35

53.3K 1.3K 209
                                    

Harmony Erdenay's


Saktong pagpatak ng alas onse ng tanghali ay ligtas kaming lahat na nakarating sa camping site. Agad nagsibabaan ang mga estudyante, ang iba ay excited at nagmamadali pa kaya hindi muna kami nakipagsiksikan para walang tulakan na mangyari.

Nang lumuwag na ang daan ay saka na kami tumayo nina Captain. Nagpasalamat naman ako nang si Laito ang nagbitbit ng bag ko bago kaming lahat na nagsibabaan sa bus. Crowded ngayon dahil sa amin. Parang bubuyog naman na nagkukwentuhan ang bawat mga estudyante.

At siyempre, hindi na naman naiwasan ng mga tao ng tumingin sa buong Demir na nakapalibot sa akin. As in nakapalibot sila sa akin kaya pati ako ay pinagtitinginan na rin nila. Kaya ayokong sumasama o tumatabi sa mga sikat na tao, eh. Dahil pati ako ay tinitingnan at pinag-uusapan.

Nilibot ko na lang ang tingin ko sa buong paligid ng camping site. Kapansin-pansin agad ang mga nagtataasan na puno at masasabi kong likas na maganda ang kalikasan.

Sariwa ang hangin dahil parang nasa probinsya lang kami, pero ang totoo ay sakop pa rin ng Maynila itong pagka-campingan namin.

May iilan din akong nakikitang mga campers na narito din at mukhang enjoy na enjoy nila ang pagka-camping dito. Merong magkakapamilya, meron namang magbabarkada. Sa tingin ko ay ligtas kami rito kahit na medyo magubat ang lugar.

"Osiris Hellion Academy students!" rinig kong tawag ng aming titser kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Good afternoon, students! Welcome to Apollo Camping Site," salita niya gamit ang hand holding megaphone para marinig siya ng lahat.

Binaling na lang namin sa kanya ang aming atensiyon at baka may importanteng sasabihin si sir na dapat naming malaman.

"Today is the start of our three days and two nights camping. Bago ko sabihin sa inyong lahat ang mga activities natin dito sa Apollo ay sasabihin ko muna sa inyong lahat ang mga rules natin na dapat ninyong sundin. Maliwanag ba?"

Lahat kami ay sabay-sabay na tumango.

"First of all, hiwalay ang boys at girls sa tent."

Kanya-kanyang reklamo ang mga narinig ko sa iba lalo na sa Demir. Talagang nag reklamo talaga ang mga kumag na 'to. Palibhasa kasi ay gusto lang maka-score sa babae kaya ganyan ang mga reaksyon nila.

"Sir, mas maganda kung isang babae at isang lalaki magkasama sa tent para may magpapainit sa gabi namin!" nakangising sigaw ni Perston at naghiyawan naman ang mga boys sa sinabi niya. Ang mga girls naman ay nagtawanan. Nabatukan tuloy siya ni Kael. Mga baliw talaga sila.

"Guys, be quiet." saway ni sir kaya natahimik ang lahat.

"Iyon ang pinaka unang rules dito at 'yon din ang sinabi ni Sir Leucos sa amin. Kung sino man ang lalabag sa rule number natin, paniguradong malalagot kayo sa Dean natin. Kilala niyo naman kung paano magalit si Sir Leucos, 'di ba? Kaya kung ako sa inyo, susunod na lang ako."

Walang nagawa ang iba kundi tumango na lang at pumayag sa aming unang rules na hindi namin pwedeng malabag. Mas mabuting sumunod na lang kami sa rules kaysa naman malagot kay Sir Leucos.

Nakakatakot pa naman siya. Sir Leucos's voice was deep and intimidating. Marinig ko pa lang ang boses niya ay natatakot na ako. Hindi na ako magtataka dahil nananalaytay rin sa dugo niya ang pagiging isang Hellion.

"Pangalawang rules. Pagsapit ng 8 p.m ay dapat tulog na ang lahat. Walang pagala-gala, nakatambay o nagkukuwentuhan sa labas ng tent. Ise-check din namin ang bawat tent ninyo para makasiguro tayo. Kung sino ang makikitang gising pa ay haharap sa parusa na sisiguraduhin ko na hindi ninyo magugustuhan. Gigising din kayo ng alas otso nang umaga kaya huwag kayong magpa-late ng gising."

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon