Abala sa pagrereview si Mela. Last exam na niya bukas. Nagmememorize siya habang nakahiga sa sofa. Ala- singko na ng hapon non nandoon na rin si Ate Jill at abala sa kusina. Bukas ay magtatapos na rin ang unang semester niya.
Kinusot niya ang kanyang mga mata. Halos pumipikit pikit na iyon sa sobrang antok.Gabing-gabi na kasi siya nakaulog kagabi kakareview.
Hanggang sa di na niya kinaya ang antok at nakatulog na siya.
Kararating lamang ni Jeth galing eskwelahan ng madatnan niya si Mela na himbing na himbing sa pagtulog sa sofa. Umupo siya sa isang isahang sofa at saka tinitigan ito.
May isang pumitik sa isipan niya. Nakita na niya ang maamong mukha nito dati. Pero saan?
Pinilig niya ang kanyang ulo. Imposibleng nakita na niya ito. Pero possible rin dahil ang mukhang iyon ay pamilyar sa kanya. Napansin niya ang luha sa gilid ng mata nito. She’s crying. But why?
Iyak ng iyak si Mela habang sinasambit ang iisang pangalan ang pangalan ng lalaking minamahal niya. Niloko siya nito at sinabing hindi kelan man siya nito magugustuhan. Dahil may mahal na itong iba.
“I still love you, Jeth” na wika niya
Napabalikwas ng gising si Mela. Namulatan niyang nakatunghay sa kanya si Jeth.
“What happen? Why are you crying?” tanong nito.
“W-wala lang. may n-napanaginipan lang ako” saad niya. Pinahid ang luha sa kanyang pisngi.
“K-kanina ka pa ba dyan?” tanong niya rito.
“Yeah. I’m about to wake you up. Buti na lang at nagising ka.” Sabi nito.
Bumangon siya.
“Wait, I need to get dress and Let’s eat” sabi nito.
Nang tignan niya ang orasan ay ala-sais na ng gabi.
Nasa kwarto na si Mela at handa ng matulog alas-nwebe na ng gabi at kelangan nyang matulog dahil maaga syang gigising bukas nang biglang may kumatok.
Bumaba siya ng kama at lumapit sa pinto at binuksan iyon. Nakita niya si Jeth.
“Oh, bakit gising ka pa?” tanong niya rito.
“Eh ikaw bat gising ka pa rin?” tanong naman nito.
“Matutulog na kaya ako ng kumatok ka” sabi niya rito. “Bakit ka nga pala kumatok?”
“Wala. Just want to say Good night!” sabi nito.
“Oo na good night” sabi niya at saka akmang isasara nia niya ang pinto ng pigilan nito iyon.
“Ano?” nagtatanong na sabi niya.
Pero di ito sumagot. Nagulat na lamang siya ng kinintilan siya nito ng mabilis na halik sa labi.
“Good night!” sabi nito at saka na pumasok sa kwarto nito.
Lutang na isinara ni Mela ang pinto. Whaaaaaaaaaaaaaa Jeth kissed her.
Mukha yatang hindi siya papatulugin nito dahil sa halik na yon ah.
“Mela, Jeth ha. Kayo muna ang bahala dito sa bahay” sabi ni Ate Jill habang binibitbit ang bag nito sa labas ng bahay.
Ngayon kasi ang alis nito papunta sa isang baryo kung saan ito in-assign na tumulong sa nasalanta ng bagyo. Halos 2 linggo rin ito. Buti na lamang daw at nataon sa sem break ang alis nito.
“Mag-iingat kayo rito ha” bilin nito.
“Opo ate Jill. Kami na pong bahala ni Jeth dito” sabi niya.
“Magpapakabait ka Jeth ha”
“Mabait naman talaga ako ha” sabi ni Jeth.
Natatawa tuloy siya rito.
Umalis na si Ate Jill. Pumasok siya sa loob ng bahay at sinundan siya ni Jeth doon.
“I’ll take a shower first then we will go to the mall later” sabi nito.
Pupunta kasi sila ng Mall mamaya para mag-grocery dahil kakaunti na lang ang stock nila.
Tumango siya. At saka na ito umalis. Tapos na kasi syang maligo kanina bago umalis si Ate Jill.
Nagpupunas-punas siya ng mga furnitures habang nagha-hum.
Napatingin siya sa nakasarang pinto ng may kumatok roon.
Binuksan niya iyon. Napa-malik mata siya ng makita kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
Taray queen meets the conceited jerk (FIN) -UNDER REVISION-
RomancePano kung pagsasamahin sa isang bahay ang isang mataray at isang mayabang? At take note they both hate each other’s company. Ano sa tingin nyong mangyayari? Paniguradong riot na to!!!! ...