53

52.8K 1.3K 250
                                    

Harmony Erdenay's


Tulad ng sabi ko kina Captain at Laito ay hindi ako magdadalawang isip na bumalik sa kanila kung mananalo sila ngayon sa grand finals. At wala akong pinagsisihan na nasabi ko 'yon sa kanilang dalawa. Totoo 'yon at walang halong biro.

Ngunit sobrang saya ko nang sabihin nilang gusto nila akong pakasalan. Pakakasalan nila ako kahit ano pa ang mangyari. At panghahawakan ko ang salitang binitiwan nilang dalawa.

Nanatili lang ako sa upuan ng mga Demir para panoorin ang huling quarter ng laban nila. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko at feeling ko ay mahihimatay na ako sa sobrang kaba.

Mabilis lang din tumakbo ang minuto na nasa basketball clock timer na nakalagay lang sa itaas ng basketball ring. Nakita ko rin sa scoreboard na humahabol ang Demir ng puntos kaya naman habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang tilian at sigawan ng mga estudyante kada may nagsho-shoot sa basketball ring.

And I'm glad the Hellion Twins are finally able to concentrate on games! Hindi tulad kanina na halos bihira lang sila maka-shoot ng bola at parang ang daming bagay na bumabagabag sa kanilang dalawa.

But look at them now, the famous twins from the Hellion family is on fire. I can't help but be amazed at how good they are at playing basketball. Kapag napupunta sa kanila ang bola ay walang palya nila itong nasho-shoot sa basket.

Kitang-kita ko naman na mas lalong ginaganahan sa paglalaro sina Kael dahil sa sunod-sunod na nakaka-shoot sina Captain at Laito. Talagang nagti-teamwork ang Demir. I laughed suddenly in my mind. I feel like they are showing who is the King of basketball here at Osiris.

Parang pinapakita rin nila sa lahat na maling kalabanin ang Demir. Hindi na ako magtataka kung bakit laging nananalo ang school namin pagdating sa mga sports dahil na rin sa husay ng mga varsity players namin. Halimaw sila pagdating sa larong basketball.

"Last two minutes!"

All the students kept cheering loudly when they heard what the announcer said. Napapatili pa nga ang mga kababaihan sa tuwing sumasablay sa pag-shoot ang mga players.

Halos mabingi na talaga ako sa sigawan ng mga tao sa loob ng gymnasium. Nakakadagdag sa kaba 'yung sigawan nila. Bawat galaw nina Captain ay sinusundan ko ng tingin. Hindi sila tumigil para lang makahabol sila sa kalaban nila, lalo pa't malapit nang matapos ang dalawang minuto.

Kahit na tagaktak at tila naliligo na sila sa mga sarili nilang pawis ay hindi 'yon naging hadlang para huminto sila sa paglalaro.

I have never been fond of watching basketball. Ito rin ang kauna-unahang beses na pinanood ko ang laban ng Demir, pero hindi ko akalain na mae-enjoy ko ang panonood ngayon lalo na kung puro gwapo ang mga players at sinusuportahan ko ang dalawang lalaking bumihag sa puso ko.

Muntik akong mapatalon sa sobrang gulat nang may sumabog bigla na confetti. Mula sa kisame ng gymnasium ay nagsibagsakan ang napakaraming iba't-ibang kulay ng mga balloons. Marami ang masayang nagpapalakpakan at doon ko lang na realize na tapos na ang grand finals.

Nakita ko rin sa gitna ang buong Demir na nagkakasiyahan at animo'y mga nagdiriwang. Mabilis na bumaling ang tingin ko sa scoreboard kung sino ang nanalo. Sobra-sobrang kagalakan ang nadarama ko sa mga sandaling ito nang makita kong ang Demir ang nanalo.

My goodness! They won!

Nawala bigla ang atensiyon ko sa scoreboard at napunta ang tingin ko sa taong humawak sa braso ko. Nakita ko sina Captain Liam at Laito na gwapo pa rin kahit na pawisan silang dalawa. They are both still catching their breath, but they still managed to give me a wide and sweet smile.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon