23

59.3K 1.4K 475
                                    

Harmony Erdenay's

Pilit akong ngumiti nang tuluyang nakalapit si Lakan sa gawi namin kasama ang mga alagad niya. Mabilis ding pumulupot ang braso ni Captain sa balingkinitan kong beywang at ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin na tila ayaw akong makawala sa kanyang bisig.

Si Laito ay prente lang na nakatayo sa kabilang gilid ko at mariin lang siyang nakatingin kay Lakan. Tila sinusuri niya kung mapagkakatiwalaan ba nila siya dahil wala pa naman sa itsura ni Lakan ang makagawa ng mabuti.

Hindi naman sa jina-judge ko ang panlabas niyang anyo. Mabait naman talaga siya, pero sadya lang kasi talagang mukha siyang gagawa ng masama.

"Harmony, chickababes. Ang tagal nating hindi nagkita, ha? Kumusta ka na?" nakangiting tanong ni Lakan kaya nasilayan ko na naman ang gilagid niya.

Kung si Dalisay ay one seat apart ang naninilaw niyang ngipin, ito naman si Lakan ay bulok na ang mga ngipin at nakikita pa ang gilagid niya kapag ngumingiti.

"Okay lang naman ako. Kasama ko pala itong boyfriend ko." Tinuro ko pa si Captain.

Pati ako ay nahahawa na rin kay Captain Liam. Pinapakilala ko na siyang boyfriend kahit wala pa naman kaming relasyon. Napatingin naman silang lahat kay Captain bago nila binalingan ng tingin si Laito.

Palipat-lipat ang kanilang tingin sa kambal na parang gulong-gulo sila. Nakakunot pa ang noo nila. Siguro nagtataka kung bakit magkamukha itong si Captain at Laito. Ngayon lang ba sila nakakita ng kambal na ubod ng gwapo?

"Ay sus ginoo, magkamukha ang dalawang 'to!" sambit ng kasama ni Lakan.

"Siyempre, kambal kaya sina Kuya Liam at Kuya Laito. Parehas pa silang mga gwapo. Hindi katulad ninyo, halatang pinaglihi sa imburnal ang pagmumukha ninyo. Baka nga naawa lang ang magulang niyo sa inyo kaya hindi na lang kayo pinaampon," sabat ni Chase kaya mabilis na tinakpan ni Elijah ang bibig ng anak niya.

"Good boy," nakangiting turan ni Laito at nakipag-apir pa siya sa bata.

May lahi pa namang pagiging mapang-asar at pilosopo si Chase lalo na't bata siya. Ganito pa naman ang ibang mga bata, mapang-asar at mapanglait. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko para pigilan ko ang aking sarili na huwag umalpas ang tawa.

Kaya gustong-gusto ko ang ugali ni Chase, mabait, matalino at masipag pero maloko. Paborito niyang asarin ang Kuya Lakan niya, kaya hindi nakakaligtas si Lakan sa mga batang nang-aasar sa kanya.

"Hay naku, Chase. Malabo na talaga ang mata mo! 'Di hamak naman na mas gwapo ako kaysa sa dalawang ungas na 'to," maangas na bulalas ni Lakan kaya naman kanya-kanyang bigay ng reaksyon ang mga taong nakapaligid sa amin.

Pati ang mga nagpapagamot kay Mang Martin ay nag-react din sa sinabi niya. Sa katawan pa nga lang nina Captain, talo na siya. Sa mukha pa kaya?

Hindi ko alam kung may sayad ba sa utak si Lakan o sadyang mahangin lang siya at makapal ang mukha. Ni hindi man lang siya nahihiya sa sarili niya. Buti na lang ipinanganak siyang mabait.

"Ulol! Ipagamot mo lang kay Mang Martin 'yan baka sakaling gumaling ka pa!" sigaw ng isang lalaking nakapila kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa bigla. Pati sina Laito ay natawa rin. Sinubsob ko pa ang mukha ko sa dibdib ni Captain para hindi makita nina Lakan na tumatawa rin ako.

"Mga malalabo talaga ang mata ninyo! Mabuti pa itong chickababes ko, alam niyang gwapo ako."

May pangisi-ngisi pa siyang nalalaman.

Halos mapatalon pa ako sa gulat nang bigla na lang dumagundong ang malakas na kidlat sa kalangitan. Napakapit ako nang mahigpit sa damit ni Captain dahil malaki ang takot ko sa kidlat na 'yan. Kulang na lang ay magtago na ako sa loob ng damit ni Captain.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon