Isang napakagandang babae ang nakita ni Mela ng buksan niya ang pinto.
Namamalik mata ba siya? Isa ba tong anghel.
“Hi, pumasok na ako dahil bukas yong gate. Andyan ba si Jeth?”
Teka ba’t nito hinahanap si Jeth. Anong kelangan niya kay Jeth. Naiisip niya.
“Ah naliligo sino sila?”
“I’m Jane. Maid ka nila dito?” tanong nito.
Ako maid? Gusto niya tuloy manliit sa sarili niya ng tignan niya ang suot nitong damit. Naka-summer dress ito na 3inch above the knee ang haba samantalang siya naka-loose shirt at maong shorts kaya pala mukha syang katulong pag itatabi rito.
“Hindi ako katulong dito. Ako pala si Mela. Ako yong—“
“Si Mela pinsan ko” putol na sabi ni Jeth.
Napatingin siya rito. Nagtatanong ang mga mata. Bakit nito sinabing pinsan siya nito.
“Jeth! I miss you” sabi ni Jane at saka walang sabi sabing niyakap si Jeth.
Anong nangyayari? Nganga tuloy ang peg niya.
“What are you doing here Jane?” tanong ni Jeth matapos yakapin ito ni Jane.
“Kakauwi ko lang kahapon. I’m here because I miss you. Di mo lang ba ako na-miss?”
Ano na nangyayari dito? Tanong sa isip ni Mela.
“Of course. I-I miss you” saad nito. “Get in”
Pinapasok ito ni Jeth sa loob.
“I’m really sorry Mela ha. Napagkamalan tuloy kitang maid”
“Okay lang yon” sabi niya. “Ma-maiwan ko muna kayo”
Hindi inaasahan ni Jeth na dadalaw sa kanila si Jane. Malapit lang ang bahay nito sa kanila.
“Kamusta ka na Jeth?” tanong nito.
“Ok lang naman ako” seryosong sabi niya.
Si Jane. Ilang buwan na rin niya itong hindi nakikita. The last time they talk when he got basted by her. Anong nangyari at nagiba ang ihip ng hangin?
Naiinis na umupo si Mela sa kama. Hindi niya ma-gets bakit kelangan pa syang ipakilala ni Jeth sa Jane na yun na pinsan siya nito? Bakit sasabihin ba niya ang totoo hindi naman ah?
Sino ba talaga si Jane? At bakit ganon na lamang ang ito makayakap kay Jeth na animo may gusto ito rito. Para mailabas ang saloobin ay hinanap niya ang phone niya para makausap si Gine. Ito ang laging kinakausap niya kapag may problema siya.
Naalala nyang nakalimutan nyang dalhin ang phone niya. Naiwan niya ito mismo sa sala. Wala syang choice kundi ang bumalik sa sala.
Pagkabalik ng sala ay nakita nyang masinsinang kausap ni Jeth si Jane. May pahawak-hawak pa si Jane ng kamay kay Jeth. Kung pwede lang na sumigaw ng “Hoy! Akin yang lalaking yan” eh.
Pero hindi pwede.
Nakita niya ang phone niya na nakalapag sa Mesa.
Lumapit siya roon at kinuha iyon habnag nagsasabi ng excuse me.
Paalis na siya ng tawagin siya ni Jane.
“Mela, Come here. Dito ka muna” sabi nito.
“Baka nakakabala ako sa inyo eh” sabi niya. At idiniin ang salitang nakakaabala.
“No, you’re not. At tsaka gusto kong makilala yong pinsan ni Jeth” sabi nito.
Hala mukha yatang mapapasubo siya rito ah. Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya kay Jeth. Tumango lang ito at parang nagsasabi na makiayon na lang siya. Maki-ayon? Hello hindi siya pinsan ni Jeth. Girl friend siya girl friend!
“May pupuntahan pa kami ni Mela, Jane” sabi ni Jeth.
“Saan naman?” tanong nito.
“Mag-go-grocery kami” saad niya.
“Can I join?” tanong nito.
Ngumiti siya ng pilit. “S-sige. Okay lang”
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...