32: 🔞

68K 1.6K 226
                                    

Harmony Erdenay's

Binalingan ko ng tingin si Captain Liam. Tahimik lang siyang nakahiga sa tabi ko habang nakatutok ang kanyang tingin sa pinapanood namin sa TV. Nagmo-movie marathon na kaming tatlo sa kwarto pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako iniimik ni Captain. Hindi yata siya natuwa sa pangti-trip ko sa kanila kanina.

Tumingin naman ako kay Laito na prenteng nakahiga ang kanyang ulo sa tiyan ko. Nakayakap pa rin siya sa akin na tila takot at ayaw akong makawala sa bisig niya. Nakatuon lang din ang atensiyon niya sa pinapanood namin. Pinaggigitnaan nila akong dalawa ngayon at sobrang tahimik nila.

"Captain," mahina kong tawag pero alam kong sapat na 'yon para marinig niya ako.

Hindi niya ako sinagot o nilingon man lang kaya napanguso ako. Galit nga yata siya sa 'kin. Ayaw ba talaga niya na tinatawag siyang Aslan? Bakit parang nagkabaliktad yata?

Dati naman ay ayaw niyang tinatawag siyang Liam, ngayon naman ayaw niyang tawagin ko siyang Aslan. 'Yung totoo? May saltik ba siya sa ulo? Buti na lang gwapo siya. Pero sabi niya ay espesyal daw ako sabi niya. 'Yung kilig ko ay tumatagos na hanggang sa buto ko.

Ako lang yata ang tumatawag sa kanyang Captain dahil minsan ay naririnig ko ang teammates niya na Liam ang tawag sa kanya. Bonus pa na hindi siya nagagalit kapag tinatawag ko rin siyang Liam.

Oh gosh, how lucky I am.

Tinitigan ko saglit ang cellphone na lumahad sa harapan ko. Nilingon ko ulit si Captain dahil siya ang umaabot sa akin ng cellphone niya habang hindi nakatingin sa akin. Ang seryoso lang ng mukha niya pero shit! Ang gwapo pa rin kahit saang anggulo.

"Get Ace's number from my phone book para hindi ka na guluhin ng kaibigan mong si Shawn," seryoso lang niyang utos without looking at me.

Kinuha ko naman agad ang cellphone niya bago pa magbago ang isip niya. Binuksan ko 'yon at natigilan ako nang ilang segundo dahil pinagkatitigan ko pa ang picture sa lock screen wallpaper niya.

Kailan pa nagkaroon ng picture ko si Captain? Mukha ko ang nasa wallpaper ng phone niya. It was obviously a stolen shot dahil naka-side view ang maganda kong mukha habang nakangiti sa ibang direksyon.

"I can't stop myself from taking a picture of you. Your beauty is mesmerizing, mi amor," sambit ni Captain at sa wakas ay tiningnan na niya ako.

Nagtitigan pa kami ng ilang segundo dahil hindi ako agad nakapagsalita. Talaga bang picture ko ang nasa wallpaper ng phone niya? Ito ang unang beses na may nag wallpaper ng mukha ko sa cellphone ng ibang tao at phone pa ni Captain 'yon!

'Yung walanghiya ko kasing ex na si Nicolai, wallpaper niya ang sarili niya kasama ang pinakakamahal niyang bulldog. Never niyang winolpeyper ang maganda kong mukha sa cellphone niya. At hindi rin ako makapaniwala dati na nagselos ako sa isang aso. Oo, nagselos ako sa aso.

Tinuon ko na lang ang tingin ko sa phone ni Captain para makuha ko na ang number ni Ace. Kanina pa ako tinatadtad ng text ni Shawn at nagrereklamo na kung bakit ang tagal ko raw hingiin ang number ng crush niya. Ang baklang 'yon talaga! Ang sarap niyang pektusan kung hindi ko lang talaga siya mahal.

"Ano'ng password?" tanong ko kay Captain. May password ang phone niya at wala naman akong ideya kung ano 'yon. Birthday ba nilang dalawa ni Laito?

"Birthday mo."

Mabilis akong tumingin kay Captain. Kanina ay ang seryoso ng mukha niya, ngayon ay nakangiti na siya. Bipolar ba siya? Ang bilis niyang magbago ng mood.

"Birthday ko?"

He nodded while there was a sweet smile on his lips.

"Yes, mi amor. You heard me. Birthday mo ang password ng cellphone ko."

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon