14: 🔞

86.4K 1.9K 201
                                    

Harmony Erdenay's

Maghapon lang akong nakakulong sa kuwarto. Minsan naman ay bumababa ako para tulungan sina Mommy at ninang sa paghahanda ng mga rekadong lulutuin nila. Pasalamat na lang ako dahil hindi ako ginugulo ng Hellion Twins ngayon. Tumutulong din kasi sila kina ninong na kumuha ng mga kahoy para sa bonfire mamayang gabi.

Hindi rin naman ako mabilis ma-bored ngayon kahit na wala akong hilig sa mga ganitong outing. Ako kasi ang tipo ng babae na mas gugustuhin na matulog at humilata magdamag sa kama. I'm not a lazy girl, sadyang mas prefer ko lang na humilata o mapag-isa.

Tulad nga nang nakagawian ko noon pa lang, bahay-eskwela lang talaga ako. Wala akong hilig lumabas at hindi ako gumagala sa kung saan-saan. Aalis lang ako sa bahay kapag may kailangan akong bilihin. O 'di naman kaya'y kapag niyaya lang ako ni Shawn na mag-shopping sa Mall.

"Mi amor? Bakit hindi ka pa naliligo sa dagat?" Nilingon ko naman si Captain nang magsalita siya bigla sa likuran ko. Wala siyang suot na damit pang-itaas at pawisan pa siya.

Ang hot naman tingnan ang gwapong nilalang na 'to. Tumutulo pa ang pawis niya sa kanyang dibdib papunta sa nagtitigasan niyang anim na pandesal. Kakatapos lang niya siguro gawin ang mga inutos nina ninong sa kanila na kumuha ng mga kahoy.

Lumapit naman siya sa gawi ko at yumapos sa akin kahit hindi pa siya nagpupunas ng kanyang pawis. Wala namang problema sa akin kahit na madikitan niya ako ng pawis niya dahil bukod sa hindi ako maarte ay mabango pa rin siya.

"Hindi naman kasi ako marunong lumangoy," natatawa kong pag-amin bago muli kong tinanaw sina Mommy na naliligo na sa dagat.

Hanggang tanaw na lang ako sa kanila dahil hindi naman talaga ako marunong lumangoy. Baka bigla na lang ako makita nina Daddy na palutang-lutang sa dagat. At isa pa, malapit na ring lumubog ang araw dahil mabilis lumipas ang oras.

"Are you serious? Hindi ka marunong lumangoy?" aniya sa gulat at hindi makapaniwala.

"O, bakit parang nagulat ka yata? At saka natatakot ako sa pating. Baka bigla na lang may umatake na pating diyan."

Umalis si Captain sa pagkakayakap sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Kinantilan pa niya ng halik ang likod ng palad ko at ngumiti sa akin. 'Yung ngiti na nagpapalambot sa kalamnan ko. Grabe naman kasi talaga ang angkin niyang kaguwapuhan.

"Let's go. I will teach you how to swim." Pagkasabi niya n'on ay hinatak niya na ako papunta sa dagat.

"Sandali, natatakot ako! Baka may lumutang na sharks diyan, eh!" pigil ko pero hindi siya nakinig sa akin.

Hinatak pa rin niya ako papunta sa dagat at dahil malakas siya ay nagagawa niya akong hatakin nang walang kahirap-hirap. Humawak ako ng mahigpit sa kanya nang mabasa na kami ng dagat. Malakas pa naman ang hampas ng alon kaya matatangay kami nito. Wala pa naman akong dalang salbabida.

"Captain, seryoso ako! H-hindi ako marunong lumangoy---"

"Kaya nga tuturuan kita." natatawang putol ni Captain sa sasabihin ko.

"Don't worry, sagot ko ang buhay mo. Hindi ko rin naman hahayaan na malunod ang babaeng mahal ko," dagdag niya sabay kindat sa akin.

Namula ang buo mong mukha subalit sumunod na lang ako sa kanya. Naglakad pa kami hanggang sa napansin kong hanggang beywang ko na ang tubig kaya dumodoble tuloy ang kaba ko.

Paano kung mas mapunta pa kami nito sa pinaka-ilalim? Malilintikan talaga sa akin si Captain kapag nalunod ako. Siya ang una kong mumultuhin once na matigok ako.

"Don't be afraid, mi amor. Nandito ako sa tabi mo at hindi kita pababayaan." paniniguro ni Captain sa 'kin.

Naramdaman niya sigurong kabado ako. Aba, siguraduhin lang niya na hindi niya ako pababayaan. Hindi talaga ako magdadalawang-isip na multuhin siya gabi-gabi kapag nalunod ako at namatay. Ako ang magiging worst nightmare niya kapag may masamang nangyari sa 'kin.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon