Harmony Erdenay's
Sinag ng araw na tumatama sa aking mukha ang naging dahilan para magising ang natutulog kong diwa. Pagmulat ko ay napansin ko agad na bahagyang nakasiwang ang kurtina kaya malayang nakakapasok ang araw sa kwarto ko.
Tumingin agad ako sa wall clock, alas nuebe na nang umaga. Babangon na sana ako pero may malaki at mabigat na braso ang pumigil sa akin. Sinundan ko ng tingin kung sino ang nagmamay-ari nito. Walang iba kundi si Laito.
Nakayakap siya sa akin at nakasubsob pa ang mukha sa leeg ko. Hindi ko rin mahagilap si Captain. Wala siya rito sa kwarto at hindi ko alam kung nasaan siya.
Siguro sa pagod ko sa pagbabantay at pag-aalaga kay Laito ay hindi ko namalayang nakatulog na ako. Ni hindi ko rin napansing katabi ko na ang lalaking ito sa kama.
Dahan-dahan ko namang tinanggal ang braso at binti ni Laito na nakadantay sa aking katawan bago ako bumangon sa kama. Kinapa ko ang kanyang noo't leeg, may kataasan pa konti ang lagnat niya kumpara kagabi.
Mawawala rin naman siguro itong lagnat niya agad kapag ininuman niya ulit ng gamot. Pero paano kaya ako nakarating dito sa kama?
Sa pagkakatanda ko ay sa sofa ako natulog kagabi dahil dito sa kama ko pinatulog si Laito para na rin makapagpahinga at makatulog siya nang maayos. Nag sleep walking ba ako kagabi? Ewan, hindi ako sure. Napunta bigla ang tingin ko sa pinto nang bumukas 'yon at pumasok si Captain.
"Gising ka na pala. Pinainit ko nga pala 'yung sopas na niluto mo kagabi," aniya at ngumiti.
Simpleng tango lang ang isinagot ko.
Lumapit ako sa closet at kinuha ang aking school uniform. Balak ko nang pumasok ngayon at baka masermunan na ako nina sir. Medyo okay naman na ako. At isa pa, namimiss ko na rin ang best friend kong si Shawn.
"Papasok ka na?" tanong niya at ramdam ko ang mata niyang nakatingin sa akin.
"Oo," tipid at walang gana kong sagot.
Hinayaan ko silang matulog dito kagabi dahil maulan, pero hindi ibig sabihin n'yon ay napapatawad ko na sila. Siyempre, kaunting pakipot muna.
Gusto kong bigyan sila ng leksiyon at para makasiguro akong nagsisisi talaga sila sa ginawa nila. Basta bahala sila sa buhay nila kung makakatagal silang suyuin ang tulad kong maarte at matigas ang ulo.
Hindi na ulit nagsalita pa si Captain kaya hindi ko na lang siya pinansin. Pumasok na ako sa loob ng banyo at agad naligo. Binilisan ko na lang upang hindi ako ma-late sa school. Nakasuot na ako ng uniform nang lumabas ako sa banyo at wala akong nakitang Captain Liam.
Ngunit gising na si Laito at nakahiga lang siya sa kama. Namumutla pa rin siya at halata kong nanghihina dahil sa lagnat niya. Namumungay pa rin ang mata niyang nakatingin sa 'kin at magulo ang kanyang buhok. Pero nakakainis lang dahil gwapo pa rin siya.
"Kung hindi mo kayang tumayo ay pwede ka munang manatili rito sa apartment ko para makapagpahinga ka pa. Pero umalis din kayo agad pagsapit ng hapon," walang gana kong sabi habang nakatapat ako sa salamin at nag-aayos ng sarili.
Hindi ko rin siya tinangkang tingnan.
Pansin ko sa gilid ng aking mata ang paggalaw ni Laito. Kahit hindi ako tumitingin sa kanya ay alam kong bumangon siya sa kama. Narinig ko pa ang mahina niyang daing, pero hindi ko pa rin siya tinangkang tingnan.
Siguradong masakit ang kanyang ulo. Kung bakit ba kasi hindi na sila umuwi kagabi. Nabasa pa tuloy silang dalawa ni Captain ng ulan. Hindi ko na kasalanan kung sadyang matigas din ang ulo nila. At hindi na rin nila ako masisisi kung mas matigas ang ulo ko kaysa sa kanila.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
Ficción General[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...