“Are you okay Mela?” tanong ni Drei sa kanya ng malayo na sila kay Jeth.
“I-I’m okay” sabi niya at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.
Hinawakan siya nito sa balikat at pinaharap siya rito.
“I know you’re not okay. You still love him right?” tanong nito.
Tinignan niya ito sa mga mata. Ayaw na nyang magsinungaling dito.
“So-sorry Drei. Sinubukan ko namang kalimutan siya eh pero di ko magawa. I’m so sorry. Kung pwede ko lang turuan ang puso ko na mahalin ka ginawa ko na. I’m so sorry.”
Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya.
“You don’t need to say sorry. Alam ko na naman na siya parin ang mahal mo ako lang tong pinagpipilitan ang sarili ko sayo. I want you to be happy Mela. Ayoko na matali ka sa isang taong hindi mo mahal.”
“A-anong ibig mong sabihin, Drei?” naiiyak na sabi niya.
“I’m letting you go. Ako na ang aayaw sa kasal natin.”
“Drei you don’t need to do this.”
“It is the right thing to do. Mahal kita mela that’s why I’m letting you go.”
“Drei” she cupped his face.
Tinanggal nito ang kamay niya. “Let’s go.” Sabi nito at saka na umalis.
Tahimik na sinundan lamang niya ito, Nasasaktan siya dahil nasasaktan niya si Drei. Bakit kasi hindi niya kayang turuan ang puso niya na mahalin ito?
Papunta si Mela sa park gamit ang Honda CRV niya na niregalo ng kanyang ama nong kanyang kaarawan.
Pagka-park niya ay agad syang umupo ng bench ng makapasok na siya sa city park.
Kahapon ay sinabi na ni Drei na umaayaw na ito sa kasal nila.
Flashback…
“Tito, Pa hindi na po itutuloy ang kasunduan” sabi ni Drei ng mag-lunch ang mga ito sa kanila.
“What? Bakit? Hindi ba at pumayag na si Mela?” tanong naman ng Mama ni Drei.
“Umaayaw na po ako sa kasunduan” sabi nito.
Kahit alam na niya ang sasabihin nito ay nagulat parin siya.
“Drei? Ano to?” tanong ng ama nito.
“Pa, this is absurd. Malaki na kami kaya kami ang pipili kung sino ang gusto naming makasama habang buhay. And I don’t think si mela iyon” sabi nito.
Alam niya na sinabi lamang nito iyon para hindi matuloy ang kasal nila.
“I hope you understand Tito, Pa” sabi nito at saka na umalis.
Bakit ganun lahat na lang ba ng taong malapit sa kanya nawawala.
Iniwan na siya ng taong nagmamahal sa kanya. Anong bang nagawa niya? Bakit kasi hindi niya ito kayang mahalin?
Nasaktan niya ang taong nagmamahal sa kanya na walang ibang ginawa kundi mahalin at alagaan siya. samantalang hanggang ngayon minamahal parin niya si Jeth na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya.
Ganun na lamang ba yon? Ganun ba kasakit magmahal?
Napatigil si jeth sa ginagawa ng may kumatok sa pintuan ng bahay nila. Pagkabukas niya ay si Drei ang nakita niya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito.
“Gusto kitang makausap” sagot nito.
“Anong pag-uusapan natin” tanong niya kahit ang totoo’y may ideya na siya kung sino.
“About Mela. Alam mo bang nahihirapan siya ng dahil sayo. Nasasaktan siya ng dahil sayo. Wala kabang puso ha! Minahal ka niya Jeth pero binalewala mo ang pagmamahal niya sayo”
“Bakit mo sinasabi ito?” tanong niya.
“Dahil may karapatan kang malaman.”
“Ikaw na ang pinili niya diba. Bakit kelangan mo pang sabihin sa akin ang mga bagay na yan?”
“Hind purke’t pinili niya ako ay ako na ang mahal niya. Kung pwede lang na ako ang mahalin niya hiniling ko na sana pero wala ikaw parin ang mahal niya. Ikaw parin ang nasa puso at isip niya Jeth.”
Hindi niya alam kung maniniwala siya rito o ano?
“Kung---“ natigil ito sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone nito.
“Hello” sabi nito pagkakuha sa cellphone nito.
“What?!” sigaw nito. Nakita niyang napa-tiim bagang ito.
“Nasa ospital si mela. She got car accident” sabi nito.
Nakadama siya ng takot sa narinig. Naaksidente si Mela?
“Let’s go Jeth. Anong hinihintay mo?” sabi nito.
Dali-dali syang sumama rito.
“Where is she?” tanong ni Drei sa Mama ni Mela.
“Nasa emergency room pa siya” sabi nito saka umiyak. Nahimatay ito kung kaya’t dinaluhan ito ng papa ni Mela at pinaupo.
Sumilip siya sa emergency room. She saw Mela lying on the bed.
Halos maiyak na siya ng ilang oras ay hindi parin lumalabas ang doctor.
Shit! No not this time.Hindi ko pa nasasabing mahal ko siya. Mela please don’t leave me!” dalangin niya rito.
Nang makita siya ng nurse ay agad nitong sinara ang kurtina sa loob kung kaya’t hindi niya nakita si Mela.
Bumalik ulit siya sa upuan ng magsidatingan ang mga kaibigan ni Mela.
“Jeth?” sabi ni Gine ng makita siya nito.
Tumayo siya at nilapitan ito.
“Anong nangyari kay Mela?” tanong nito.
“Naaksidente siya” sabi nito.
“Is she okay?” tanong naman ni Shel.
“I don’t know. Hindi pa lumalabas ang doctor”
Doon lumabas ang doctor mula sa emergency room.
“Kayo ba ang pamilya ng pasyente?” tanong ng doctor.
“Kamusta na po siya?” tanong ng ama ni Mela.
“We need to transfer her to the ICU. Malakas ang pagkakatama ng ulo niya. Kelangan pa namin syang obserbahang mabuti.” Sabi ng doctor saka na bumalik sa emergency room.
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...