34

53.7K 1.3K 540
                                    

Harmony Erdenay's

Si Captain ang kasama kong magpunta sa ospital para matingnan namin kung ano na ang kalagayan ni Mang Martin. Hindi na sumama si Laito para may kasama sina Ninang Aeliana sa bahay.

Dinala kami agad ni Chase kung saan ang ward room ng lolo niya at pagkapasok pa lang namin sa loob ng silid na 'yon ay nakita namin si Elijah na nagbabantay sa kanyang ama.

Kitang-kita ko na problemado siya. Naroon din sina Lakan at ilang mga kapitbahay nila na nagtulong-tulong para buhatin at isugod si Mang Martin dito sa hospital. Agad silang napatingin sa 'min nang napansin nila ang pagdating namin.

Napatayo pa si Elijah sa gulat at pagtataka nang makita kami. Marahil ay nagtataka kung bakit kami nandito. Sinundan ko ng tingin si Mang Martin na nakaratay sa hospital bed at walang malay. Marami ring nakakabit na mga kung anu-anong apparatus sa kanyang katawan kasama na roon ang suwero.

"Chikababes!" nakangiting sigaw ni Lakan at inayos pa ang kanyang kwelyo.

Hindi rin nakaligtas sa akin kung paano magpa-cute si Dalisay kay Captain. Nag-lipstick pa nga ang bruha at nilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng kanyang tainga na animo'y nagpapa-bebe.

"Hello, papa daks!" malandi at pabebeng kumaway si ni Dalisay kay Captain.

Nang tingnan ko si Captain Liam ay nakakunot na ang kanyang noo. Ano'ng papa daks ang pinagsasabi niya? Alam kong daks itong si Captain kaya hindi na niya kailangan ipalandakan sa amin 'yon.

"Sino naman po itong mga kutong lupa na 'to? Bakit ka po niya tinatawag na chikababes, Ate Harmony? At papa daks? Ano po 'yon?" inosenteng pagtatanong ni Liliana sa akin.

Hawak pa rin niya ang tirador niya habang nagtataka siyang nakatingin kina Lakan at Dalisay. Gusto raw kasi niyang sumama sa amin at nagpumilit pa siya kaya wala na kaming nagawa ni Captain kundi isama na lang siya.

Uuwi rin naman kami agad para hindi kami ma-stranded ng baha sa kalsada. Pabugso-bugso pa naman ang ulan ngayon at hindi pa nawawala ang bagyo.

"Chikababes naman, okay lang ako. Wag ka nang mag-alala sa akin okay? Si Mang Martin ang inatake sa puso at hindi ako. Chill ka lang diyan, uuwi din ako." nakangiting turan ni Lakan sa akin at kumindat pa ang loko. Anong pinagsasabi ng gagong 'to?

"Wala pong may pakialam sa 'yo," si Chase ang sumagot kaya napasimangot si Lakan. Si Dalisay naman ay humagikgik na parang baliw.

"At wala rin pong nagtatanong," sabat naman ni Liliana kaya lihim akong natawa. Nagsama pa talaga itong dalawang bata. Parehong pilyo at mahilig magbara ng tao.

"Harmony, ano pala ang ginagawa niyo rito?" katanungan ni Elijah.

Nabanggit sa 'kin ni Chase kanina na kagabi pa raw isinugod si Mang Martin sa ospital. Ang dahilan? Dahil sa bumalik daw ang nanay ni Chase at gustong makipagbalikan kay Elijah.

Dahil sa galit ni Mang Martin sa pag-iwan nito sa anak at apo niya ay hindi raw naiwasan na magkasagutan ang dalawa hanggang sa inatake si Mang Martin sa puso.

"Nasabi sa akin ni Chase ang nangyari. Nagpunta siya kanina sa bahay kaya pumunta na rin kami ni Liam dito para kumustahin at alamin ang kalagayan ni Mang Martin."

Bumuntong hininga si Elijah at tumingin kay Chase. Hinatak niya ang anak niya at umupo para mapantayan niya ito. Nakadama rin ako ng awa para sa dalawa. Alam ko naman na hindi pinapabayaan ni Elijah ang tatay at anak niya. Isa siyang mabuting anak at ama.

Nagtatrabaho siya ng maigi kahit suma-side line lang siya, pero at least ay may naiiuwi siyang pera at marangal ang nagiging trabaho niya.

Ramdam ko naman na mabuting tao si Elijah. Naririnig ko rin iyon sa mga kapitbahay nila na mabait siya. Pero bakit nagawa pa rin siyang lokohin at iwan ng napangasawa niya? Tapos bumabalik pa ito sa kanila at nakikipagbalikan sa kanya. Ayoko rin namang mangialam sa buhay nila. Pero handa akong tumulong kung kailangan nila.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon