Harmony Erdenay's
Hindi ko na lang pinansin ang bulungan at tinginan ng mga estudyante sa amin. Mga nagtataka kung bakit lumapit sa 'min ang isang miyembro ng Lothaire Hawks.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na maguluhan. Nasa itsura naman ni Rhys na hindi siya gagawa ng masama kaya hindi ko talaga maintindihan ang sinabi ni Beatrice sa akin kahapon.
Kung gagawa man ng masama sa akin si Rhys, sana noon pa lang ay ginawa niya na lalo na noong niyaya niya akong kumain sa labas. Pero wala namang masama sa akin kung susundin ko ang sinabi ni Beatrice sa akin na mag-ingat kay Rhys.
"Buti nakita kita rito. Kanina pa kasi kita hinahanap," nakangiting turan ni Rhys bago siya naupo sa bakanteng silya sa tabi ko. Pinalo ko muna ang daliri ni Shawn na sinusundot ang tagiliran ko.
Ngumiti ako. "Bakit mo naman ako hinahanap? May kailangan ka ba? As far as I can remember ay wala naman akong utang sa 'yo." I asked nicely.
Tumawa siya ng mahina na parang may nasabi akong joke. Umayos siya ng upo para mas makita niya ako nang maayos.
"Wala naman. Dito ka kasi nag-aaral kaya gusto lang kita hanapin para may makausap. By the way, salamat pala ulit nu'ng isang araw. Akala ko talaga ay tatanggihan mo 'yung pag-aya ko sa 'yo na kumain ng lunch." His sweet smile was still plastered on his lips.
"Wala 'yon. Ako nga itong nahihiya sa 'yo, eh. Hindi man lang kita nabigyan ng regalo samantalang birthday mo. Tapos nilibre mo pa ako," sagot ko at mahinang natawa.
Kahit na hindi pa kami gano'n katagal na magkakilala ni Rhys ay nararamdaman ko naman na mabuti siyang tao. Mabait siya at masaya kasama. Napansin kong tumingin siya kay Shawn kaya nabaling ang atensiyon ko sa kaibigan ko.
"Uhm, si Shawn nga pala. Matalik kong kaibigan. Shawn, siya si Rhys Salas. Ang basketball Captain ng Lothaire Hawks."
They greeted each other and shook hands. Lumapit na rin ang teammates ni Rhys matapos silang makabili ng makakain nila. Isa-isa nila akong binati kaya nginitian ko lang din sila.
Naiilang tuloy ako ngayon dahil mas lalo kong narinig ang bulungan ng mga tao lalo pa't dito sa table namin ni Shawn nagsi-upuan ang buong members ng Lothaire Hawks.
Ang dami namang bakanteng silya, pero bakit dito pa sila naupo sa tabie namin? Hindi naman sa ayaw ko silang makasamang kumain, kundi para hindi kami pag-usapan ng mga tao. Kahit nga ang lalaki ay nagbubulungan na rin habang nakatingin sila sa direksyon namin. Halata ko pa naman na kami ang pinag-uusapan nila.
Obvious naman na sikat sina Rhys dahil sa malakas ang pandinig ko kaya naririnig kong binabanggit ng bawat estudyante ang pangalan nila. Nabulabog lang kami nang muling nagtilian ang mga babae.
Sa pagkakataon na ito ay malakas ang tilian at sigawan nila. Ang iba ay literal na napatayo para kuhanan lang ng litrato ang mga pumasok dito sa canteen. Ngayon ko lang din napagtanto na hindi lang mga estudyante ng Osiris ang narito sa canteen, marami rin ang mga taga ibang school ang narito para kumain.
Tumingin ako sa mga bagong dating. Ang Demir. Nagtatawanan sila at medyo umingay dahil na rin sa malakas ang boses nina Ace, pero pare-parehas silang natigilan nang mapansin nila sa wakas na nandito rin ang Lothaire Hawks sa canteen.
Literal akong kinilabutan at talagang lahat ng mga balahibo ko sa katawan ay tumindig nang awtomatikong nagkaroon ng mainit na tensiyon sa pagitan ng dalawang grupo.
Talagang nagkaroon ng tensiyon kahit na sa paraan lang ng tinginan nila. Sila pa naman ang magkalaban mamaya sa grand finals. Sila ang maghaharap mamaya at maglalaro sa huling laban.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
Algemene fictie[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...