31

58.8K 1.6K 289
                                    

Harmony Erdenay's


Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay. Gusto ko na ga-graduate ako sa college na walang may galit sa akin. Pero ano 'to? Bakit bigla na lang nagulo itong tahimik kong mundo?

First time kong matakot ng ganito sa buong buhay ko. Unang beses na makatanggap ako ng mga pagbabanta mula sa hindi ko naman kilalang tao.


Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong binabanggang tao. Wala akong ginagawang masama. Bukod na nga lang doon sa nangyaring sampalan at sabunutan noong nakaraang araw sa school hallway.

Si Andrea. Siya lang naman ang nasa isip ko na gagawa ng vandalism na 'yon sa bahay namin. Siya lang naman ang nakaaway ko at alam kong may malaking galit sa akin.

Siya rin naman kasi itong unang sumugod dahil sa kabaliwan at kahibangan niya kay Captain. Sinaktan niya ako, sinabunatan. Alangan naman na hayaan ko lang siya at tumunganga? Siyempre gaganti ako.

Pasalamat nga siya ay suntok lang ang inabot niya sa akin. Pero nagalit kaya siya dahil sa pagsuntok ko sa kanya? O baka naman nagalit siya dahil pinatalsik siya sa Osiris at sa 'kin niya binubunton ang sama ng loob niya?

I let out a deep breath. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon. Sana lang ay hindi ito malaman ng magulang ko. May pagka-OA pa naman sila at walang alinlangan na uuwi kapag nalaman nila ang totoong nangyari.

Hindi bale, pinakiusapan ko naman sina Ninong Lorcan na huwag nila itong babanggitin kila Dad. Makakaasa naman siguro ako sa kanila na hindi muna nila ito ipagsasabi sa magulang ko. Ayoko kasi na mag-alala sila sa akin.

Narinig kong may nag-snap sa harapan ko kaya tila nawala ang malalim kong iniisip. Pagtingin ko ay bumungad sa akin ang mala-adonis na mukha ni Captain. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin siya ng diretso sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag, pero tulala ka na naman diyan."

Magkasalubong na ang kilay niya. Ngayon ko lang na realize na nandito na pala kami sa tinutuluyan nilang bahay. Akala ko doon nila ako dadalhin sa mala-mansyon nilang tirahan kasama sina Ninang Aeliana pero nagkamali ako.

Dito mismo nila ako dinala sa pinatayo raw nilang two-storey house ni Laito. Ginagamit lang naman daw nila itong dalawa kapag tinatamad silang umuwi sa Mansyon nila. Maganda rin ang bahay nila, napaka-elegante ng interior design.

Kanina lang kami nakarating dito at agad nila akong dinala sa gagamitin kong kwarto. As in kwarto naming tatlo dahil gusto nila na magkakasama kaming tatlo sa iisang silid. Wala namang problema sa akin 'yon dahil may kalakihan naman ang kama at kasya kaming tatlo roon.

"Pasensiya na, Captain."

Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari sa bahay namin. Nalaman ko na sina Ninong Lorcan na raw ang bahala roon. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari 'yon at mababahidan ng kung ano-anong vandalism ang bahay namin.

"May balita na ba kayo tungkol sa gumawa ng vandalism sa bahay namin?" katanungan ko kay Captain.

Huminga siya ng malalim at naupo sa harapan ko. Hinawakan lang din niya ang kamay ko.

"Yes. Na confirm na nina Dad kanina kung sino ang may kagagawan no'n." Mabilis akong napaayos ng upo sa aking narinig.

"Sinampahan na namin sila ng kaso kanina. Pwede silang makulong dahil sa pag-vandalism nila sa bahay ninyo, sa pagsira ng mga gamit at trespassing na rin."

"Sila? Marami sila? Sino naman ang may gawa no'n?" taka kong tanong.

Atat na akong malaman kung sino ang bumaboy sa bahay namin. Aba, dapat lang na magbayad sila sa ginawa nila. Bukod sa nag-vandalism na sila ay sinira pa nila ang mga gamit namin. Tiyak na sa kulungan ang bagsak nila.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon