55: 🔞

75.4K 1.5K 211
                                    

WARNING: Read at your own risk!

Harmony Erdenay's

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa hot tub. Wala na rin akong suot na damit. Ramdam ko pa sa buo kong katawan ang maligamgam na tubig. Ang mga bula ang nagtatakip sa hubad naming katawan at napaka bango pa ng mga red petals na nakakalat sa buong hot tub.

Mabuti na lang ay nagkasya kaming tatlo kaya nakakagalaw kami ng maayos. Hinayaan ko lang din si Laito na nakaupo sa likod ko habang inaayos niya ang mahaba kong buhok.

Si Captain naman ay naka-pwesto sa harapan ko at pasimpleng hinahaplos ang binti ko. Pareho silang dalawa na umiinom ng heineken light. Tig-isang bote lang naman sila at hindi sila pwedeng malasing dahil baka ma-late sila ng gising bukas. Mahirap na, baka hindi pa matuloy ang kasal namin.

"Can I ask something, mi amor?" Captain broke the silence.

I smiled. "Yeah, sure." I answered without looking at him.

Pinaglalaruan ko kasi ang mga bula at minsan naman ay inaamoy-amoy ko pa ang mga lumulutang na red petals.

"Nag-date ba kayong dalawa ni Rhys?"

Nahinto ako sa ginagawa ko. Nag-angat ako ng ulo upang tingnan si Captain. Nakatingin lang din siya sa akin habang naghihintay siya sa sagot ko.

"Hindi kami nag-date. Bakit mo naman naitanong 'yan?"

He sighed and moved closer to me.

"Noon pa lang ay alam na namin kung saan na apartment ka tumutuloy. Mas naunahan pa nga namin sina Lola Larlee na mahanap ka pero hindi ka muna namin nilapitan," pag-amin niya.

"Wala kasi kaming lakas ng loob ni Laito na lumapit sa 'yo. Hindi rin namin alam kung paano kami magpapaliwanag sa 'yo dahil alam naming dalawa na hindi mo kami pakikinggan. We gave you time and space, para makapag-isip isip at para na rin hindi ka lalong magalit sa amin. Kaya naman hindi ka na muna namin nilapitan o ginulo," dagdag niyang sabi.

"Hinayaan ka na muna namin na mapag-isa kahit na gustong-gusto ka na naming lapitan at yakapin ng mahigpit. Dahil sa nangyari ay alam namin na nasaktan namin ang kalooban mo. But we watch over you from afar to make sure you are safe in your apartment," pagsali ni Laito sa usapan.

Medyo nawindang ako sa sinabi nila. Alam na pala nila no'ng una kung saan ako tumutuloy, pero mas pinili lang nila na bantayan ako mula sa malayo para makasiguro silang ligtas ako. Hinayaan na muna nila ako at hindi muna kinausap para kahit paano ay makapag-isip isip ako.

"And then, nakita ka namin na lumabas after naming mag-iwan ng bouquet of flowers at chocolate sa labas ng pinto sa apartment mo," Captain said.

Naalala ko 'yung bulaklak at tsokolate na nakita ko sa labas ng pinto.

"Sa inyo galing ang bulaklak at tsokolate?" 'di makapaniwala kong tanong na ikinatango nila ng sabay.

"Sinundan ka namin that time. Pumunta ka sa Mall kaya akala naming dalawa ni Liam ay gusto mo lang na mag aliw-aliw o mag-relax, but we're wrong. Nakita namin na hinihintay ka ni Rhys at magkasama kayong nag-enjoy sa kakalaro sa mga arcade." Laito said and took a deep sigh.

"At first, nagalit kami dahil kitang-kita namin ni Laito kung gaano ka kasaya habang kasama mo ang lalaking 'yon kaya naisipan na namin na magpakita sa 'yo nang makauwi ka sa apartment mo."

Mapakla pa silang natawa na parang may naalala siyang nakakatuwang pangyayari, pero halata ko naman na hindi sila masaya at may bahid na lungkot ang mga mata nila. Tapos na ring ayusin ni Laito ang buhok ko pero heto siya at yumakap sa akin ng mahigpit.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon