarm na pala ang cp ko.

“Oh mi gosh late na ako” sabi niya sabay baba sa kama.

Ala-syete na. Paniguradong male-late na siya. Alas-otso pa naman ang klase niya. Dali-dali nyang kinuha ang tuwalya at damit niya. Napagpasyahan nyang wag na alng mag-breakfast.

Pagpunta ni Mela sa Cr sa kusina ay napaungol siya ng maalalang sira nga pala ang faucet doon.

Papunta na siya sa isang CR sa may dulo ng pasilyo. Narinig nyang mag lumalagaslas na tubig. Mukhang may naliligo roon. Mukhang si Jeth imposibleng si Ate Jill yon dahil sinabi nito kagabi na maaga ang shift nito sa ospital.

“Hoy, Jeth dalian mo nga! Male-late na ako” naiiritang sabi niya sabay katok.

Ngunit di yata siya nito narinig. Akmang kakatok uli siya ng bumukas ang pinto.

Nanlaki ang mga mata niya ang anyo nito. From wait to up he’s naked. At ang tanging tumatakip lamang sa pang-ibaba nito ay isang putting tuwalya.

Wala syang pakialam kung may saplot man ito sa loob o wala. Ang buhok nito ay may tumutulo pang tubig.Natigil ang paningin niya sa abs nito. Shit! bat ganyan ang katawan niya???

Hoy mind umayos ka nga kung hindi sasapukin kita kontra niya sa isipan niya.

“Sige titigan mo lang hanggang libre pa”

Natauhan siya sa sinabi nito. Nakatingin ito sa kanya na may nakapaskil na pilyong ngiti. Tinaasan niya ito ng isang kilay.

“Aanhin ko ang pandesal mo?” sabi niya.

“Tabi nga dyan” sabi niya at tinabig ito sa pagkakaharang sa pinto. Pagkapasok niya ay ubod lakas nyang sinara ang pinto.

Narinig nyang tumawa ito. Kumatok ito sa pinto. Di niya iyon pinansin.

“Hoy, may naiwan ka” sabi nito.

Inis na binuksan niya ang pinto.

“Ano?” naiinis na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata niya at parang naupos siya na parang kandila ng makita ang hawak hawak nito. Shit may bra!

“Hoy, akin na nga yan” sabi niya sabay kuha ng bra niya at saka pabalibag na sinara ang pinto. Narinig na naman niya ito tumawa. She groaned!

“Sakay na” sabi ni Jeth ng nasa labas na sila. Wala na syang magagawa eh late na siya. Di na siya pwedeng tumanggi. Sa Big bike sila sumakay.

Malapit na sila sa University ng may dumaang isang tricycle at humahagibis.

Napahiyaw siya ng tamaan ang suot nyang sandals na nahulog iyon. Dahil mabili ngang magdrive si Jeth ay naiwan ang sandals niya.

“Jeth yong sandals ko!” sabi niya.

Binalikan nila ang pobreng sandals niya. Kinuha nito iyon. Napaungol siya ng makitang nahati iyon.

“Ano ba naman yan” naiinis na sabi niya. “Paano to?”

Sumakay ulit si Jeth sa big bike. At itinapon lang sa tabi ang sandals niya.

“Hoy, Saan tayo pupunta?” tanong niya rito ng nilagpasan nila ang University.

“Papalitan nating yang sandals mo.” Sabi nito.

Sa Mall siya nito dinala. Hininto nito ang big bike nito sa parking lot.

“Just stay there. Ako na ang bibili” sabi nito sa kanya at saka na umalis.

Infairness ang sweet niya! Sigaw ng isip niya.

Bumalik ito after 5 minutes.

“Here!” sabi nito. Akmang kukunin niya ang sandals na binili nito ng.

“Ako na” sabi nito.

Maingat na tinggal nito ang sandals niya na suot at sinuot nito ang bagong biling sandals.

Feeling niya tuloy para syang si Cindirella at ito naman ang prince charming niya.

Prince charming??? The??? Frog pwede pa.

“Thanks” sabi niya.

“Let’s go” yaya nito. Ngumiti siya rito.

“Wow, bago ang sandals niya ah” sabi ni Jade. Nasa cafeteria sila at kumakain. Na-late siya sa unang subject niya pero ok lang masaya naman siya.

“Oo nga noh” sang-ayon ni Shel.

“Dali binyagan natin” sabi naman ni Mayly.

Nilayo niya ang sandals ng akmang bibinyagan ito ng mga kaibigan niya.

“Grabe naman kayo. Wag naman” sabi niya.

Hindi niya alam kung ba’t ayaw nyang ipahawak o ipaapak man lang ang bagong sandals. Either bago iyon o dahil binili at sinuot iyon ni Jeth sa kanya.

“Kaya pala ayaw ipaapak kasi may signature” sabi ni Gine.

“Anong?” sabi niya at saka yumuko tinignan nyang maigi ang sandals niya. Oo nga branded.

“Ahemmm may pera ah” sabi ni Jade.

Nanlaki ang mga mata niya. Mahal ito ah! sabi ng isip niya.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon