Palabas na si Mela ng classroom. Katatapos lamang ng last subject niya sa umaga. Ti-next na siya ng mga kaibigan nya na nasa tambayan raw ang mga ito. Ang tambayan na tinutukoy nila ay ang likod ng chapel nila. Mayroon kasing bench doon kung saan pwede kang tumambay kaso nga lang bawal mag-ingay.
Huminga siya ng malalim at saka naglakad na. Napahinto siya ng makita si Jeth nakatayo ilang metro mula sa kanya. Nakita rin nyang kausap nito si Chloe. Si Chloe. Siya lang naman ang babaeng gusto ni Rave---ang best friend ni Gine—at isa sa mga mean girls.
Ano kayang pinag-uusapan ng mga ito?? Naisip niya.
Napasinghap pa siya ng hawakan ni Chloe ang kamay ni Jeth.
Nag-uusap na nga lang may pahawak hawak pang nalalaman…
Bakit selos ka?? Sabi ng kotrabidang isip niya.
Nga naman. Nagseselos ba siya??? At bakit??
Sa halip na isipin pa ang dahilan ay dumaan na lamang siya sa open court para makaiwas kay Jeth.
Kanina pa naiirita si Jeth sa paghawak hawak sa kanya ni Chloe. Papunta na siya sa room ni Mela para sana kausapin ito ngunit hinarangan siya nito at may sasabihin daw ito sa kanya na importante. Sinabi pa nito na sa isang coffee shop na lang sila mag-usap ngunit dahil gusto nyang matapos ang usapan nila ay pinilit nyang sabihin na lamang nito ang gustong sabihin ora mismo. Kaya hayun andoon sila sa may hall way. Ilang metro ang layo mula sa room ni Mela.
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin” utos niya rito.
“Ahmmm May date ka na ba sa Acquiantance party? Can you be my date?” derichong sabi nito.
He looked at her. Sa dami dami ng mayaya nito bat siya pa??? Naiirita siya sa mga babae na mas daig pa ang lalaki. Kung pwede lang manligaw ay ito na ang manliligaw.
“I have a date” sagot niya. Kahit ang totoo’y wala pa talaga.
“Who?” tanong nito. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa maamong tupa hanggang sa mabangis na leon.
“None of your business” sabi niya. “I need to go” sabi niya rito sabay alis.
Kahit tinatawag siya nito ay di siya humarap basta deri-dericho syang naglakad palayo.
“Uy Mela, bat ka nakasimangot dyan ha?” bungad sa kanya ni Joy ng nasa tambayan na siya.
“Wala” sabi niya sabay upo sa isang bench katabi ni Shel.
“Eh bat itong isa nakasimangot rin?” sabi ni Shel na tinutukoy si Gine na kararating lang.
“Hay naku. Bad trip yan” sagot ni Mayly.
“Bakit ano bang meron?” tanong niya.
“Si Rave kasi gustong makadate si Chloe ayun yayayain niya raw” sagot ni Mayly sa tanong niya.
Si Chloe?!
Naalala niya tuloy yong eksena kanina. Si Jeth ba yayayain din si Chloe???
Maisip niya lamang iyon ay parang naiinis na siya.
Teka, ba’t ba siya naiinis?
“Haisssttttt” nasabi niya.
“Hoy, anong nangyayari sayo?” tanong ni Shel sa kanya.
Napatingin tuloy ang mga ito sa kanya.
“Ha-ahhhh wala” sabi na lamang niya.
“Wala raw… Imposible Mela. Siguro may pinoproblema ka noh” sabi ni Shel.
“Wala nga. At ano naman ang proproblemahin ko??? Love life??? Eh wala nga ako non eh” sagot niya.
“Aysus. Eh mukhang magkakaroon ka na nga” sabi ni Joy.
“Sino? Si Jo? Hindi kaya kaibigan ko lang yon” sabi niya.
Masyado talagang malisyosa ang mga kaibigan niya.
“eh siya” sabi ni Gine sabay nguso sa isang deriksyon.
Napatingin sila roon. At sa gulat niya ay nakita niya si Jeth na nakatayo at nakatingin sa kanila este sa kanya lang pala.
“Kanina pa siya nakatayo doon” sabi ni Joy
“Ka-kanina pa?”
“Mukhang hinihintay ka yata eh…. Ayeeeeeee Mela ah. Di mo sinasabi close na kayo ni Jeth ah” pang-aasar ni Mayly sa kanya.
“Hindi kaya. Dyan muna kayo. Pupuntahan ko lang siya” sabi niya sa mga ito.
“Anong ginagawa mo dyan?” tanong ni Mela kay Jeth ng makalapit siya rito.
“Hinahanap kita eh”
“Bakit?” tanong niya.
“Kain na tayo” sabi nito saka siya hinila.
“Uy teka sandali. Kasama ko mga kaibigan ko” sabi niya sabay tanggal ng kamay nito.
“Edi isama mo na sila” sabi nito saka ngumiti sa kanya.
“Ha???”
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
Roman d'amourPano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...