Harmony Erdenay's
Napayakap na lang ako sa sarili ko nang humangin ng malamig. Lalo lang lumalakas ang ulan sa labas. Bumagsak na lang ang dalawa kong balikat dahil wala na kaming pag-asa na makauwi ngayong gabi.
Sa kahihintay naming humupa ang baha ay inabot na kami ng gabi sa bahay nina Mang Martin. Walang tigil ang ulan at lalo lang na tumataas ang baha sa baryo nila. Nakauwi na rin ang mga nagpagamot kay Mang Martin dahil malapit lang naman ang mga bahay nila. Kami na lang ang naiwan dito.
Masyadong mataas ang baha. Hindi kami basta pwedeng sumugod sa bahay dahil malakas pa ang buhos ng ulan. Baka tumirik pa 'yung sasakyan ni Captain kapag tinangka namin 'yon na ilusong sa baha.
"Dito na lang muna kayo magpalipas ng gabi, mga anak. Delikado kung lulusob kayo sa baha," salita ni Mang Martin na kakalabas lang sa kanilang maliit na kusina.
"Tama si itay. Bukas na lang kayo umuwi. Siguro naman titila rin ang ulan at huhupa na rin ang baha bukas ng umaga," saad ni Elijah.
"We have no choice. Magpapalipas tayo ng gabi rito. Kaysa naman na pare-parehas tayong magkasakit kung lulusong tayo sa baha. Hindi rin natin magagamit ang kotse ko," turan ni Captain na nakaupo sa kahoy na upuan.
Tanging kandila lang ang nagsisilbi naming ilaw na nakalagay lang sa loob ng lampara. Wala silang kuryente kaya 'yon ang ginagamit nila.
Pasalamat kami na hindi tinatanggay 'yung yero nila dahil malakas ang hangin. Nakikita pa rin namin ang isa't-isa dahil limang kandila ang nakasindi ngayon.
"Halika na kayo rito at para makakain na tayo ng hapunan," aya ni Mang Martin sa 'min. "Pagpasensiyahan niyo na itong niluto ko at ito lang ang nakayanan namin ni Elijah."
Lumapit kaming lahat sa lamesa na katamtaman lang ang laki. Katabi ko si Laito at Captain na kanina pa ako hindi iniimik. Ayaw nila akong kausapin dahil doon sa pagpapahilot ko kay Elijah imbes na kay Mang Martin ako nagpahilot.
Ang lakas talaga ng mga topak nila.
"Pasensiya na kung ito lang ang ulam namin. Hindi kasi namin kaya na bumili ng mamahaling pagkain," hinging pasensiya ni Elijah.
"Ayos lang. Mukha ngang masarap 'tong niluto ni Mang Martin na sardinas na may itlog, pork dinuguan at prinitong tilapia," nakangiti kong sagot sa kanya.
Nakikita ko pa lang ang mga pagkain sa lamesa ay natatakam na ako.
Binalingan ko ang dalawa kong kasama. Mag pagtataka sa kanilang mukha kung ano'ng ulam ang nakahain.Anak mayaman nga pala ang dalawang 'to kaya imposibleng kumakain sila ng ganitong ulam. Kinalabit ko si Captain Liam kaya agad siyang tumingin sa 'kin.
"Okay lang ba sa inyo itong ulam?" mahina kong tanong. Nag-aalala ako dahil baka hindi nila magustuhan 'yung ulam.
He nodded. "indi lang ako pamilyar dito sa dalawang ulam na 'to." Tinuro niya ang sardinas na may itlog at pork dinuguan.
"Mukha rin namang masarap itong mga pagkain," natatakam naman na salita ni Laito. Nang tingnan ko siya ay nagsisimula na siyang magsandok ng kanin.
Agad kong pinagsandukan ng pagkain si Captain dahil parang wala pa siyang balak na kumain. Nakatulala kasi siya sa pork dinuguan at parang ngayon lang siya nakakita ng ganitong klaseng ulam.
"Huwag kang mag-alala, Captain. Masarap magluto si Mang Martin. Masarap din itong mga pagkain lalo na 'tong pork dinuguan." nakangiti kong turan sa kanya.
Pinanood ko siya nang sumubo siya ng kanin at pork dinuguan. Naghintay lang ako sa magiging reaksyon niya.
"Masarap nga," nakangiti niyang sabi kaya lumapad ang pagkakangiti ko. Si Laito naman ay nagustuhan din 'yung ulam kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman pala maarte sa pagkain ang kambal na 'to kahit na may lahi silang imported.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
General Fiction[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...