Chapter Thirty Three

363 3 0
                                    

Nasa terrace si Mela at nagmumuni-muni. Lumabas lang saglit si Jeth para bumili ng meryenda nila.

“Hi Mela” napatingin si Mela sa labas ng gate. Naroon si Jane at nakapayong.

“Can I come in?” tanong nito.

Kung pwede lang nyang sabihing hindi at wag na itong babalik kahit kelan ginawa na niya.

Binuksan niya ang pinto para rito.

“Wala si Jeth dito” sabi niya agad ng makapasok ito.

“It’s Ok. At saka ikaw naman ang pinunta ko rito eh”

“Ako?” sabi niya sabay turo.

Umupo sila sa upuan sa may terrace.

“Gusto kung makausap ka about Jeth”

“About Jeth? Anong meron kay Jeth?” tanong naman niya.

“I wanna know kung ano bang nangyari sa kanya this past few weeks habang wala ako”

“Ahm wa-wala naman nanyayaring kakaiba” sabi niya.

“Walang babaeng umaaligid sa kanya?”

“Meron pero h-hindi naman niya pinapansin eh”

“Then that’s nice.” Sabi nito.

“Pwedeng magtanong?”

“Shoot. Ano yon?” tanong naman nito.

“Do you like Jeth?” tanong niya kahit alam naman niya ang sagot.

“I love him” sabi nito. “I really love him”

“diba sabi mo dati hindi ka niya girlfriend so ano kanya?”

“Soon to be girlfriend. At kung hindi sana ako tanga dati kami na ngayon”

“What do you mean?”

“Jeth is my schoolmate way back in elementary. Nong nag-graduate kami sabi niya gusto niya ako and he wants to court me. Pero sabi ko hanggang friends lang kami. Hindi ko na siya naging schoolmate nong highschool dahil sa Baguio na ako nag-aral pero niligawan parin niya ako hanggang sa nag 3rd year kami binasted ko siya dahil mas mahal ko yong isa kung suitor.”

“Ni-nilagawan ka niya?”

“Yup, At binasted ko siya. Mali talaga ako sa desisyon kong iyon. And now I want to make him fall in love with me Mela. Can you help me?”

Help? Ano namang maitutulong niya? At saka tutulungan niya ba si Jane? Pero maaatim ba nyang tulungan itong mahalin ng boyfriend niya?

“Ha? Bakit ako?”

“Of course he is your cousin. And siguro naman gusto mong maging masaya siya diba. I’m the right girl for him Mela. And you know that I really love him”

Nang tignan niya ito sa mga mata ay sinsero ito.

“Please Mela. Help me”

Ano bang dapat nyang gawin?

“Jane kasi---“

“Mela”

Napatingin si Mela sa nakabukas na gate. And there she saw him.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon