46

45.6K 1.3K 383
                                    

Harmony Erdenay's

'Niloloko ka lang ng Hellion Twins, Harmony

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Niloloko ka lang ng Hellion Twins, Harmony. Kung gusto mong malaman ang totoo, pumunta ka ngayon dito sa Idle Desire.'

'Yon ang nabasa ko nang makatanggap ako ng text message mula sa unknown number. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala nitong text sa akin.

Sinakluban na lang din ako bigla ng matinding kaba at takot. Paano kung totoo itong nasa text? Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ito, o baka naman isa lang itong prank at niloloko lang ako.

Pero nagpunta sina Laito sa Idle Desire para dumalo sa birthday ng Daddy ni Alix. Muling tumunog ang cellphone ko at may panibago na naman akong text message na natanggap mula sa unknown number na 'yon.

Binasa ko naman agad 'yon.

Binasa ko naman agad 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Trust me, Harmony. If you want to see with your own eyes, puwes pumunta ka rito sa Idle Desire ngayon din mismo.' basa ko sa text message niya.

I sighed. Dali-dali kong tinawagan ang number na 'yon para sana kausapin pero dini-declined niya ang tawag ko. Nang subukan ko ulit tawagan ang number na 'yon ay nakapatay na ang cellphone niya. Sino kaya ang nagte-text sa akin ng ganito?

Binabagabag na tuloy ako. Ayokong paniwalaan ang sinasabi nitong nagte-text sa akin. Pero wala namang masama kung ise-check ko lang, 'di ba? Ilang minuto akong nag-isip bago ako nagpasyang kontakin ang kaibigan kong si Shawn. Ilang saglit lang ay sinagot na rin niya ang tawag ko.

"What's up, sweetheart? Bakit ka napatawag bigla?" bungad ni Shawn sa kabilang linya.

"Alam mo ba kung saan 'yung Idle Desire?" agad kong tanong sa kanya.

Wala akong ideya kung saang lupalop ng bansa ang Idle Desire na 'yon kaya naisipan kong tawagan si Shawn at magpasama sa kanya dahil mahilig siyang magpunta sa mga bar para mag-inom.

"Oo, alam ko kung saan iyon. Bakit mo naman naitanong 'yan, aber?"

Buti na lang ay alam niya.

"Dalhin mo ako doon ngayon mismo. I-text mo sa 'kin 'yong address ng Idle Desire at doon na lang tayo magkita," nagmamadaling sabi ko sa kanya.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon