Araw ng Lunes. Maglalaba na si Mela ng kanyang mga damit. Wala roon si Jeth dahil makikipaglaro raw ito ng basketball. Hindi siya sumama rito dahil kelangan niyang labhan ang isang linggo nyang labahin. Mas lalong gusto nyang maglaba ngayon para ma-divert niya an inis na nararamdaman niya sa tuwing pumpunta-punta roon si Jane. Dalawang araw mula ng makilala niya ito.
Nauunawan niya si Jeth kung ba’t nasabi nitong pinsan siya nito. Siya nga naman ang nagsabi na wag sabihin ang relasyon nila sa iba. But still she can’t help but to feel jealous whenever Jane is around. Alam niya na mas maganda si Jane kaysa sa kanya kaya natatakot siya na baka agawin nito si Jeth sa kanya.
Katatapos lamang ng laro nila Jeth at kasalukuyang nakaupo sila ng mga barkada niya sa bench at nagpapahinga ng biglang sumulpot si Jane sa harapan niya.
“Hi, Jeth!” bati nito sa kanya.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. She is still gorgeous as ever. Hindi niya maiisip kung anong nakain nito at bakit ito habol ng habol sa kanya gayong ito ang nagbasted sa kanya 3 years ago.
“Hoy, Jeth. Si Jane oh. Kumurap ka naman dyan” sabi ni Marjoe sabay siko.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.
Kelangan nyag layuan si Jane dahil alam nyang nasasaktan si Mela. Alam nyang nasaktan niya ito ng ipagpanggap niya itong pinsan niya pero yon ang nararapat nyang gawin.
“Wala naman. Bakit bawal na ba ako rito?”
“Syempre hindi. Wag mo ng pansinin yang si Jeth. Natalo lang yan sa laro namin kanina kaya ganyan yan” sabi ni Marjoe ang kabarkada niya.
“Ok. Jeth can I invite you to have lunch in our house later. Isama mo na rin yong pinsan mong si Mela”
“Hindi kami pwede mamaya”
“Ganon ba. Ok.May bibilhin pala ako, so bye guys. Nice to see you” sabi ni Jane at saka na umalis.
“Nakita ko na ba yang pinsan mo ha Jeth?” tanong Marjoe.
“Oo nga di ko pa siya nakikita ah. Pakilala mo naman sa amin” sabi naman ni Leo ang playboy na kabarkada niya.
Umiling siya at saka na tumayo. “Una na ako” sabi niya.
“Hoy! Jeth sandali. Pakilala mo sa amin si Mela ha!” sigaw ni Leo.
Hindi siya umimik. Walang lingon-likod syang umalis.
Katatapos lamang magbanlaw ng mga damit ni Mela at ready to sampay na iyon ng bumukas ang pinto.
“Hi!” si Jeth nakangiti sa kanya. “Tapos kana?”
“Hindi pa. Pero sampay na lang ang kulang.”
“I will help you” sabi nito at saka lumapit sa kanya.
“Naku! Jeth. Wag na! Keri ko na to”
“I insist. Ayokong mapagod ka eh” kinuha nito ang timbang may lamang mga damit at saka dinala sa sampayan.
Isa-isa nitong sinampay ang mga iyon. Pagbalik nito sa kinaroroonan niya ay nadulas ito sa parte kung saan basa ng tubig. Napa-aray ito.
Dinaluhan niya si Jeth. “Jeth are you Ok?” nakita nyang hinawakan nito ang nasaktang tagiliran.
Inalalayan niya itong pumasok sa loob ng bahay at maingat na iniupo patagilid kung saan hindi masasaktan ang isang tagiliran nito.
“Hindi ka kasi nag-iingat eh. Sabi ko naman sayo ako na eh” naiinis na sabi niya rito.
“I’m fine, Mela. Malayo sa bituka to.” Sabi nito.
Umalis siya at kumuha ng efficascent oil.
“Hilutin natin yan” sabi niya.
Pagkahilut niya rito.
“Okay ka na?” tanong niya rito.
“Hindi pa eh. Ito oh masakit” sabi nito sabay turo sa labi nito.
Pinalo niya ito. “Wag ka nga dyan Jeth”
Nilapit nito ang mukha nito sa kanya.
“Pumasok na ako dahil bukas yong pinto” napalayo si Mela ng magsalita si Jane.
Nagulat siya. Basta basta na lamang kasi itong sumusulpot eh. Wrong timing talaga ang babaeng ito.
“What happen, Jeth?” tanong ni Jane.
“Nadulas siya kanina” sabi naman niya. “Ano yan?” tanong niya ng makita ang dala nitong mangkok.
“I bought lunch for you guys. Niyaya ko kasi si Jeth na kumain but he refused so dinalhan ko na lang kayo” sabi nito.
“Akin na. dadalhin ko na yan sa kusina”
“Thanks mela. Ako na ang bahala kay Jeth” sabi nito.
Lunch time.
“Kain na tayo” yaya ni Mela.
“Can I eat here?” tanong ni Jane.
Gusto ni Mela na tumanggi pero nakakahiya. Binigyan na nga sila nito ng ulam tapos isang kahilingan lang nito di pa niya mapagbigyan.
“S-sige” sagot niya.
Habang kumakain sila ay abala sa pagsisilbi si Jane kay Jeth. Katabi ni Jane sa Jeth samantlang katapat naman niya si Jeth.
“I’m fine Jane. Ako na” sabi ni Jeth.
“Ok” sabi ni Jane na halata ang pagkadismaya.
“Ang sarap ng luto mong gulay Mela. Swerte ng boyfriend mo sayo” sabi ni Jane.
Ngumiti lamang siya.
“Do you have a boyfriend?” tanong nito.
“Ha?” tumingin siya kay Jeth. “W-wala”
“Wala?! Oh come on Mela. That’s impossible. You’re beautiful. Panong wala kang boyfriend?”
May boyfriend ako noh! Yang katabi mo nais nyang isantinig.
“Wala talaga. Wala akong boyfriend”
“Ganun ba? Sayang naman” sabi nito.
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...