Dalawang linggo na ang nakararaan ng mailabas si Mela sa ospital.
Naging okay na ang lahat. Legal na silang dalawa sa mga magulang nila.
Nasa beach resort sila ngayon para i-celebrate ang friendship ng magkakaibigang Mela, Gine, Shel, Joy at Mayly.
Nasa dalampasigan sila at magkahawak-kamay habang naglalakad. Papalubog na ang araw kaya napakahangin.
“Sana ganito na lang tayo. Masaya at walang problema” sabi ni Jeth.
“I thank God for giving you to me. ”
Huminto sa paglalakad si Mela at saka hinarap si Jeth.
“Swerte din naman ako dahil binigay ka ng Diyos sa akin. I love you Jeth” sabi ni Mela.
Napatingin si Mela ng tanggalin ni Jeth ang kwintas nito at tinanggal ang singsing na ginawang pendant ng kwintas.
“A-are you asking me to marry you?” nanlaki ang mga matang tanong niya rito.
“Nope.”
“Huh? Eh pa-para saan yan?”
“Hindi pa ako magpro-propose ngayon. Alam ko na marami pa tayong pangarap sa buhay. I want you to achieve your dreams at ako rin naman ay ganon din. Darating din ang araw na yayayain din kitang magpakasal pero hindi pa ngayon. I want to enjoy this moment with you. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na makita ka at makasama ka araw-araw.” sabi nito.
Sinuot nito ang singsing sa kanya. “I want to give you this ring to prove my love for you. Ang singsing na ito ang magpapatunay na mahal natin ang isa’tisa. Na ikaw ay sa akin ako’y sayo lamang” kinanta pa nito ang huling mga salita.
Natawa siya. Kinikilig.
“I love you Mela” sabi ni Jeth saka siya hinalikan sa labi.
Feeling ni Mela ay para syang nilipad ng hangin.
“Teka bakit sa tuwing sinasabi mo na mahal mo ako lagi mo akong hinahalikan.
“Hindi lang sapat na sabihin kong mahal kita. I want you to feel it too”
Hinalikan uli siya nito sa labi.
This time, hindi na nila kelangan pang magtago. Pwede na nilang ipagkalata sa buong mundo kung gaano nila kamahal ang isa’tisa.
They hugged each other. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagsambit nila ng salitang “I Love You”
“I love you my precious”
“I love you too Babe. I love you forever”
------------------The end------------------
A/N: Hellow. Thank you guys for reading this story of mine. Sa wakas after nine months of writing this story nagwakas na rin. Opo. Nine months po siya July nong inumpisahan ko syang isulat. Thanks sa mga nag-like, mga nag-comment at nagbasa. Kahit silent reader ka thanks parin. Akala ko hindi ko na matatapos pa ang story na ito pero dahil sa mga likes at comments nyo natapos ko rin ito.
Maraming thank you sa lahat :D sa page sa pagiging writer ko rito, sa mga readers at sa mga tao sa nobelang ito na tinunlungan ako na gawin ang story na ito. At syempre kay God din na nagbigay ng talent at ng strength na tapusin ang nasimulan ko. Sa mga kapwa ko writers na naging gabay ko sa pagsusulat. Hahaha ang drama ko naman.
Honestly first time ko pong nagwakas ng ganitong kahabang story… kaya ang drama ko. As a writer pag natapos ang story mo doon mo mafe-feel ang relieve at panghihinayang. Relieve dahil sa wakas may natapos ka rin at panghihinayang dahil itong storyang ito ay minahal at inalagaan mo these past few months.
Mula sa puso namin nina Mela at Jeth… Maraming salamat po :D
MEMORIES IS THE BOOK 2 OF THIS STORY :D
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...