36

53.6K 1.3K 168
                                    

Harmony Erdenay's


Sumapit ang alas singko ng hapon at pinagluto ulit kami ni sir para sa hapunan namin. This time ay titikman ng mga titser namin ang mga luto ng bawat grupo at kung kaninong putahe ang magugustuhan nila ay may matatanggap daw na tumataginting na gatimpala.

Five thousand pesos daw para sa mananalo. Pambili lang daw namin ng tinitindang souvenirs dito sa Apollo Camping Site, kaya naman tuwang-tuwa ang mga estudyante at naging aktibo sila sa pagluluto.

May consolation prize rin naman na tatlong libo sa isang mananalo at pipili ng dalawang putahe sina sir kaya dapat daw galingan namin. Kung ganito lang naman ang gagawin namin at may kasama pang prize ay hindi ako mabo-bored.

Dahil sa prize na makukuha kaya naman naging abala na naman ang bawat grupo sa pagsibak ng kahoy, pagsindi ng apoy at sa pagluto ng masarap na putaheng lulutuin namin.

Si Laito ang naging pambato namin sa pagluluto. Kung ako ang tatanungin ay paniguradong kami na ang mananalo. Magaling at masarap magluto si Laito kaya nakakasiguro akong magugustuhan ng mga titser namin ang luto niya.

"Wow, biceps. Halatang yummy."

Nilingon ko si Shawn nang bigla siyang bumulong sa tainga ko. Malagkit ang kanyang tingin kay Laito na ngayon ay nagluluto. May pakagat-labi pa siya kaya mabilis ko siyang siniko sa kanyang tiyan para tigilan na niya ang pagnanasa kay Laito. Kung makatingin kasi siya ay parang hinuhubaran na niya si Laito sa kanyang isipan.

Napatitig naman ako kay Laito na abala sa pagluluto. Kaya naman pala ganito kalagkit ang tingin ng kaibigan ko maski ang ibang mga babae sa kabilang group. Kulang na lang ay may tumulong laway sa bibig nila o 'di naman kaya'y lumuwa na ang kanilang mga mata.

He was wearing only a black sando and denim pants. Bumagay sa kanya ang suot niya na mas lalong nagpadagdag sa kagwapuhan at kaseksihan niya.

Hapit din ang suot niyang sando kaya bumabakat ang anim niyang pandesal. Parang gusto kong humigop ng kape habang nakatitig sa abs niya. Lumilitaw talaga ang magandang hubog ng katawan ni Laito, lalo na kapag ganito ang suot niya.

He is muscular and has a good physique. Hindi na katakataka kung bakit tinatawag siyang yummy ng mga babae at binabae. Nagfe-flex din ang biceps niya kapag hinahalo ni Laito ang kanyang nilulutong ulam.

Pawisan din siya dahil na rin sa pagluluto at may kalakasan ang apoy. Hindi ko tuloy namalayan na sinusundan ko na pala ng tingin 'yung pagtulo ng pawis niya. Mula sa kanyang noo pababa sa gilid ng kanyang mukha,  hanggang sa lumandas iyon pababa sa kanyang leeg.

Aaminin ko, talagang attractive talaga ang Hellion Twins. Malakas ang kanilang sex appeal. Wala akong kahit na anong maipipintas sa kambal, bagkus ay napupuri ko pa ang angkin nilang kagwapuhan at pati na rin ang matikas nilang pangangatawan.

Natauhan na lang ako at tila nabalik sa reyalidad nang maramdaman kong may umihip bigla sa mukha ko. Napakurap-kurap pa ako at doon ko lang namalayan na nasa harapan ko na pala si Laito. Matamis ang pagkakangiti niya sa akin.

"Kanina mo pa ako tinititigan, my love. Kung ice cream lang siguro ako ay baka kanina pa ako natunaw," nakangisi niyang turan. Pinamaluhan ako ng mukha at napalunok dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Agad naman akong lumayo ng bahagya at mahinang tumikhim.

"May kailangan ka ba?" tanong ko.

Umiwas din ako ng tingin at baka mapagnasahan ko pa siya. Nakakatukso pa naman 'yung abs niyang bumabakat. Para bang inaanyayahan akong haplusin iyon.

"Pwede bang pakipunasan ang pawis ko? Basang-basa na kasi ako ng pawis at baka magka-pulmonya na lang ako bigla," pakiusap niya sa akin.

"O, punasan mo raw sabi ng my love mo," pag-ulit nitong si Shawn.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon