29

65.3K 1.5K 119
                                    

Harmony Erdenay's


Natapos ang mainit na pinagsaluhan namin ni Laito sa loob ng sasakyan ay agad kaming nagbihis at nag-ayos ng sarili. Kumakalam na rin ang tiyan ko sa gutom. Saktong pagpatak ng alas dose ay natapos kaming magbihis. Tumawag din si Captain at nagtatanong kung nasaan kami kaya sinabi lang ni Laito na nandito kami sa parking lot.

Maya-maya ay dumating na si Captain. Halatang katatapos lang ng kanilang practice. Iniwan naman kami ni Laito dahil sinabihan siya ni Captain na gusto raw siyang makita ng coach nila, marahil ay may importante itong sasabihin kaya ngayon ay kami naman ang magkasama ni Captain.

"Gutom ka na ba?"

Tinanguan ko si Captain sabay hawak sa aking tiyan. "Kumakalam na ang tiyan ko sa gutom."

Natawa siya at mahinang pinisil ang aking pisngi. Niyaya rin ako agad ni Captain na bumalik sa loob ng school para sa canteen na lang kami kumain ng tanghalian. Balak pa sana niya na sa labas na lang kami kumain pero sinabi ko sa kanyang huwag na. At isa pa ay naiwan ko sa room ang bag ko.

"Huwag mo na lang kaya akong hawakan sa kamay? Tingnan mo nga, o? Kanina pa nila tayo sinusundan ng tingin," nahihiya kong bulong kay Captain.

Naiilang na rin ako sa mga mapanuring tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong namin, lalo na ang mga babae na ultimate crush si Captain.

"Don't mind them, they're just jealous because you're the only one I've ever held hands with like this."

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag-angat ng kilay ng mga babae habang tinitingnan nila ako ng matalim. Ang iba sa kanila ay nagtataka kung bakit ko kasama ang sikat at gwapong Captain ng basketball team na Demir.

Isang Hellion ang kasama ko, kaya tiyak na kinakalbo na ako ng mga fangirls niya sa isipan nila.

"Nakakatakot kasi 'yung tingin nila sa 'kin," muli kong bulong kay Captain.

Huminto siya bigla sa paglalakad kaya pati ako ay nahinto rin. Dito pa talaga kami sa gitna ng hallway huminto kaya naman malaya kaming pinagtitinginan ng mga estudyante. May nagbubulungan na parang bubuyog at kulang na lang ay patayin na nila ako.

Pansin ko ang pag kunot ng noo ni Captain Liam at tiningnan ang mga taong nakatingin sa 'min. Mukhang napansin niyang masama ang tingin ng iba sa akin kaya naman ang iba ay nag-iwas ng tingin at ang iba naman ay parang mga timang na nagpa-cute sa kanya.

Sabay rin kaming napatingin sa tatlong babaeng lumapit sa amin este kay Captain lang pala. Ang isang babae na parang binudburan ng sandamakmak na kolorete sa mukha ay may bitbit na pa-heart na tsokolate.

"Uhm, Aslan. Chocolate nga pala para sa 'yo," nahihiyang sabi ng babaeng 'yon sabay about kay Captain ng chocolate.

Oo nga pala, lahat ng mga tao rito ay Aslan ang tawag kay Captain. Second name niya 'yon at espesyal daw para kay Captain ang pangalan niyang Liam kaya gusto niya na puro mga kaibigan, pamilya at malalapit lang sa kanya ang pwedeng tumawag sa kanya ng Liam.

Hindi ko nga alam kung ano'ng klaseng kaartehan ang pumasok sa kokote ng gwapong lalaking 'to. Isa rin ba ako sa malapit sa kanya? Hinahayaan niya rin kasi ako na tawagin siyang Liam at hindi siya nagagalit.

Mahina kong siniko si Captain dahil parang wala siyang balak na kunin 'yung chocolate.

"Chocolate raw para sa 'yo."

"Wala akong hilig sa chocolate," malamig na sagot ni Captain.

Mukhang napahiya 'yung babae sa sinabi niya. Binalingan nila ako ng tingin at binigyan ako ng masamang tiningnan. 'Yung isa ay matalim pa akong inirapan.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon