4

86.9K 2.1K 242
                                    

Third Person's

A sweet smile flashed on Liam's soft lips as he still remembered what happened inside Harmony's car. Hindi talaga mabura-bura ang kanyang matamis na ngiti habang minamaneho niya ang kanyang kotse.

Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ng labi niya ang malambot na labi ng dalaga. He finally kissed Harmony. Bonus pa na siya ang first kiss ng dalaga kaya hindi magkamayaw ang kanyang puso sa bilis ng tibok nito.

Walang makakapantay sa saya na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Ang lakas na nga yata talaga ng tama niya sa dalaga. First time niyang maranasan ang ganitong klaseng pakiramdam.

Ang saya niya at ayaw niyang mapawi itong sayang nararamdaman ng kanyang puso. Hindi rin maalis-alis sa kanyang isipan ang maganda at mala-anghel na mukha ni Harmony.

Hanggang ngayon ay naaamoy pa rin niya ang mabango niyang halimuyak na pabango na ang sarap langhapin at singhutin. Hindi na rin siya magtataka kung maadik siya sa taglay na bango ni Harmony.

Mababaliw na yata siya. Pero ayos lang sa kanya kung kay Harmony siya mabaliw ng ganito. It's weird, but it feels so good. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng saya at excitement. At tanging si Harmony lang ang nakagawa nito sa kanya.

He couldn't wait to see her again..there is a part of him that wants to see her beautiful face every day. And for sure, he won't get tired of staring at her all day. Parang gusto niya tuloy hilingin na sana bumilis ang takbo ng oras para makita na niya ulit ang dalaga.

He was really fascinated by her, fuck.

"Alam mo Liam? Kung hindi lang kita kilala at kakambal ay iisipin ko na baliw ka na sa kakangiti mo riyan."

Natauhan si Liam dahil sa boses na kanyang narinig. Saglit din niyang binalingan ang nagsalita, ang kanyang kakambal na si Laito.

Muntik na niyang makalimutan na kasama nga pala niya sa loob ng kotse ang kakambal niya. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng pagiging seryoso.

Pagak namang natawa si Laito dahil sa mabilis na pagbago ng ekspresyon ng kanyang kakambal. Pati siya ay hindi makapaniwala na nagagawa ng ngumiti ni Liam at alam niya kung sino ang dahilan. Sino pa nga ba? Eh 'di ang magandang dalaga na si Harmony.

Kahit siya ay masaya. Sobrang saya rin niya habang inaalala niya ang nangyari kanina sa parking lot. Hindi rin mawala-wala sa isip niya ang dalaga. He couldn't stop thinking about her. Ano'ng magagawa niya kung sadyang natamaan na siya ng pana ni kupido?

"She's ours, Laito." Humigpit ang pagkakahawak ni Liam sa manibela.

"No one can take her from us. We will do everything to make her ours," he added.

May makahulugan ang mga sinabi ni Liam. Kung ano ang gusto niya ay makukuha niya. At gusto niyang makuha ang atensyon at puso ni Harmony.

Iniisip pa nga lang ni Liam na may magtatangkang umagaw kay Harmony mula sa kanilang dalawa ng kakambal niya ay nagngingitngit na siya sa matinding galit. Oo, wala silang karapatan na angkinin ang dalaga. But he wants her! Kabaliwan man pakinggan, pero para lang sa kanila si Harmony. Para lamang sa Hellion Twins.

Hahamakin niya ang lahat para sa dalaga. He would die for her. Mabilis man, pero ito talaga ang nararamdaman niya. Harmony captivated his heart. It seems that he fell under Harmony's spell and that's why he's acting like this. He looks obsessed and doesn't care about it.

Alam niya na gano'n din ang nararamdaman ni Laito. Wala rin siyang pakialam sa iisipin ng iba, ang importante ay si Harmony. Hindi lang naman kasi katawan ng dalaga ang habol nila, kundi ang atensiyon at pagmamahal niya.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon