17

73.5K 1.7K 162
                                    

Harmony Erdenay's


Tulad nga ng sinabi sa akin nina Laito kahapon ay sumakay kami sa yate nila para puntahan ang kabilang isla na sakop din ng Lilura.

Hindi na sumama sina Mommy dahil may hangover sila kaya kaming tatlo na lang ang umalis. Bibilihan na lang namin sila ng mga souvenir na madadala naming pasalubong sa pag-uwi.

Pagsampa ko palang sa yate na pagmamay-ari nina Captain ay namangha na ako agad sa ganda. This yacht is big and very luxurious. Halatang malaking pera ang ginastos nila para mabili lang ito. First time ko lang din na makasakay ng ganitong klaseng sasakyang pang-dagat.

Mayroon pang mga kwarto, jacuzzi na kasya ang lima o anim na katao. Meron din ditong mga lounge chair na pwedeng higaan kapag gusto naming mag-sunbathing. Meron pang malaking lamesa na gawa sa babasagin at pati na rin ang sofa na sobrang haba.

Abala naman ang ilan sa mga crew sa pag-asikaso sa 'min na makakasama rin namin dito sa malaking yate.

Ilang minuto lang ay umandar na ito paalis. Pinaupo naman ako ni Laito sa sofa bago siya naupo sa tabi ko at parang linta na naman siyang yumakap sa 'kin.

Halatang masaya siya dahil hindi mabura-bura ang ngiti sa labi niya. Nakailang release ba naman siya kagabi dahil sa tulong ko kaya good mood siya. Mabuti na lang talaga ay may lakas pa ako ngayon. Pagkaupo naman ni Captain sa kabilang gilid ko ay siyang lapit naman sa amin ng babaeng crew.

"May I know what food we will prepare for you, sir?" magalang ngunit mahinhin na tanong niya kay Captain pero. Hindi nakaligtas sa akin kung gaano kalaki ang pagkakangiti niya at parang kinikilig pa.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Infairness, may itsura siya. Hapit sa kanya ang suot niyang damit na sa tingin ko ay uniform nila dahil 'yon din ang nakikita kong suot ng ibang babaeng crew.

Nakasuot siya ng puting long sleeve na pinatungan lang ng itim na blazer. Naka-skirt din siya na hapit sa kanya at hanggang hita lang niya ang haba kaya nakikita ang mahaba at mapuputi niyang legs. May kataasan ang suot niyang high heels. Binasa ko naman ang nameplate niya na nakasabit sa kaliwang dibdib ng damit niya.

Andrea, iyon ang pangalan niya.

"What do you want, mi amor?" baling ni Captain sa akin na hindi man lang tumitingin sa babaeng crew.

"Kahit 'yung specialty na lang ng chef." sagot ko at tipid na ngumiti kay Captain.

Nagugutom na ako. Naisipan kasi nila Captain na dito na lang kami sa yate mananghalian.

Binalik ko ang tingin ko sa babaeng crew at nasa akin na pala ang atensiyon niya. Tumaas ang isa kong kilay nang irapan niya ako bigla at hindi iyon napansin ng kambal.

Ma-attitude pala ang babaeng ito. Hindi naman 'yon napansin nina Captain dahil hindi sila nakapokus sa babaeng ito. Sa akin lang kasi nakatingin si Laito at Captain kaya wala silang kaalam-alam na inirapan na ako nitong babaeng crew nila.

Ano'ng nagawa kong mali para irapan niya ako? Dahil ba sa naiinggit siya? Hindi na ako magtataka. Halata namang may gusto siya sa kambal lalo na't malagkit ang tingin niya kay Captain.

"Please tell our chef to cook all his specialties. Asap." seryosong utos ni Captain sa babaeng crew na si Andrea na hindi man lang siya tinitingnan.

"Sige po, sir."

Tumalikod at naglakad na siya paalis habang kumekembot na parang bulate, pero siya pinansin ng Hellion Twins kaya lihim akong natawa. Kahit ano'ng gawin niya ay hindi pa rin siya papansinin nitong dalawa.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon