Chapter Fourteen

526 5 0
                                    

“Uy, Mela anong gagawin natin dito?” tanong ni Gine sa kanya. After ng klase nila ay niyaya niya itong pumunta ng Mall.

“Basta, may titignan lang ako” sabi niya at saka hinila ito papasok sa isang shoe store.

Nilapitan sila ng isang sales lady.

“Yes, Ma’am ano pong hinahanap nyo?” tanong nito.

“Ah ano m-magkano yong ganito nyong sandals?” sabi niya sabay turo sa sandals niya.

“Bale 450 po yan Ma’am” sagot nito.

“Ah ganun po ba. Sige s-salamat” sabi niya. At saka na lumabas.

450??  

Halos mahimatay siya sa presyo ng sandals niya. Tskkkk Akala pa naman niya mga 100-200 lang ang presyo non.

“Hoy, Mela, ba’t mo tinatanong yang presyo nyan? Hindi mo alam ang presyo ng binili mo?” sabi ni Gine sabay kalabit sa kanya.

“Hindi naman kasi ako ang bumili nito” saad niya.

“Eh sino nga?” tanong ulit nito.

“Si Jeth. Uy, wag mong sasabihin kina Mayly ha! Baka iba na naman ang isipin non eh” saad niya.

“Hindi nga? Ayeeeeeeeeeeeeee kinikilig ako.” sabi nito sabay kiliti sa kanya.

“Tse, tumigil ka nga dyan.” Saad niya. “Malisyosa ka talaga”

“Hindi ah. Grabe naman to. Kinikilig lang  naman eh. Masamang kiligin. Sweet pala si Jeth huh!” sabi nito.

“Ewan ko sayo. Halika na nga.”

Kakauwi lamang ni Mela ng makita si Jeth na nakaupo sa sofa habang abala sa pag-te-text.

 Napatingin ito sa gawi niya ng makapasok siya sa loob.

“Ah Jeth” tawag niya rito.

“Ano yon?” tanong nito.

Lumapit siya rito. “Ahm ano kasi. M-magkano pala iyong sa-sandals na binili mo?”

“Ah yun ba. Mura lang yon” sabi nito.

“Magkano nga? Para mabayaran na kita” sabi niya at saka nilabas ang kanyang wallet.

“Wag na” sabi nito.

“Sige na sabihin mo na. Babayaran ko” saad niya. Kumuha siya ng 500 pesos sa wallet niya.

“I-ito na yong bayad ko” sabi niya sabay abot.

Tumingin lang ito sa kanya na hindi man lang kinukuha ang perang inaabot  niya rito.

“Pano kung iba ang gusto kong ibayad mo?” sabi nito sabay tayo at lapit sa kanya.

Napaatras tuloy siya ng muli itong lumapit sa kanya.

Kinakabahan siya. Nanlalamig at ang lakas ng tibok ng puso niya.

Shit heart ano ba umayos ka nga pwede! Shit shit shit!!

Napapikit siya. She heard him chuckled. “You’re tense” sabi nito.

“Mela, nandito ka na pala. Halika may dala akong meryenda.”

Napatingin silang dalawa ni Jeth kay Ate Jill.

“Sige Ate Jill, sunod na po ako. Magbibihis lang po muna ako.” sabi niya at saka na pumunta ng kanyang kwarto.

Nasa terasa si Mela at kausap si Gine. Katatapos lamang nilang kumain ng dinner.

“Tol, nakakainis talaga yang si Rave.” Himutok nito.

“Bakit ano bang nangyari?” nag-aalalang tanong niya rito.

“Biruin mo yon. Magpatulong ba naman sa akin na ligawan si Chloe”

Si Chloe ay isa sa mga mean girls at ito rin ang natitipuhan ni Rave.

“Eh anong sabi mo?” tanong niya. Hindi ito umimik. “Sinasabi na nga ba eh. Pumayag ka noh?”

“Oo. Di ko kasi siya matiis eh”

She rolled her eyes. Gosh masyado na ngang masokista itong kaibigan niya.

“Oh, eh anong kinaiinisan mo eh. Pumayag ka naman.”

“Tol naman eh, Anong gagawin ko?”

“Ano bang dapat mong gawin?” tanong niya.

“Ehhhhhhhhh Tol naman eh… Tulungan mo ako ah”

“Ano bang gusto mong mangyari” tanong niya.

Napasinghap si Mela sa sagot nito. “Di nga? Gagawin mo yon?” di niya makapaniwalang tanong rito.

“Oo gagawin ko yon. Pero kelangan ko parin ng tulong mo” saad nito.

“Sigurado ka na ba dyan?”

“Oo basta tulungan mo ako ha”

Napakamot siya sa ulo. “Sigurado ka talaga?”

“Oo nga.”

“Okay sige tutulungan kita kung kaya ko okay” sabi niya.

Nagpaalam na ito sa kanya.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon