22

59.8K 1.5K 161
                                    

Harmony Erdenay's

Ginamit namin ang kotse ni Captain Liam papunta sa tinutukoy kong magaling na manghihilot na si Mang Martin. Tinuro ko lang din kay Captain ang daan papunta roon dahil siya ang nagmamaneho ng sasakyan niya.

Hindi naman 'yon gaanong kalayo sa lugar namin. Isang oras lang ang tinagal hanggang sa nakarating na rin kami sa patutunguhan namin. Mala-probinsya ang lugar na ito kahit na sakop pa rin naman kami ng Maynila.

Lubak-lubak din ang kalsada, maraming puno at parang mala-eskwater ang mga bahay rito. Medyo dikit-dikit kasi ang mga kabahayan, gawa pa sa mga yero at kahoy na mahahalatang pinagtagpi-tagpi pero sa ilang beses ko nang nagpupunta sa lugar na 'to ay masasabi kong mababait ang mga nakatira rito at masayang kausap.

Maraming mga batang naglalaro sa lansangan, may nag-iinuman sa gilid kahit na alas tres pa lang ng hapon at nakatirik pa ang araw. Kapansin-pansin na sa kotse ni Captain nakatingin ang mga tao. Sinusundan pa nga ito ng mga bata na bigla na lang natigil sa paglalaro.

Pinahinto ko kay Captain ang sasakyan sa tapat ng maliit na gate nila Mang Martin. Bumaba rin kami agad sa kotse at saktong pagbaba ko ay nag-unahang magsitakbo ang mga bata palapit sa 'kin lalo na ang mga batang nakakakilala sa akin.

"Ate Harmony!" tuwang-tuwa nilang sigaw sa pangalan ko habang masaya silang lahat na lumapit sa akin.

Napangiti ako ng matamis nang sabay-sabay silang yumakap sa beywang ko. Muntikan pa akong mawalan ng balanse, mabuti na lang ay napasandal ako sa kotse ni Captain. Halatang ang saya nila nang makita nila ulit ako na nandito. Ang ibang bata ay ayaw pang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ang cute talaga nila.

Nakasanayan ko na rin kasi na kahit na amoy araw sila at naliligo na sa pawis dahil sa paglalaro ay hinahayaan ko pa rin sila na yayakap sa akin. Hindi ako maarte na babae.

Napalapit na rin sa akin ang mga batang ito pati na rin ang mga magulang nila. Normal lang naman sa mga bata na maging amoy araw at pawisan. Karapatan nilang makapaglaro dahil iyon lang naman ang magpapasaya sa kanila.

"Kumusta kayo? Nag-aaral ba kayo ng mabuti?" nakangiti kong katanungan sa kanilang lahat.

Hinaplos ko pa ang buhok ng isang batang lalaki na kilalang-kilala ko, si Chase. Siya ang kaisa-isang apo ni Mang Martin. Sa tingin ko ay kaedaran lang niya si Liliana.

Ayon sa kwento ni Mang Martin sa akin noon, suma-side line lang daw ang tatay ni Chase para may pang-tustos sila sa pang-araw araw nila habang ang nanay naman ng bata ay iniwan silang mag-ama at sumama raw ito sa ibang lalaki na may kaya sa buhay.

"Okay lang po kami, Ate Harmony!" masigla nilang sagot.

"At saka po very good daw po kami sa school sabi ni titser!" masayang sambit ni Chase. Lumawak ang ngiti ko at naupo para pumantay sa kanya.

"Mabuti naman kung gano'n. Para naman paglaki ninyo at nakapagtapos kayo ng pag-aaral ay matutulungan niyo na ang mga magulang ninyo. Madadala niyo na rin sila sa Mall balang araw," nakangiti kong turan na ikinatuwa nilang lahat.

"Bakit po ngayon lang ulit kayo nagpunta rito, Ate? Namimiss ka na po kasi naming lahat dito, eh." malungkot na saad ni Chase.

Ginulo ko ang buhok niya na pawisan. Hindi na kasi ako nakakadalaw sa kanila mula nang maging busy na ako sa school. Graduating student ako at mas marami na kaming ginagawa sa school.

"Pasensiya na, ha? Talagang busy lang si Ate Harmony ninyo kaya hindi na ako nakakadalaw. Pero siyempre dahil nandito na ako, sa tingin niyo ba may nakakalimutan ako?"

Napatalon-talon silang lahat sa sobrang saya at excitement. Tumayo ako at tumingin sa Hellion Twins. Ang lawak din ng pagkakangiti nilang dalawa at mukhang kanina pa nila ako pinapanood habang kinakausap ang mga bata.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon