Harmony Erdenay's
Pagkatapos naming lahat na kumain ay dinala na ako agad nina Captain sa magiging kwarto ko ngayong gabi. Dumiretso kami sa pangalawang palapag nitong mala-mansyon nilang bahay at huminto sa pintuan na nasa pinakadulo ng hallway.Nang buksan ni Captain ang pinto ay ma-amazed ako dahil maganda, malaki at malinis ang kanyang kuwarto. Pumasok kami sa loob at malaya kong pinasadahan ng tingin ang buong kwarto niya.
Malinis at mabango ang kuwarto niya. Parang hindi lalaki ang gumagamit ng kuwartong 'to. Napaka-organize rin niya pagdating sa mga gamit niya.
May book shelf din siya na sobrang laki, may malaking kama, coffee table, flat screen TV at sofa. Una ko talagang napansin ay ang mga libro niya. Noon pa lang ay alam kong mahilig na si Captain sa pagbabasa ng libro.
Nakikita ko kasi siya dati mula sa malayo na mag-isang nagbabasa ng libro sa tuwing wala silang practice ng basketball. Minsan ay nakikita ko rin siya sa library.
Hindi naman sa stalker ako, pero sadyang nakikita ko lang talaga ang Hellion Twins kasama ang buong Demir kahit saan ako magpunta sa loob ng school kahit pa na sabihing malaki at malawak ang Osiris.
Hindi lang talaga ako tulad ng ibang babae na mahilig magpapansin at magpa-cute sa kanila. Wala naman kasi talaga akong crush sa kanila at hindi ko rin ugali na magpapansin lalo na't kapag alam kong playboy ang isang lalaki.
"Kailangan na naming umalis at baka magtaka sina Dad kung bakit hindi pa kami nakakabalik sa ibaba," salita ni Captain.
Oo nga pala, nagkayayaan pa sila na uminom ng alak. Dinamay na rin nila itong kambal kaya sangkaterbang sermon ang inabot nila kay Lola Larlee.
Maaga raw kasi kaming aalis bukas papunta sa tinutukoy nilang Lilura Isla, pero naisipan pa nilang uminom ng alak ngayon. Siyempre, nandiyan si Lolo Lars na palaging to the rescue kila Ninong Lorcan.
Wala na tuloy nagawa pa sina Lola Larlee. Basta huwag lang daw silang magpakalasing at baka maudlot pa raw ang outing namin.
"Katabi lang nitong kwarto ni Liam ang kwarto ko. Kumatok ka lang kapag may kailangan ka, okay?" paalala ni Laito sa akin habang sinusuklayan niya ang akinng buhok gamit ang daliri niya sa kamay.
Nginitian ko silang dalawa at tumango. Kahit papaano ay napapalagay na rin ang loob ko sa kanilang dalawa. Mabait ang Hellion Twins sa akin. Todo alaga at asikaso rin sa akin.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Noong una ay gusto ko silang iwasan, pero ngayon ay parang mas gusto kong mapalapit sa kanila at makilala sila ng lubusan. Sila na rin mismo ang nagsabi na nagbago sila dahil sa akin at gusto nilang patunayan 'yon sa akin.
"Salamat pala sa inyong dalawa. Huwag lang sana akong ma-home sick. Hindi kasi ako sanay na natutulog sa ibang bahay," natatawa kong sabi na ikinatawa lang din nila.
"Bakit ba sobrang ganda mo, mi amor? Ayokong mabura ang maganda mong ngiti at gusto ko na sa amin ka lang ngingiti," namamanghang turan ni Captain habang marahan na hinaplos ang aking pisngi.
"I also always want to hear you laugh," salita naman ni Laito.
"But I will also hear how you moan and screaming my name, my love. Asking me for one more," malandi at mapang-akit pa niyang sahi habang nagtataas-baba ang dalawa niyang kilay.
Uminit bigla ang magkabila kong pisngi bago ko siya hinampas sa kanyang braso. Naintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Nahawaan kasi ako ni Shawn sa pagiging marumi ang utak.
"Ang bastos ng bunganga mo, ha!" asik ko. Ngumisi si Laito at parang linta na yumapos sa aking likod.
Tinawanan niya ako. "Ano'ng bastos doon, my love? Ang bastos ay ang nakahubad." Hinalik-halikan niya ang aking leeg. Napalunok ako nang masuyong hinaplos ni Laito ang aking tiyan.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
Fiksi Umum[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...