Harmony Erdenay's
Hindi na ako kinakausap ni Shawn. Iniiwasan niya na ako kahit na ano pa ang gawin kong lapit sa kanya. Para lang tuloy akong hangin na dinadaanan lang niya kanina at parang wala siyang naririnig kahit na paulit-ulit at halos mamaos na ako sa kakatawag sa pangalan niya.Binantaan at tinakot daw siya ni Laito kanina sa canteen. Kapag hindi niya ako iniwasan ay siya ang malalagot at mapapahamak. Siyempre natakot ang bakla kong kaibigan at baka madungisan daw ang maganda niyang mukha kaya mas makakabuting mag-iwasan muna kaming dalawa kahit ngayon lang.
Ngayon ay nagngingitngit na ako sa sobrang galit at matinding inis sa Hellion Twins. Nag-iisa ko lang na kaibigan si Shawn tapos iiwasan pa niya ako at ayaw na rin akong kausapin? Para tuloy akong pinagbagsakan ng sandamakmak na problema ngayon.
Bagsak na lang ang balikat ko nang lumabas ako sa school gate namin. Hanggang sa mag-uwian ay hindi ako pinapansin o iniimik ni Shawn. Nakayuko akong nagtungo sa kotse ko at halos itago ko na rin ang mukha ko para walang makakita sa pag-iyak ko.
Kahit na puro kabulastugan ang lumalabas sa bibig ni Shawn ay mahal ko pa rin siya. Siya ang pinaka importanteng kaibigan sa akin. Nasasaktan ako sa pag-iwas niya sa akin mula kanina dahil lang sa pagbabanta ni Laito.
Wala rin akong katabi kanina sa classroom at wala rin akong kakopyahan sa Business Methods kaya ayan tuloy, tres ang nakuha kong score sa quiz namin.
Naiiyak din ako dahil first time kong makakuha ng ganu'ng score sa quiz. Out of 20 pa naman 'yon, tapos tres ang nakuha ko. Okay pa sana kung singko o sais eh. Mabuti na lang may nakabokya sa amin kaya hindi lang ako ang nasermunan ni sir kanina.
I sighed. Pinunasan ko lang din ang luha ko. Natigil lang ako sa paglalakad nang makita ko ang Hellion Twins na nakatayo malapit sa sasakyan ko. Mukhang may hinihintay silang dalawa at sa tingin ko rin ay kanina pa sila nag-aabang sa kotse ko.
Napaiwas agad ako ng tingin nang makuha ko ang atensiyon nilang dalawa. Dire-diretso lang akong naglakad palapit sa kotse ko at nagkunwari akong hindi ko sila nakita.
"Mi amor, let's talk. Please?"
Hindi ko pinakinggan si Captain. Binuksan ko agad ang pintuan sa driver's seat, pero may humawak sa braso ko para pigilan ako. Walang gana kong tiningnan si Laito na siyang humawak sa akin.
"What?"
He sighed. "I'm sorry. Sorry kung binantaan ko ang kaibigan mo. Please, forgive me, Harmony. I didn't know he was... gay."
Nahihimigan ko ang pagiging sinsero niya. Nakita ko rin sa gwapo niyang mukha na nagmamakawa siya. Nakitaan ko sila ng pag-aalala at mas lalo pang lumambot ang mata nilang nakatingin sa akin nang may tumulong luha sa pisngi ko pero mabilis ko lang itong pinunasan.
"Bakit? Masaya na ba kayo? Yeah, maybe you should be happy. Iniiwasan na ako ng kaibigan ko at ayaw na rin niya akong kausapin," mapait kong sabi sa kanila. Iniiwasan ko na huwag mag-crack ang boses ko.
"So, pwede na ba akong umuwi kung wala man lang kayong importanteng sasabihin sa akin? Pagod ako, kaya please. Just leave me alone."
Hindi sila nakaimik sa sinabi ko. Lumuwag din ang pagkakahawak ni Laito sa braso ko kaya malaya na akong nakasakay sa kotse ko. Agad kong binuhay ang makina ng sasakyan ko at bago ako umalis ay tiningnan ko muna ang kambal sa labas ng bintana.
Tinted ang bintana ng kotse ko pero diretso ang kanilang tingin dito sa akin na tila nakikita nila ako sa loob. Halatang dismayado sila at may bahid din ng lungkot ang kanilang mga mata.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
General Fiction[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...