Harmony Erdenay's
"Harmony? Pwede ba tayong mag-usap?"
Tiningnan ko ng maigi si Beatrice. Hindi na siya nakasuot ng uniform dahil na rin sa hindi na siya nag-aaral dito sa Osiris mula nang patalsikin siya rito katulad ng Ate Andrea niya.
May lungkot sa mga mata niya at nakikita ko rin sa mukha niya ang matinding pagod. Para siyang stress at tila ilang araw yata siyang walang tulog dahil na rin sa nangingitim ang ilalim ng mata niya na halata ring namumugto pa. Ni hindi man lang niya inabalang suklayin ang mahaba niyang buhok.
Ibang-iba siya ngayon kumpara sa unang pagkikita naming dalawa. Three days ko lang siyang hindi nakita ay kapansin-pansin agad na malaki ang ipinagbago niya.
Medyo nagulat pa ako nang bigla na lang siyang umiyak sa harapan ko. Mabilis tuloy akong napatingin sa paligid ko at nakahinga ako ng maluwag dahil kaming dalawa lang ang nandito sa labas ng school gate.
Tiyak na pagpi-piyestahan kami ng mga estudyanteng tsimoso't tsismosa kapag nakita nila kami rito tapos umiiyak pa siya. Baka akalain pa ng ibang tao na pinapaiyak ko siya.
I took a deep breath. 'Para saan at bakit gusto mo ako makausap?"
"Sorry talaga sa mga ginawa ko sa inyo, Harmony. Ako ang may kasalanan lahat. Plano ko na sirain ang relasyon niyo ng Hellion Twins. Lahat ng 'yon ay ako ang may kagagawan," panimula niyang paliwanag na nagpakunot sa noo ko.
"Doon sa pagpunta mo sa Lothaire Univesiry? Sa katunayan niyan ay sinundan kita at ako rin mismo ang kumuha ng litrato habang kausap mo si Rhys. Pinalabas ko na nakikipagkita ka sa ibang lalaki kahit hindi naman talaga. Ginawa ko lang naman 'yon para siraan ka sa kambal," umiiyak niya pang turan sa akin.
"Oo, alam ko na ikaw ang gagong gumawa niyon. Kalat na kalat na nga sa buong school ang ginawa mo, eh. Siniraan mo ako. May sasabihin ka pa ba?" pagsusungit ko.
Meron pa akong klase kaya ayokong magpa-late ngayon. Tatlong araw na akong absent eh, kaya ayokong ma-late. Ayoko rin namang masabon ako nina sir. Baka mamaya ay hindi na ako bigla maka-graduate nito. Pangarap ko pa namang makapag martsa at makuha ang aking diploma.
Ayoko rin namang magpadala sa awa sa kanya dahil hinding-hindi ko kayang kalimutan ang ginawa niya at ng ate niya sa akin.
Nang mapansin kong hindi na siya magsasalita ay nagsimula na akong humakbang para pumasok na sa loob, pero maagap naman niya akong pinigilan gamit ang paghawak sa braso ko. Tinanggal din naman niya ang kamay niyang nakahawak sa akin nang tingnan ko siya.
"Ano? May sasabihin ka pa ba? Dalian mo at baka malate pa ako sa klase ko." Nahihimigan sa boses ko ang labis na iritasyon.
Hindi rin niya ako masisisi kung bakit ganito ako makitungo sa kanya at alam naman niya ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ko sa kanya at ayaw ko siyang harapin o makausap.
Kapag naaalala ko ang mga ginawa niyang paninira sa akin at pagkalat ng mga fake news ay talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya.
"Ako 'yung nagpadala ng text message sa 'yo." pag-amin niya kaya agad akong napaharap sa kanya.
Text message? Nakita niya ang pagtataka sa aking mukha. Halata ko rin na balisa siya. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Bakit parang hindi siya mapakali na ewan?
"Nu'ng nagkaayos kayo ng Hellion Twins, gumawa ulit ako ng panibagong plano para masira ang relasyon mo sa kambal. Pero sa pagkakataong 'yon ay sina Laito na ang masisira sa 'yo."
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
Narrativa generale[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...