54

54.7K 1.4K 136
                                    

Harmony Erdenay's


Sa wakas ay nakarating na kaming lahat sa Stelliferous na tinutukoy nila. Bumaba kami agad sa eroplano nang ligtas na lumanding ang sinasakyan naming private plane.

May mga itim na sasakyan ang sumundo sa amin at may mga kasama pang mga lalaking naka-black suit. Para silang mga bodyguards at may mga nakasalpak pa na earpiece sa mga tainga nila kaya napapa-wow na lang ako sa isipan ko.

Sabay-sabay pa nga silang mga napayuko na animo'y nagbibigay galang nang makita nila ang pamilyang Hellion. Nakikita ko rin sa mga mukha nila ang respeto kina Lola Larlee. Madalas ko lang nakikita sa mga drama ang ganitong eksena. They look like a Royal family.

"Babiyahe pa tayo ng ilang minuto bago tayo makarating sa Hellion Clan Mansion," sambit ni Captain sa akin.

Narinig ko kanina na didiretso muna kami sa Mansyon ng pamilyang Hellion. Doon daw nakatira ang ibang mga relatives nila. Nagkanya-kanya naman kaming sakay sa mga sasakyan na sumundo sa amin at agad kaming umalis.

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana at hindi ko mapigilan na mamangha sa sobrang ganda rito sa Stelliferous. Para itong malaking isla na ang pamilyang Hellion ang nagmamay-ari. Marami akong nakitang mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada. May mga malalaki at matataas din na gusali. Mga magagarang Hotel at kabahayan. Meron din akong nakitang kulay asul na karagatan.

Sa tingin ko ay malawak itong Stelliferous at hindi lang ito ang makikita ko. Marami pa siguro akong makikita na mga tourist attractions dito kapag sinubukan kong mag-ikot ikot.

Sa sobrang abala ko sa kakatingin sa labas ay hindi ko namalayan na pumasok na ang sasakyan namin sa isang malaking gate na kulay ginto. Nakakamangha dahil awtomatiko itong bumukas.

My jaw literally dropped when we finally got inside. May malaking fountain sa pinaka gitna at nasisilayan ko rin ang nakakamanghang malaking bahay. Pero bahay ba ang matatawag dito? Sa sobrang laki nito ay hindi naman yata tama na basta lang itong tawaging bahay.

I think isa na itong... palasyo!

"Welcome to Hellion Clan Mansion, my love." Si Laito na nakangiti.

Pasimple ko namang itinikom ang bibig ko. Nakakahiya! Nakita pa nilang dalawa kung paano ako mapanganga dahil sa sobrang pagkamangha. Halos nag-aagaw na rin ang kadiliman nang makarating kami rito. Pero seryoso ba sila?

Mansyon lang ang tawag nila dito?

"Huwag mo akong lokohin. You just call it a Mansion samantalang mala-palasyo na ito?" sabi ko na kanilang ikinatawa.

Wala na akong pakialam kung masyado akong OA o exaggerated. Pero mala-palasyo talaga itong lugar na ito. Parehas naman nilang pinisil ang magkabila kong pisngi na parang nanggigigil sa akin.

"You're so cute, my love."

"And beautiful," Captain Liam added.

Pinigilan ko ang aking sarili na huwag mapangiti pero damang-dama ko naman ang pag-init ng buo kong mukha. Cute na nga, maganda pa. Kaya siguro nahulog sa alindog ko ang dalawang 'to.

Umiwas na lang ako ng tingin.

Hanggang ngayon nagba-blush talaga ako kapag pinupuri nila akong dalawa. Hindi pa rin ako sanay at nahihiya pa rin ako kapag binibigyan nila ako ng compliment. Dati kasi sina Daddy lang ang nagsasabi sa akin na maganda ako, pero ngayon ang Hellion Twins na ang pumupuri sa akin.

"Let's go," aya ni Captain at nauna na siyang bumaba sa sasakyan. Nagpasalamat lang ako nang alalayan pa nila akong dalawa na makababa sa kotse.

Lahat kami ay pumasok na sa loob ng mala-palasyo nilang Mansyon. Sinalubong at binati kami ng mga kasambahay nila. Sila na rin ang nagbitbit sa mga bagaheng dala-dala namin. Sa totoo lang ay wala akong nadalang damit. Pag-alis kasi namin sa school ay dumiretso na kami agad sa paliparan.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon