Harmony Erdenay's
Naisipan na lang nina Captain na iuwi ako sa bahay imbes na idiretso ako sa clinic. Nalaman ko na nakausap na ni Sir Leucos ang mga nanakit sa akin kanina, pati ang mga nakikiusyo lang ay nadamay rin dahil hindi man lang daw sila umawat sa nangyari kanina.
Walang awang natanggal sa school sina Andrea kasama ang dalawa niyang alipores. Ang mga nadamay naman ay nakatanggap ng punishment at hindi na sinabi sa akin ni Captain kung ano ang parusa na matatanggap nila mula kay Sir Leucos.
Maingat lang akong pinaupo ni Laito sa kama. Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang balakang ko. Pati mga natamo kong sugat ay kumikirot na rin.
Hindi ako pwedeng maawa sa nangyari kina Andrea. Leksyon na nila siguro 'yon para madala sila, maski ang mga nakikiusyo na nadamay dahil nanood lang sila sa nangyari at tuwang-tuwa pa kanina.
Kasalanan din naman kasi ni Andrea ang nangyari sa kanila. Isa siyang war freak. Bigla na lang niya akong sasabunutan dahil sa kabaliwan niya kaya, ayun! Napatalsik tuloy siya sa school kasama ang mga alipores niyang mga mukhang clown. Pinapanalangin ko lang na huwag sana nila akong balikan para gantihan.
Naupo sa gilid ko si Captain. "Linisin na muna natin itong mga sugat mo." Bitbit niya ang first aid kit box na kinuha at hiniram lang niya sa clinic.
Tinanguan ko lang siya bilang sagot.
"I'll just cook something for her," rinig ko namang salita ni Laito at tumayo.
Saglit lang niyang hinalikan ang noo ko bago siya lumabas ng kwarto ko.
Malalim akong bumuntong hininga habang pinapasadahan ko ng tingin ang mga sugat ko. Karamihan ay puro malalaking kalmot. Ilang araw ba hindi nagputol ng kuko ang tatlong babae na 'yon? Ang hahaba ng kalmot nila sa akin, dinaig pa nila ang mga pusa.
Napangiwi pa ako nang bigla na namang sumakit ang balakang ko. Feeling ko ay napilayan ako. May kilala naman akong manghihilot na malapit lang dito sa lugar namin. Ipapahilot ko na lang siguro ito bago pa lumala ang pananakit.
Mas mapapamura ako kung sa manghihilot ako pupunta kaysa magpunta ako sa bahay pagamutan. At isa pa, nagpupunta na ako sa kilala kong manghihilot na isa ring albularyo sa tuwing napipilayan ako. Safe naman 'yung paghihilot at effective naman.
"Ouch!" daing ko nang idampi ni Captain sa sugat ko ang hawak niyang bulak na may alcohol. Ramdam ko ang hapdi n'on.
"Sorry, mi amor."
Isang tango lang ang isinagot ko at pinanood na lang ang ginagawa niyang paggamot sa mga sugat ko sa hita at tuhod. Marahan at maingat lang din ang bawat dampi niya sa mga sugat at kalmot ko para hindi ako mas masaktan.
Pagkatapos niyang gamutin iyon ay sinunod naman niya agad ang mga natamo kong mga kalmot sa braso't kamay ko. Minsan naman ay naririnig ko ang malalim niyang buntong-hininga na parang may malaki siyang dinadalang problema. Hanggang ngayon nakikitaan ko pa rin siya ng pag-aalala na may halong inis.
"Salamat," sinsero kong pasasalamat habang nakatitig ako ng diretso sa gwapo niyang mukha. Tumingin naman si Captain sa akin at hinawakan ang kaliwa kong pisngi.
"Kung nandoon lang sana kami ni Laito para protektahan ka, hindi ka sana magkakasugat ng ganito. Ang dami mo pang mga kalmot sa katawan," turan niya.
"Tingnan mo nga, ang kinis ng balat mo tapos kakalmutin at susugatan lang nila? Paano na lang kung magkapasa ka at mapilayan sa ginawa nila sa 'yo?" nag-aalala niya pang sabi.
Muling kumawala ang malalim niyang buntong-hininga. May kung ano namang humaplos sa puso ko kasabay ang pagbilis ng tibok nito. Parang nanlambot ang buong sistema ng katawan ko dahil ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
General Fiction[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...