19

64.6K 1.6K 257
                                    

Harmony Erdenay's


Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Nagtatagisan na rin sila ng masamang tingin. Masyado rin akong natatatakot kay Captain. Nakayukom ng mahigpit ang kanyang kamao. Parang anytime ay mapapatay na niya si Nicolai.

Samantalang si Laito ay tahimik lang ngunit sobrang higpit naman ng pagkakahawak niya sa bag ko. Feeling ko nga ay parang gusto na niyang ihampas 'yon kay Nicolai.

"Ano'ng ginagawa ng Hellion Twins dito, Harmony?" nagtatakang tanong ni Nicolai.

"I'm Harmony's new boyfriend." walang kautal-utal na sagot ni Captain. "Ikaw? Ex ka na, 'di ba? Ano'ng ginagawa ng basura rito?"

Hinawakan niya ang kamay ko para sana hilahin ako pero humawak naman si Nicolai sa kabila kong kamay para pigilan si Captain. Teka, kailan ko pa siya naging boyfriend? Bakit wala man lang nag-inform sa akin na boyfriend ko na pala siya?

"Boyfriend ka ni Harmony? At kailan pa nagkaroon ng interes ang isang katulad mo na playboy kay Harmony?" Hinatak ako ni Nicolai palapit sa kanya pero pinigilan naman siya ni Captain.

Gusto ba nila akong tanggalan ng braso? Nahihilo na rin ako sa ginagawa nilang hatakan sa akin. Kulang na lang ay hatiin na lang nila ang kalahati kong katawan.

"Should I inform you para malaman mo kung kailan pa ako nagkaroon ng interes kay Harmony? Bakit? Sino ka ba para i-inform? You're already her damn ex-boyfriend, remember?"

Muli akong hinatak ni Captain pero pinigilan na naman ulit siya ni Nicolai. Naiinis na ako. Isa pang hatak at baka ibalibag ko na silang dalawang. Nahihilo na ako sa ginagawa nila!

"Bakit naman ako maniniwala na boyfriend ka ni Harmony? Hindi ba alam ni Harmony na marami na kayong naging babae? Will you also include her in your fucking toys collection?" Medyo nahimigan ko ng galit sa tono ng pananalita ni Nicolai. Ngayon ko lang siya nakita na magalit ng ganyan.

"I don't fucking care if you want to fucking believe it or not. Hindi ka naman importante. Parehas lang naman tayo na maraming naging toys collection na babae, pero hindi naman ako putanginang kagaya mo na niloko si Harmony. Hindi ako katulad mo na naghanap ng iba habang kayo pa ni Harmony. Sorry, pero sinayang mo, eh. Kaya sa akin na siya ngayon."

Hindi na ako nakatiis pa.

"Pwede bang tumigil na kayong dalawa? May pamura-mura pa kayo. Hindi niyo ba man lang nakikita o napapansin na nahihilo na ako sa kahahatak ninyo sa akin?!" asik ko bago ko marahas na tinanggal ang kamay nilang nakahawak sa akin.

"Tumigil na kasi kayong dalawa. Ginagalit niyo masyado ang future wife ko, eh." ani Laito na nakangisi.

Umangat sa ere ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko dahil tiningnan ko siya ng masama. Nandiyan naman siya pero hindi man lang niya inawat ang dalawang 'to.

"Puwede bang umalis ka na, Nicolai? Pagod ako at kakagaling lang namin sa outing kaya bukas na lang tayo mag-usap," mahinahon kong pakiusap.

Huminga siya ng malalim at tumango.

"Okay, naiintindihan ko. Hintayin na lang kita sa school bukas." Sinundan ko lang siya ng tingin nang maglakad na siya paalis.

"At kayong dalawa, umuwi na rin kayo." utos ko naman sa kambal at inis na kinuha ang bag ko kay Laito.

Tumalikod na ako at binuksan ang pintuan. Isasara ko na sana ito nang mabilis na humarang ang kamay ni Captain na ikinagulat ko.

Marahan niyang itinulak ang pinto kaya napaatras ako hanggang sa tuluyan siyang nakapasok sa loob ng bahay. Pero ang higit na ikinagulat ko ay ang pagsandal niya sa akin sa pader.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon