Harmony Erdenay's
Nakarating kami ni Shawn sa gymnasium at halos puno na ang mga bleachers dahil sa mga estudyante na manonood ngayon ng grand finals. Idagdag pa ang mga taga ibang school na dumayo pa talaga sa Osiris para mapanood lang ang laban ng Demir at Lothaire Hawks.Palinga-linga pa kaming dalawa ni Shawn para maghanap ng pwedeng maupuan pero wala kaming makitang bakante.
"Ate Harmony!"
Sa kabila ng maiingay na mga estudyante ay nagawa ko pa ring marinig ang tumawag sa pangalan ko. Kaboses iyon ni Liliana. Mabilis na hinanap ng dalawa kong mata kung nasaan siya, hanggang sa nahinto ang tingin ko sa mga kumakaway sa akin sa bandang itaas ng bleachers.
Doon ay nakita ko sina Ninang Aeliana. Nandito rin pala ang buong pamilya nina Captain at Laito. Kumpleto silang narito ngayon samantalang hindi ko kilala ang mga katabi nina Ninong Lorcan na kinakausap nila.
Namukhaan ko pa nga ang ilan sa kanila. Sa pagkakaalala ko ay sila 'yung mga nakita kong kasama nina Ninong noong gabing nagpunta ako sa Idle Desire. Sa tingin ko ay magulang 'yon ng ibang miyembro ng Demir.
Malamang nandito sila para manood din at para suportahan ang mga anak nila. Nginitian ko lang si Liliana nang ituro niya na may dalawang bakanteng bleachers sa tabi niya. Hinatak ko agad si Shawn bago pa kami maunahan ng iba.
"Oh my gosh! Nandito 'yung parents ni Ace!" kinikilig na turan nitong kaibigan ko habang papalapit pa lang kami sa bandang itaas kung saan nakapwesto sina ninang.
Tinuro pa talaga niya sa 'kin kung saan nakaupo ang magulang ni Ace at isa sila sa kinakausap nina Ninong Lorcan. Napanganga pa ako dahil parehas may itsura ang magulang ni Ace. Talagang may pinagmanahan si Ace sa pagiging maganda niyang lalaki at medyo kahawig din niya ang Daddy niya. 'Yon nga lang ay mukhang tahimik lang ang Daddy niya at halatang wala sa ugali nito ang mag-daldal.
Ang iba sa kanila ay nakilala ko pa dahil na rin sa sikat sila sa buong bansa, lalo na pagdating sa business world. Ang gaganda at ang guwapo nila.
Humalik ako sa pisngi ni Liliana nang tuluyang kaming nakalapit ni Shawn sa kanya. Humalik din ako sa pisngi nina Ninang Aeliana at kay Lola Larlee habang nagmano naman ako kay Lolo Lars. Nag ngitian lang kami ni Letifer at nina Ninong Lucian.
"Mabuti naman ay nandito ka na. Kanina ka pa hinahanap nina Liam sa 'min. Akala nila ay umuwi ka na at hindi manonood ng laro nila," turan ni Lola Larlee.
"Teka bakit ka pala namumutla, anak? Ayos ka lang ba?" nag-aalala namang katanungan ni ninang sa 'kin.
Napahawak ako bigla sa magkabila kong pisngi. Pinagpapawisan pa rin ako ng malamig pero hindi na rin ako naduduwal. Hindi tulad kanina na halos lahat na yata ng kinain ko ay isinuka ko na.
"Okay lang naman po ako. Kinakabahan lang po siguro ako sa laban nina Captain," pagdadahilan ko na lang.
Bumaling ang tingin ko kay Liliana na hinahatak ang laylayan ng damit ko. Cute at inosente pa siyang nakatingin sa akin. Hanggang dito ay dala-dala pa rin niya ang kanyang tirador.
"Ate Harmony, please bumalik ka na po kina Kuya Liam at Kuya Laito. Promise po, nagsisisi na sila sa ginawa po nila sa 'yo kahit na hindi naman daw po nila ginusto na mangyari 'yon. Wala naman daw po kasi silang kasalanan. May gusto lang po na sumira sa relasyon ninyo," sabi ni Liliana na nagpatahimik sa akin.
Nagkatinginan pa nga kaming dalawa ni Shawn maski nina Ninang Aeliana at Lola Larlee.
"Please po, ate. Balik ka na kila kuya at patawarin mo na sila. Nakakaawa na po kasi silang dalawa, eh. Lagi rin po silang umuuwi sa bahay na lasing at umiiyak habang tinatawag nila ang pangalan mo. Kung hindi ko lang po talaga mahal sina kuya, baka sinamahan ko na po silang magpa-check up sa mental hospital." mahaba pa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
General Fiction[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...