Epilogue
Harmony Erdenay's
Sabi nga nila malalaman mo na masaya ang pagsasama ng isang mag-asawa kung mayroon silang tiwala, respeto at pagmamahal sa isa't-isa. Kung may tiwala ka sa taong mahal mo, hindi 'yon magiging dahilan para magsimula ang bangayan hanggang sa mapunta sa away at hindi pagkaka-unawaan.
Magiging masaya rin daw ang isang pamilya kung sama-sama silang lalaban sa hirap at ginhawa. Na animo'y kahit na ano man ang pagsubok na humadlang sa kanila ay hinding-hindi pa rin matitibag ang relasyon nila.
Katulad na lang sa amin ng Hellion Twins. Hindi naging madali sa una ang buhay mag-asawa namin. Hindi naging madali sa 'kin ang pagiging housewife ko para kina Captain at Laito.
Hindi talaga naging madali sa uno, pero nalampasan namin lahat ng iyon. Masaya ako kahit na nahirapan ako sa umpisa ngunit mas pinili kong maging matatag alang-ala sa pamilya ko lalo na nang dumating sa buhay namin ang napakagandang regalo.
Hindi ko naman kasi alam na nagdadalang-tao na ako noong araw na 'yon. Pagkatapos kasi ng wedding reception, dumiretso kami agad sa rest house nila na sakop lang din ng Stelliferous para sa magaganap na honeymoon.
At dahil sa hayok magpaligaya ang Hellion Twins ay hindi talaga nila ako tinantanan. Paulit-ulit. Ayaw paawat at walang kapaguran. Hindi ko alam kung saan sila laging humuhugot ng lakas at hindi talaga sila nagpapaawat. Sobrang lakas ng stamina nilang dalawa.
Ngunit sulit ang masasarap at maiinit naming pinagsaluhan noong gabing iyon. Umabot pa kami hanggang madaling araw bago nila ako tinigilan. Para akong na lantay na gulay at parang may balak talaga sila na hindi ako makalakad kinabukasan.
Pero kapag nakabawi na kami ng lakas ay sinisimulan na naman nilang painitin ang aking taksil na katawan. Kusa naman akong nagpapaubaya at nagpapa-angkin sa kanila. Kahit na pagod ay nagagawa ko pa ring makipagsabayan sa kanila.
Tinotoo nga talaga ni Captain ang sinabi niya na bawat kwarto ay bibinyagan namin. Pati kusina ay hindi namin pinalampas. Kulang na lang ay masira o mawarak na rin ang kama namin.
Kaya pagdating sa umaga ay parang may sumalantang bagyo sa rest house dahil sa nagkalat ang mga unan at iba pang mga gamit. Pinaramdam nila kung gaano sila kabaliw sa akin. At higit sa lahat, pinaramdam din nila sa akin kung gaano nila ako kamahal.
Subalit pagdating sa umaga ay nagkaroon ako ng morning sickness. Paggising ko sa umaga ay dumiretso ako agad sa banyo para magsuka. Inakala pa nina Captain na masama ang pakiramdam ko o baka naman ay may nakain lang akong masama kaya ako nagsusuka.
Naging maayos naman agad ang pakiramdam ko pagdating ng tanghali ngunit sa pangalawang araw ulit namin sa rest house na 'yon ay muli na naman akong nagsuka.
Naikuwento ko rin sa kanila na gano'n din ang nangyari sa akin sa school kaya sa sobrang pag-aalala nila sa akin ay hindi nag-atubili ang dalawa na dalhin ako agad sa ospital para makapag-check up na. At doon namin nalaman na may bata na ngang nabubuhay sa sinapupunan ko.
Hindi ko akalain na isang linggo na pala akong nagdadalang-tao at hindi ko man lang agad 'yon napansin. Ang pagsusuka ko, ang pagiging matakaw ko na sa pagkain maski ay ang pagiging antukin ko ay sign na pala iyon na buntis na ako. Kaya pala hindi na dumating ang buwanang dalaw ko.
Labis ang kasiyahan nina Captain at Laito nang malaman nilang buntis na ako at magiging ganap na silang ama. Kahit ako ay masaya at naging emosyonal nang malaman kong magkaka-baby na kami. Sa wakas ay matatawag ko na rin ang aking sarili na ina.
Sa sobrang excited at saya ay binalita agad nina Captain sa magulang namin na buntis na ako. Pati sa buong kamag-anak namin ay pinakalat din nila ang balita na isa na silang ganap na ama.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
General Fiction[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...