45

48.9K 1.3K 335
                                    

Harmony Erdenay's


Naging maayos na kami ng Hellion Twins. Nakapag-usap na kami at nakahingi na rin sila ng sorry sa akin. Bumalik na rin sa dati ang lahat. Masaya ako dahil hindi tumigil sina Captain at Laito na humingi ng sorry sa akin kahit na nagmamatigas ako. Pero heto, napatawad ko pa rin sila.

Napatawad ko sila hindi dahil sa marupok ako, kundi dahil sa mahal ko sila at ramdam kong galing sa puso sila nila ang paghingi ng sorry. Siguro ay dahil sa nagseselos lang talaga sila kapag may kausap akong ibang lalaki. Natakot sila na baka maghanap ako ng iba at baka ipagpalit ko sila. But that will never happen.

Iniiwasan na rin nila ang magselos kahit wala naman silang dapat ikaselos. Nakakatuwa nga dahil hindi na sila nagagalit o bigla na lang nagseselos kapag may nakakausap akong lalaki.

Alam ko rin na hindi sinasadya ni Captain na pagtaasan niya ako ng boses that time. Mas mahirap naman siguro kung hindi magselos sina Captain, 'di ba? Eh 'di mas pinamukha nila sa akin na wala silang pakialam sa akin kaya mas okay na sa akin na nagseselos sila, pero huwag lang sobra. Para kasi silang timang kung magselos.

Nagpaimbestiga na rin sila kung nagsasabi ba ng totoo si Beatrice. Siyempre ay ako ang lumabas na totoo at pawang kasinungalingan lang ang mga pinagsasabi ng babaeng 'yon sa kambal. Ni wala nga siyang kaibigan sa Lothaire University.

Sinakluban pa ako ng takot dahil sa minamanmanan pala ako ng babaeng 'yon mula nang makulong ang Ate Andrea niya. Pinapahanap na rin nina Captain si Beatrice, pero sabi ng mga kaklase niya ay hindi na raw pumapasok ang babaeng 'yon at hindi na rin nagpapakita.

Natakot siguro siya lalo na't alam na ng Hellion Twins kung ano ang totoo. Napag-alaman din namin na si Beatrice rin ang nagpakalat ng tsismis na niloloko ko raw kuno si Captain, na may iba raw akong lalaki sa Lothaire University at nilalandi ko pa raw si Laito.

Wala rin naman na akong pakialam sa mga tsismoso't tsismosa. Mas lalo lang akong maiinis kung iisipin ko pa ang tulad nilang walang ibang ginawa kundi pag-usapan at mangialam sa buhay ng ibang tao.

"Pagod ka na ba?" Nginitian ko ng matamis si Laito nang magtanong siya.

Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. Kanina pa kami nagpa-praktis ng martsa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami natatapos. Pagod na ako at nangangalay na rin ang dalawa kong paa. Pati likod ko ay sumasakit na rin.

Napaka-strikto pa naman ng nagtuturo sa amin ngayon. Kaunting pagkakamali lang ay uulit na naman sa umpisa ang lahat. Gusto kasi niya na ma-perfect na namin agad ang pag-martsa para matapos na agad ang practice.

Eh may pagkaloko-loko ang ibang estudyante lalo na ang mga boys kaya nakakailang ulit kami. Halata naman na binubwisit lang nila ang nagtuturo sa amin.

"Matatapos din 'to. Kaunting tiis na lang,"" nakangiti niyang turan sa akin at hinapit ang aking beywang palapit sa kanyang katawan.

Inayos lang ni Captain ang buhok ko na humaharang sa aking mukha. Hindi ko na pinansin pa ang mga matang nakatingin sa amin nang hinalikan pa ni Laito ang pisngi ko.

Todo alaga silang dalawa sa akin. Sila pa ang taga punas ng pawis ko kahit na may sarili naman akong kamay para gawin 'yon. Parang nagkaroon ako ng instant alalay dahil sa kanilang dalawa.

Simula kasi nang magkaayos kami ay talagang bumabawi ang Hellion Twins sa akin. Sobrang saya ko dahil okay na kami. Nagkaroon lang ng tampuhan pero agad din namang naayos ang lahat.

Binigyan lang kami ng instructor namin ng break time para makapagpahinga. Balik practice ulit kami pagkatapos.

Ilang araw na lang ang natitira at darating na ang graduation namin. Palapit na rin nang palapit ang araw ng grand finals nina Captain. Kinakabahan ako para sa laban nila pero pinapanalangin ko na sana manalo sila.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon