39

49.9K 1.3K 349
                                    

Harmony Erdenay's


Nagising na lang ako na wala na si Laito sa tabi ko. Maaga siguro siyang nagising at bumangon para hindi siya makita nina sir na dito siya natulog sa tent ko. Pero hindi lang iyon ang napuna ko sa mga sandaling ito.

I feel dizzy. Umiikot ang paningin ko dahil sa hilo. Sumasakit din ang aking ulo na para itong binibiyak. Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon. Nananakit din ang aking kasu-kasuan.

I want to get up, but I feel like I'm spinning around. Nanlalamig din ang aking pakiramdam kaya naman binalot ko ng makapal na kumot ang aking katawan. My body was shaking from the cold kahit na wala namang electric fan na nakatutok sa akin. Pinagpapawisan din ako ng malamig.

Inis akong napamura sa isipan ko. Bakit ngayon pa ako nilagnat kung kailan nandito pa kami sa camping? I really don't like this kind of feeling. Sagabal lang ito sa 'kin.

Naririnig ko rin ang ingay sa labas. Nagkukwentuhan at mukhang nagluluto na ang iba sa kanila dahil naaamoy ko na ang mabangong pagkain. Paniguradong gising na silang lahat. Ano'ng oras na ba?

Kahit nanghihina ay pinilit ko pa rin na kunin ang cellphone ko sa aking bag para i-check ang oras.

It's already past nine o'clock in the morning. I tried to get up pero walang nangyari. Hindi ko kayang bumangon na mag-isa dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Sumasakit talaga ang mga muscle ko sa katawan at pakiramdam ko ay tatrangkasuhin ako.

Biglang bumukas ang tent ko kaya napatingin ako roon. Hinintay ko kung sino ang nagbubukas n'on hanggang sa bumungad sa akin ang mala-adonis na mukha ng Hellion Twins. Bakas sa gwapo nilang mukha ang labis na pag-aalala.

Nakahinga ako ng maluwag dahil naisipan nilang puntahan ako rito sa tent ko. Mabuti na lang din ay nandito ang kambal na 'to. Tumingin silang dalawa sa akin at parehas silang napakunot ang noo. Halatang nagtataka kung bakit nakahilata pa rin ako.

"Bakit hindi ka pa bumabangon, mi amor?" tanong agad sa 'kin ni Captain na siyang unang pumasok sa loob ng tent ko.

"M-Masama kasi ang pakiramdam ko," nanginginig kong sagot. Halos parang nangangatal na rin ang katawan ko.

Pansin kong namamaos din ang aking boses. Magkasabay naman silang lumapit sa gawi ko na may halong pagmamadali. Hinawakan nila ang aking noo at leeg bago sila sunod-sunod na napamura ng malulutong.

"Fuck! You have a high fever, my love!" bulalas ni Laito sa akin. Nakita ko rin sa reaksyon nila na mas lalo silang nag-alala at nataranta. Hindi ko naman kasi akalain na lalagnatin ako ngayon. Kaya pala kagabi pa lang ay nagsisimula nang manakit ang katawan ko at iba na rin ang pakiramdam ko.

"Kumapit ka sa balikat ko. We will take you to the hospital right now," may pagmamadaling sabi ni Captain at akma akong bubuhatin nang pigilan ko siya agad.

"H-Hindi na kailangan. Lagnat lang naman ito. Iinuman ko na lang siguro ito ng gamot para mawala ang lagnat at pananakit ng katawan ko."

Lagnat lang naman ito kaya hindi ko kailangang dalhin sa ospital. Gamot at pahinga lang ang katapat nito. Hindi rin naman malala ang sakit ko. Kayang-kaya ko naman ito kahit masakit ang buo kong katawan.

"Lagnat lang? Are you serious, mi amor? You have a high fever! You need to be taken to the hospital right now. Paano na lang kung may iba pang dahilan kung bakit ka nilalagnat?"

Kahit na seryoso na silang dalawa ay nagawa ko pa ring matawa ng mahina.

"Don't laugh at us, my love. Hindi mo ba nakikita na nag-aalala na kami sa iyo? Nagagawa mo pa talagang tumawa kahit mataas ang lagnat mo?" May bahid na inis sa boses ni Laito kaya nahinto na ako sa pagtawa.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon