Chapter Twenty

457 6 0
                                    

Papasok na sana si Jeth sa kanyang kwarto ng may marinig syang nag-uusap sa kwarto ng ate niya. Dahil bukas iyon ay sumilip siya. Nakita niya ang Ate Jill niya at kasama nito si Mela.

Kung mapapansin ay parang magkapatid ang dalawa. Matagal ng pangarap ng ate niya na magkaroon ng babaeng kapatid.

Napatigil siya ng marinig ang tanong ng ate niya kay Mela.

“It’s ok. Ahmm wait may date ka ba?”

“Ahm opo” sagot ni Mela.

“Sino?”

Agad nyang inilapit ang kanyang tenga para marinig ang sagot nito.

“Si Jo po, classmate ko na Pol. Sci.”

“Ahhh”

So may ka-date na pala siya.

Pakiramdam niya parang tinutusok ang puso niya sa narinig. Mela has someone to date with. Lumayo siya sa kwarto ng kapatid at saka pumunta ng salas.

Tinawagan niya si Chloe. Naka-save sa cp niya ang numero nito dahil magkaklase naman sila ng noong high school pa hanggang ngayon. Tatanggapin na niya ang alok nito. Ayaw nyang asar-asarin siya ng mga kaibigan na wala syang date.

“Hello Jeth” sabi ng nasa kabilang linya.

“Hi. Ahm I accept it” sabi niya.

“Really, nice”

“Ako na rin ang mag-aayos sayo ha” sabi nito na nagpabalik ng utak niya sa kasalukuyan.

“Si-sige po. Hindi naman po ako marunong sa make-up make-up na po na yan eh” sabi ni Mela kay Ate Jill.

“Don’t worry. Mas pagagandahin kita.” Sabi nito at saka ikumpas pa ang mga kamay for emphasis. Parang siya tuloy si Cinderella at ito ang god mother niya.

“Ate Jill, balik po muna ako sa kwarto ko” paalam niya rito.

“Sige sige hahagilapin ko rin ang mga make-ups ko” sabi nito. Halatang excited itong ayusan siya.

Lumabas na siya sa kwarto nito ng matanawan niya si Prince charming ayyyy este si Jeth pala.

“Ok Chloe. Hintayin mo na lang ako sa party mamaya.” Narinig nyang sabi nito,

“Ok see you later.” Sabi nito saka inilagay ang cp sa loob ng bulsa ng shorts nito.

Pumasok na siya kwarto niya bago pa siya makita nito.

Si Chloe? Si Chloe ang date nito mamaya.

“Hay, mela, wala na talaga” sabi niya sakanyang sarili.

Nagulat siya ng mag-ring ang cp niya.

“Hello gine”

“Mela”

“Bakit ka umiiyak dyan?” sabi niya. Narinig nyang suminghot kasi ito.

“Mela, lahat naman ginawa ko para di magustuhan si Rave ni Chloe pero bakit ganun. Wa epek parin. Mas lalo tuloy silang naging malapit. Tapos ngayon si Chloe pa ang magiging date ni Rave”

Napamaang siya sa sinabi nito. Si Chloe date ni Rave? Pano nangyari yon?

Diba date ni Jeth si Chloe mamaya. Panong?

Baka naman mali ka lang nga akala Mela.

“Gine, hayaan mo na. at saka wag ka ngang umiyak dyan. Kung ayaw sayo ni Rave hayaan mo siya. Siya ang may kawalan hindi ikaw” sabi niya rito.

“Wow, Mela, ang ganda ganda mo” sabi ni Ate Jill matapos siya nitong ayusan.

“Thanks po ate Jill” sabi niya. Nakasuot rin siya ng kulay red na sleeveless dress na hanggang tuhod lang ang haba. Pinahiram di siya nito ng high heels na black at pouch na kulay red.

“Oh halika na sa sala baka mamaya parating na ang date mo” sabi nito.

Pagdating nila sa sala ay naroon si Jeth nakaupo.

“Oh ikaw Jeth, ba’t di ka pa umaalis? Di mo susunduin date mo?” baling ni ate Jill kay Jeth.

Pagkatingin niya kay Jeth ay nakatingin rin ito sa kanya. Hinagod pa nga siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik.

“Oh ano, ang ganda niya noh” sabi ni Ate Jill.

Hindi sumagot si Jeth tinitigan lamang siya nito, Bakit ba parang natutunaw siya sa titig nito?

Mela, baka naman nagagandahan siya sayo sabi ng malditang utak niya.

Imposible…

Narinig nyang may nagbusina sa labas nga bahay.

“Ate, baka si Jo na po yun” sabi niya. Akmang lalabas na siya ng pigilan siya nito.

“Ako na ang magbubukas. Papapasukin ko na rin siya rito” sabi nito at saka na lumabas bago pa siya nakapagpasalamat.

Tumingin siya kay Jeth.

“So, si Jo pala ang ka-date mo” sabi nito.

“Oo” sagot niya. Gustong-gusto rin nyang tanungin ito kung si Chloe nga ang ka-date nito. Pero sino ba naman siya para tanungin pa iyon.

“Halika, pasok ka” narinig nyang sabi ni Ate Jill.

“Hi Mela” bungad ni Jo pagkapasok nito. “You’re stunning” sabi pa nito.

“Thanks” sabi niya. “Halika na” yaya niya rito.

“Ingat kayo ha” sabi pa ni Ate Jill sa kanila.

“Ok po ate” sabi naman niya.

“Enjoy” sabi pa nito.

Pagkalabas niya sa bahay ay narinig pa niya ang sinabi ni Ate Jill kay Jeth.

“Oh ikaw, di mo susunduin ang date mo?”

“Mamaya pa” sagot ni Jeth.

Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon