Harmony Erdenay's
Maluwag akong nakahinga dahil walang nakapansin o nakakita na magkasama kaming dalawa ni Captain sa loob ng banyo. Pagkatapos ng mainit naming pagniniig ay naligo rin ako agad. Pati si Captain Liam ay sinamahan pa talaga akong maligo kahit na kakatapos lang niyang maligo kanina.Para tuloy akong bata na pinapaliguan niya. Siya pa talaga mismo ang nag sabon sa katawan ko, nag hilod at nag shampoo sa mahaba kong buhok.
Mabilis din kaming natapos para hindi kami mahuli. Nagmamadali kaming nagbihis at malaki ang pasasalamat naming dalawa na walang tao sa labas nang makalabas kami sa banyo. Bumalik kami sa tent namin na parang walang nangyari.
Dumating ang alas otso ay gising na ang lahat. Tulad ng hinala ko kanina ay hindi nga ako nagkamali. Marami ang nag-unahan na maligo sa banyo. Humaba rin ang pila kaya naman ang iba sa kanila ay magkakasabay na lang na naligo para naman mapabilis ang kilos nila.
Ang ibang boys naman ay naligo na lang sa labas ng banyo lalo na ang ibang miyembro ng Demir kaya halos hindi magkamayaw ang mga girls sa kakatingin sa kanila lalo pa't binalandara nila ang mga abs nila.
Infairness, maganda rin ang katawan ng mga Demir. Palibhasa kasi ay batak ang kanilang katawan sa kaka-praktis ng basketball. Mga varsity player sila kaya hindi na katakataka kung bakit maganda ang katawan nila.
Alas diyes na nang magsimula ang activities naming lahat. Bukod sa tinuruan kaming magsindi ng apoy, kumuha ng mga kahoy at manghuli ng isda ay nagkaroon na rin kami ng activities na talagang ipapagawa ng mga titser sa 'min.
Nagkaroon kami ng palaro para maging maganda at exciting ang camping namin. Nagpa-treasure hunt din sina sir, pati na rin ang tug of war rope. By group ang labanan at masasabi kong malalakas ang mga kasama ko.
Ayaw pa nga akong pasalihin nina Captain at Laito sa ibang mga palaro dahil baka masaktan daw ako, lalo na't ang ibang games ay puro lakas ang kailangan gawin. Ako pa naman ang nag-iisang babae sa grupo namin.
May nagtulakan pa nga at may nasaktan. Natatakot pa nga ang kambal na baka masugatan ako o masaktan kaya mas pinipili na lang nilang paupuin ako sa isang tabi. Prinsesa tuloy ang peg ko. Kaya para may maiambag ako sa grupo namin ay ako ang taga cheer nila.
Walang imik naman ang mga titser namin at hindi sila nagreklamo sa kagustuhan ng Hellion Twins, dahil isang Liam Aslan Hellion ang makakalaban nila. Kaya walang nagawa sina sir dahil naging instant prinsesa ang lagay ko sa ibang mga palaro.
Marami rin kaming ginawa na activities. Merong pisikal ang gagamitin at meron namang talino ang kailangang gawin. Sa sobrang daming binigay na activities sa amin ay hindi ko na matandaan ang iba.
Nakakapagod, pero masaya at sulit naman. Pagsapit ng alas sais ng gabi ay paikot kaming pinaupo nina sir at isa-isa kaming tinanong kung anu-ano ang mga personal experience na pwede naming i-share sa lahat. Marami naman ang nag-share ng experience nila sa buhay. May nagkukwento tungkol sa personal nilang buhay, malungkot man o masaya.
Meron namang problema sa lovelife, sa pamilya o sa pag-aaral. Sabay-sabay rin kaming nagtatawanan kapag may nagbibiro sa amin, meron namang malungkot ang kinuwento kaya hindi maiwasang maging emosyonal ang iba at napapa-iyak na lang.
Naalala ko ang kinuwento ng isa sa estudyanteng lalaki sa amin na anak daw siya ng nanay niya sa ibang lalaki. Medyo sensitibo 'yon at namamangha ako sa katapangan niya para ibahagi ang buhay niya.
Because his father raped his mother. Bunga lamang daw siya ng isang makasalanan kaya tinatakwil siya ng ina niya. Lahat kami ay nagulat nang ikuwento niya iyon sa 'min, kahit pati sina sir ay hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
General Fiction[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...