Harmony Erdenay's
Natapos ang camping namin kaya balik eskwela na naman kaming lahat. Isang linggo na rin ang nakalipas at hindi na rin masyadong nagtuturo ang mga titser namin dahil lahat kami ay nakapokus na sa nalalapit naming graduation.Magsisimula na rin kaming mag-practice ng martsa para sa graduation kaya nagiging abala na rin kami.
Bukod doon ay binigyan na rin kami ng mga special project na huli naming ipapasa sa mga guro namin. Malapit na rin ang final exam namin. Pagkatapos ng exam ay saka kami magpa-practice ng martsa.
Hindi lang naman ako ang naging busy ngayon. Pati na rin ang Hellion Twins ay naging abala na rin sa kaka-practice ng basketball para sa upcoming nilang laban sa grand finals.
Nalalapit na ang kanilang laban kaya subsob ang Demir sa practice. Kahit na nagiging abala na kami pare-pareho ay hindi pa rin namin nakakalimutan na bigyan ng time ang isa't-isa. Nanonood din ako ng practice nila kapag may libre akong oras.
Doon pa rin naman ako nakatira sa bahay nina Captain dahil hanggang sa ngayon ay pinapaayos pa rin nina Ninong Lorcan ang bahay namin.
Magkasama pa rin kaming tatlo sa iisang bubong at masasabi kong mas nakikilala ko si Captain at Laito. Simula kasi nang pumasok sila sa buhay ko at ginulo ang puso't isipan ko ay masasabi ay mas nakilala ko sila ng lubusan.
Mula sa pagkakaiba nila ng ugali pati na rin sa kinahihiligan nilang gawin. Kahit na naging busy kami ay hindi pa rin nawawala ang sweetness ng Hellion Twins sa akin. Possessive pa rin sila as always.
Ayaw na ayaw rin nilang may lalaki na lumalapit sa akin dahil may pagka-seloso ang kambal. Akala nila ay may umaagaw na sa akin. Kapag wala ang kambal ay si Shawn ang kasama ko.
At sa bawat paglipas ng araw ay mas lalo lang nahuhulog ang puso ko sa kanilang dalawa.
Masasabi ko rin na salungat ang nakikita ko noon sa kanila kaysa sa nakikita ko ngayon. Hindi sila natatakot na ipakita sa akin ang totoo nilang pagkatao.
Habang tumatagal ay mas lalo kong nalalaman ang pagkatao nila. Pati sikreto nila ay pinapaalam nila sa akin. Hindi nga nila nakakalimutan na magpaalam sa akin kapag may importante silang gagawin lalo na kapag magpa-practice na sila.
Masaya rin ako dahil malaki ang binibigay nilang tiwala sa akin sa tuwing nagkukuwento sila tungkol sa buhay nila maski sa mga nangyari sa kanilang dalawa noon. Pati nga ang ginagawa nila kapag hindi nila ako kasama ay buong detalye pa nilang sinasabi sa akin.
Mas lalo akong napapalapit sa kambal.
Nagiging close ko na nga rin ang buong members ng Demir na parang tropa na rin ang turing nila sa akin dahil kahit makakasalubong ko lang sila ay agad nila akong nginingitian at binabati.Noon ay wala silang kaalam-alam na nag-e-exist ako sa mundong ito. Wala silang ideya na nag-aaral din ako sa Osiris. Ni hindi ko rin pinangarap noon na makilala nila ako, o mapalapit sa kanila.
Pero ngayon ay nagbago na ang lahat. Malaki na ang nagbago at halos makasama ko na sila araw-araw lalo na ang kambal.
Dapat ba akong magpasalamat kay Nicolai dahil kung hindi lang niya ako ginugulo at kung hindi lang din ako nag-cut ng klase ay baka hindi ko nakasalubong at nakabangga sina Captain sa hallway that time?
Ewan, siguro nga dapat kong ipagpasalamat na nangyari 'yon. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na biglang susulpot sa buhay ko ang Hellion Twins. Ginulo pa nila ang puso't isipan ko. Pati katawan ko ay hindi rin nila pinalampas.
Makakapagtapos ako sa college at aalis sa school na may bitbit na kakaibang sarap na karanasan na kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.
Nabalik ako sa sarili ko nang maramdaman kong may malambot na labi ang humalik sa labi ko. Natauhan ako dahil sa paghalik na 'yon. Nasa harapan ko na pala si Captain at matamis siyang nakangiti sa akin.
BINABASA MO ANG
HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔
Ficción General[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins, where they are also members of a basketball team called Demir meet this girl, their minds and hearts went crazy. There is something the...